Chapter 29 - Confession's Hurt

5 0 0
                                    

Louise's POV

~~•~~•~~•~~

Parang nag-sisisi ako na pumayag akong magpaligaw kay Niel kahit gusto ko siya. Napaka-sweet niya kasi at careful. Ang romantic. Parang mas gusto ko pa yung lagi lang kaming nag-aasaran.

"Uhm... Louise," tawag sa akin ni Lay.

"Bakit?" tanong ko.

"Nililigawan ka na daw ni Kuya Niel?"

"Ah~ oo. Masyada ngang romantic eh. Pero gusto ko naman yung pagkamaaalahanin niga sa akin," nakangiti kong sabi.

"Siguraduhin mo lang na walang makakaagaw sa kaniya ah? Kasi baka masaktan ka kapag sinagot mo na siya at bigla na lang siya mawawala sa piling mo." Nagtataka ako sa sinabi ni Lay.

"What do you mean?" Kinakabahan ako sa isasagot ni Lay.

"Kasi... parang nilalandi siya ni Cindy." Na-shocked ako sa sinabi niya pagkarinig ko ng pangalang 'Cindy'.

Wala naman kasi akong laban kay Cindy'ng 'yon. Matagal na silang magkakilala dahil magkakabata sila. Maganda siya at may lahing hapon. Singkit siya at maputi. Ewan ko na lang kung anong ugali niya. Basta ang alam ko, wala akong laban sa kaniya.

"Wala siyang laban sa'yo Louise." Nagulat ako nang biglang sabihin 'yon ni Raine.

"Oo nga. Lets say na maganda nga siya, pero nakakasawa naman ang kagandahan niya." sabi ni Kristel.

"Oy guys. 'Wag kayo, kahit papaano, may utak 'yon," sabi naman ni Lay.

Tahimik lang ako at nag-iisip. Kung tama ba ang desisyon ko na mag paligaw kay Niel o sasabihin ko na lang sa kaniya na 'Hindi ko naman siya gusto para masagot ko siya'. Pero baka masaktan siya.

Nang lunch na... habang naglalakad ako sa corridor, may narinig akong nag-uusap sa isang room. Hindi ko alam kung sino 'yon.

"Bakit kailangan pa natin dito mag-usap?" Isang tinig ng lalaki.

"Kasi... walang ingay dito at makakapag-usap tayo ng masinsinan," Isang tinig ng babae.

"Ano ba 'yon?" Parang medyo nakikilala ko ang boses ng lalaki.

"May aaminin sana ako.." sabi ng babae.

Ano kaya ang aaminin ng babae at kailangan dito niya pa aaminin? Tsismosa na kung tsismosa.

"Sabihin mo na agad para mabilis. Nagmamadali ako."

"Louise." Napatingin ako sa likod

"Kuya?"

"Bakit ka nandito?" tanong ni kuya.

"A... Wala lang. Ay, Kuya. May ipapakita ako sa'yo sa classroom ko. Masho-shock ka."

"Ha? Pero kukunin ko ang baunan ko sa loob." - Kuya.

"Na kay Lay na. Haha! Yiee... Halika, bilis..."

Ayaw kong pumasok dun si Kuya kasi baka masira yung diskarte nung babae. Haha! Kupido ako eh. Joke.

~~•~~•~~•

Niel's POV

~~•~~•~~•

Nasa room ako ngayon ng kapatid kong si Lay. Dito ako dinala ni Cindy eh. Ewan ko kung bakit.

"Bakit kailangan dito pa tayo mag-usap?" tanong ko sa kaniya. Pwede naman kasi sa canteen lang kami mag-usap.

"Kasi... walang ingay dito at makakapag-usap tayo ng masinsinan," sabi niya.

"Ano ba 'yon?" tanong ko.

"May aaminin sana ako." Ano kaya 'yon?

"Sabihin mo na agad para mabilis. Nagmamadali ako," sabi ko para sabihin niya agad.

"Gusto pa rin kita." Nanlaki ang medyo singkit kong mata.

"Gusto pa rin naman kita eh."

"Talaga? So it means... tayo na?" - Cindy.

"Hindi. Dahil kalahati na lang ang pagmamahal ko sa'yo at may iba na akong gusto. Nililigawan ko na siya ngayon at sigurado ako sasagutin niya ako dahil alam kong gusto niya rin ako," sabi ko sa kaniya. Nakita kong may papatak nang luha sa mga mata niya. Tumungo na lang ako.

"Gusto mo ako dati pero 'di mo ako niligawan. Tapos ngayon, yung gusto mo nililigawan mo na. Bakit ganun? Ang unfair naman." Nanginginig na ang kaniyang boses.

"Liligawan sana kita nun pero bigla kang umalis." Medyo tumaas ang boses ko.

Nakita kong umiyak na talaga siya. Lumapit ako sa kaniya.

"Cindy. I'm sorry." Niyakap ko siya pero bigla na lang akong umalis dahil ayokong nakikitang nasasaktan ang isang babae.

Broken Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon