Chapter 19 - WALLPAPER

8 2 0
                                    

Lealyn's POV

~*~

Nakita ko si kuya Niel at si Louise na mag kasama. Tapos may bigla na lang lumapit sa kanilang babae. Wait, si Cindy 'yon ah? Yung kapit-bahay namin. So she's studying here din pala. I hate her.

Ano ba 'yan, mukha naman akong stalker nila. Wala e. Parang may something kasi sa kanilang dalawa. Nakakakilig lang <3

Maya-maya na lang.... lumapit sa akin si Louise. Malungkot yung mukha niya.

"O? Bakit ka malungkot Louise?" tanong ko sa kaniya.

"Tignan mo kasi yung dalawa o. Ang sweet-sweet," sabi niya.

"Selos ka naman?" natatawa kong tanong pero 'di siya umiimik. "Tss... hindi ka dapat mag selos, Louise... kapit-bahay lang namin 'yan," sabi ko.

"Ano naman kung kapit-bahay niyo 'yang babaeng 'yan? E parang may something o!" sabi ni Louise.

"Wag ka kasing maging nega, Louise. Isipin mo na lang, may gusto din sa'yo si kuya..."

"Mukhang ang hirap naman isipin nun," sabi niya.

"Haha, hindi naman mahirap 'yon kung iisipin mo yung mga good memories niyo. Yung mga times na mag kasama kayo," sabi ko kay Louise.

Biglang lumapit si kuya sa'min

"Louise, bakit ka umalis? Ipapakilala pa man din kita kay Cindy," sabi ni kuya

"Anong ipapakilala? E landian nga kayo nang landian sa tabi ko. Tss..." sabi ni Louise kay kuya.

"Selos ka naman?" natatawang tanong ni kuya.

Hindi lang umimik si Louise.

"Syempre naman kuya, babae 'yan e," singit ko. Nagulat si Louise sa sinabi ko kay kuya.

"Hindi ka dapat mag selos. Alam mo namang... ikaw lang ang gusto ko.." Nagulat kaming dalawa ni Louise sa sinabi ni kuya.

Tumawa ng tumawa si Louise at tumayo siya.

"Ang lakas mo talaga mag-patawa, Niel," sabi ni Louise at umalis na.

"Bakit ayaw maniwala nun?" nagtatakang tanong ni kuya.

"Syempre, kinikilig 'yon kuya...." sabi ko na lang.

Maya-maya, uwian.... nasa mall ako, sa bookstore. I like book, actually. Mahilig akong mag basa.

Nang may kukunin akong libro, biglang may kumuha nito.

"Teka kuya...." sabi ko at napatigil ako. "Ikaw? Ruiz! Dati inagawan mo na ako ng cookbook the first time we met, tapos sinundan mo pa ako kung saan school ako nag aaral, tapos ngayon, sinundan mo na nga ako, aagawan mo pa ako ulit ng libro." sabi ko.

"Wag kang makapal, ah? It's just coincidence. Sa'yo na 'to. Inaasar lang kita um-over yata," sabi ni Ruiz. "Pwede ba kitang yayaing kumain?" Tanong niya.

Kumain kami sa isang restaurant. Infairness lang ah, mayaman pala 'tong guy na 'to. Nag kwentuhan kami. Galing din pala siya sa France. Kakabalik lang din niya last week. Same as me.

"So.... may kuya or ate ka ba?" tanong ni Ruiz.

"Both...." sagot ko.

"Same :) a-anong cellphone 'yan?" tanong pa niya.

"A, eto? Haha, galing 'tong France e," sabi ko. Parang nagya-yabang lang e. Haha!

"Same again! Pwedeng patingin?" Hinayaan ko na lang siya.

Habang kinakalikot niya phone ko, pasimple kong kinuha ang kaniya. Galing nang France.

In-open ko 'yon, naks, walang password. Slinide ko na. Nagulat ako sa nakita ko. Ako 'to ah?! Wallpaper niya ako?! At yung wallpaper niya ay wallpaper ko din... Iba nga lang ang view ng kaniya.

"Lealyn?!" gulat na sabi ni Ruiz at agad na kinuha ang cellphone niya.

"A-ano 'yang nasa wallpaper mo? Diba ako 'yan?" tanong ko.

"O-oo nga...."

"Wallpaper ko din 'yon kaso iba ang view ng iyo. Anong ibig sabihin nun? Stalker ba kita?" sabi ko.

"Hi-hindi ako stalker, ano ka ba. Haha! Sadyang that time, I saw you in the park and you attract me because your so beautiful. Ang cute mo kaya. Kaya pinicturan kita para hindi ko makalimutan ang hitsura mo," paliwanag ni Ruiz.

Wait! What is the meaning of this? Is Ruiz likes me?

"Wag kang mag-alala.... hindi naman kita gusto." ngiting sabi niya at parang totoo ang sinasabi niya.

"I don't say anything. I'm just shocked," sabi ko.

"Yung reaction mo kasi," sabi niya at tumawa ng konti.

"Ano sabi mo?!" hinampas ko siya.

"Cute mo!" Sigaw niya at hinampas ko ulit siya. "Aray lang ah?!"

Tinawanan nang tinawanan ko lang siya hanggang sa mapikon siya. Siya naman ngayon inaasar ko. Kulit pala nitong mapikon. Parang bata!

Maya-maya, umuwi na ako. Inihatid pa ako ni Ruiz. Kulit kasi e, sabi ko kaya ko na sarili ko nang mag-isa.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita ko si kuya at ate.

"Bakit ngayon ka lang? Dapat kanina ka pa dito?" sabi ni ate.

"Pumunta 'kong mall... kasama ko naman si Ruiz," sagot ko.

"Sino si Ruiz?" tanong ni kuya.

"Classmate ko," sabi ko.

"Kahit na may kasama ka, dapat dumiretso ka muna dito sa bahay para mag paalam kay mama," sabi ni ate.

"Bakit ate? Malaki naman na ko ah? Bakit kapag kayo ni kuya? Wala na ba akong time for myself? Palagi na lang ba ako tatambay sa bahay na 'to?" sabi ko kay ate. Nakakatampo lang. Kasi parang pinagbabawalan nila ako.

Lumapit sa'kin si ate at si kuya nag laro na lang ng video game.

"Sorry, Lea. Nag-alala lang kasi kami," sabi ni ate Lay.

"Okay lang," sabi ko at pumunta ng room.

Hay... ngayon lang ulit kami medyo nag-ayaw ni ate Lay. Minsan lang mangyari 'to sa'min. Super close kami <3

Broken Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon