Mark's POV
~•~•~•~•~
Finally! Nagawa ko na ang lahat ng dapat kong panliligaw. Siguro naman sasagutin na ako ni Raine.
"Kuya, kamusta naman?" tanong ni Kristel.
"Everything was fine. Sagot niya na lang ang kulang..." sagot ko.
"Good. But kuya... are you sure na ba na siya na talaga ang babaeng para sa'yo? 'Yung hindi ka na makakahanap pa ng iba. Kasi kung hindi, dapat 'di mo muna siya niligawan kasi iba ang babae masaktan."
"Sure na talaga ako."
"Make sure you're really sure, ah? Kasi sinabi ko na kay Raine na hindi mo siya magagawang saktan," sabi sa'kin ni Kristel.
"Oo na. Mag luto ka na lang ng pancake," utos ko sa kaniya.
"Hay nako, kuya. Tamad talaga."
Nag cellphone na lang ako habang hinihintay maluto ang pancake.
Nag text bigla si Raine. In-open ko yung message niya.
FROM: Raine
6:31 AM
Good Morning, Markepal! Kamusta na?Tss... miss na siguro agad ako nito..
TO: Raine
Morning din sa'yo. Okay lang naman ako. Kaso kakain palang ako ng breakfast.FROM: Raine
6:33 AM
Okay. Eat well.Kinilig naman ako dun. Napangiti na lang ako.
"Mukhang masaya ngayon ang anak ko, ah?" Si Mommy
Umupo si Mommy sa kabilang sofa.
"E, Mommy.... may nililigawan na po kasi akong babae."
"WHAT!!"
Biglang dumating si Kristel. May tray pa.
"Bakit ka napasigaw, Mommy? May ipis ba?" sabi ni Kristel.
"Wala... Kasi itong kuya mo, may nililigawan na daw," sabi ni Mommy.
"Ah oo, Momny. Meron na nga," sabi ni Kristel at inilapag na ang tray sa table. Kumain na lang ako ng pancake.
"Ano?! Alam mo na din?"
"Yes, Mommy. Kaibigan ko po siya, matalik na kaibigan, actually."
"Ha??"
"Ano ba naman 'to, Kristel. Tutong yung pancake," reklamo ko.
"Paluto-luto ka pa kasi e, hindi nga ako marunong magluto."
"Whatever. Mommy, bakit ba parang ayaw niyo? E, dati naman may niligawan na din ako ha?" sabi ko. Nakakapagtaka lang.
"E kasi naman anak. Yung past girlfriend mo e sinaktan ka lang diba? Natatakot lang kasi ako na baka masaktan ka lang ulit."
"Mommy, hindi naman po yata siya tulad ni ate Angelica na manloloko, manggagamit.... Kasi gustong-gusto niya si kuya," sabi ni Kristel.
BINABASA MO ANG
Broken Love.
Teen FictionLima na mag kakaibigan na palaging NASASAKTAN, UMAASA, at palaging UMIIYAK. Ganun na lang ba ang palaging takbo ng buhay nila? Is that the whole process of their whole life? Pusong nasaktan, ngunit bumabangon. Paano kung makilala nila ang isang grup...