Lay's POV
Totoo ba 'to? Nakita ko sa Louise at Niel?! Sila na ba talaga?!
"Uy!! Kanina ka pa tulala!" Sabi ni Alex at idinikit pa lalo iyong upuan niya,
"H-ha? W-wala~"
"Wehh??" Sabay akbay sa akin.
Parang nag-iinit mukha ko. Ayoko nitong pakiramdam ko na 'to,
"La??" Sabay kinuha niya yung mukha ko at inilapit sa kaniya,
"A-ah?? A-anong ginagawa m-mo?" Ilang na sabi ko,
Ngumiti siya tapos, umiling.
"So? Ano? PDA?!" Naiinis na sabi nung babae sa gilid namin
"Ano na naman ba kailangan mo? Nikki?"
Naiinis na tanong ni Alex kay Nikki ba 'yon?
"Who is she?!" Bulalas ni Nikki at itinuro ako,
"'Wag mo akong duruin." Naiinis na sabi ko sa kaniya,
Napatawa siya nang konti.
"What's funny?" Sabi ni Alex at seryosong nakatingin kay Nikki,
"Siya."
"Anong nakakatawa sa akin?" Napatayo ako ng Wala sa oras,
"Yung mukha mo!"
"Tss... Igagaya mo mukha ko sa mukha mong pang clown? Na sobrang kapal ng make-up?"
"What?!" Gulat na tanong niya,
"Umalis ka na, Nikki," sabi ni Alex at tumabi sa akin,
Magsasalita pa sana si Nikki, kaso, pinutol na siya ni Alex.
Nang makaalis na si Nikki sa harapan namin...
"Palaban ka pala ah? 'Di halata!" Sabi niya t biglang tumawa,
"Syempre, ako pa! Haha," sabi ko sa kaniya,
Maya-maya, nasa classroom na kami....
"Sino kaya yung babaeng 'yon? Yung Nikki... nakakabanas yung mukha, Akala mo ang ganda.... kaano-ano siya ni Alex?" bulong ko sa sarili habang nagsusulat,
"Lay.... nagsasalita ka yatang mag-isa... masamang senyales 'yan," sabi ni Alex at biglang tumalikod,
Tumawa pa ang loko.
"Ewan ko sa'yo," bulong ko pa,
Uwian na. Ayoko pang umuwi dahil wala namang gagawin sa bahay. Mas nakakatamad sa bahay kesa sa labas.
"Girls... gusto niyong kumain? Or shopping?" tanong ko sa kanila,
"Lay, bawal ako e. Magtra-trabaho pa kasi ako...." sabi ni Raine.
Oo nga pala... working student nga pala itong si Raine.
"Osige, okay lang. What about you guys?" tanong ko sa kanila,
"Mauna na ako guys... kailan na ako sa trabaho e.. bye!" paalam ni Raine,
Nagpaalam na rin kami sa kaniya.
"Sasama na kami sa'yo, Lay. Kawawa ka naman e... HAHA!" sang-ayon at pang-aasar pa ni Louise,
"Grabe siya...." sabi ko.
Nang nasa mall na kami... 'yon... namasyal-masyal kami. Bumili pa nga kami ng friendship bracelet e.. kahit wala si Raine.. syempre binilhan pa rin namin siya.
Naglaro pa kami sa mga palaruan. Nag videoke.
Ang saya!
Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin, nagutom kami. Kaya dumiretso na kami sa food court,
Habang kumakain, nagku-kwentuhan na naman kami. Lagi naman kami nag ku-kwentuhan habang kumakain eh,
"Siguro mas masaya kung kasama natin si Raine dito, 'no?" sabi ni Kristel,
"I agree. HAHA! Siguro, baliw na naman 'yon," sabi naman ni Louise,
"Naging working student kasi siya e. Bait niya 'no? She's helping her family kahit nag-aaral pa siya," sabi ko naman sa kanila,
"Agree...." Biglang nag ring ang phone ni Louise.
"Wait lang guys, ha? Tumatawag si mama e."
Kinausap na nga ni Louise ang mama niya. Maya-maya, nag sabi siya sa'min na kailangan na niyang umuwi. Wala naman kami magagawa kaya hinayaan na namin siya.
"Ang lungkot naman... tayong dalawa na lang..." sabi ko at sumipsip ng juice,
"Okay lang 'yon, Lay. Makakapag-saya pa rin naman tayo...." sabi ni Kristel,
"Siguraduhin mo lang ah.... kapag hindi, lagot ka sa'kin..." sabi ko sabay tawa,
"Oo naman. Sige, pupunta lang ako sa restroom..." sabi ni Kristel,
"Sige lang... pero 'wag kang tatakas... haha!" sabi ko nalang,
Ilang minuto na ang nakakalipas... Wala pa rin si Kristel. Ang tagal naman nun mag restroom. Ano na kaya 'yon? Iniwan na ba ako? Bakit ba lahat ng tao sa mundo, iniiwan ako?!
Napatayo na ako sa inis at aalis na sana. Pero Nakita ko si Alex 😍 umupo ulit ako.
Nang papunta siya sa gilid ko, tinawag ko siya,
"Alex!"
"Lay... Andito ka pala," sabi niya,
"Ay Wala... Kaya nga hindi mo ako Nakita. Joke lang! Sino kasama mo?" Pambabara ko,
"Wala akong kasama e. Naghahanap lang ng mauupuan," sabi niya. May naisip akong kalokohan,
"Date tayo... Joke! Dito ka na umupo para 'wag ka nang mag hanap," sabi ko,
"Sure ka? Parang may kasama ka pang dalawa e. Maghahanap na lang ako," tanggi pa nito,
"Wala na. Iniwan na nila ako..."
Umupo na lang siya sa upuan. Malamang,
"Bakit ka nila iniwan?" Tanong ni Alex,
"Ewan ko ba dun sa mga 'yon. Lagi na lang ako iniiwan," malungkot na sabi ko,
"Ako kasi piliin mong kasama para hindi ka iiwan." Kinilig ako sa sinabi niya. Sabihan ka ba naman ng hindi ka iiwan.
"Sus.... Maniwala ako sa'yo," natatawang sabi ko.
"Seryoso ako."
sabi niya at napalunok na lang ako at tumawa,
"JOKE LANG!" Sabi niya at unting-unting sumeryoso ang mukha ko.
Siya naman ngayon ang tumatawa. Pinaasa na naman ako.
Pagkatapos niyang kumain, nagyaya siya na mag shopping. Nagyaya ding mag laro. Pumayag na lang ako kahit pagod na ako. Minsan lang naman kasi 'to.
Tama si Kristel. Magiging masaya nga kami kahit dalawa lang kami. Kaso hindi siya ang kasama ko,
Kundi si...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ALEX.
TO BE CONTINUED....
BINABASA MO ANG
Broken Love.
Teen FictionLima na mag kakaibigan na palaging NASASAKTAN, UMAASA, at palaging UMIIYAK. Ganun na lang ba ang palaging takbo ng buhay nila? Is that the whole process of their whole life? Pusong nasaktan, ngunit bumabangon. Paano kung makilala nila ang isang grup...
