Lay's POV
~*~
Medyo nag tagal na.... bakasyon na... pero may second sem pa kami. Hay, amg boring kaya dito sa bahay. Walang magawa.
Nakita ko si kuya... nakaharap sa cellphone niya. Pangiti-ngiti pa siya -__-
"Sino 'yang ka-text mo kuya? Si Louise ba? Ayiee," asar ko kay kuya.
"Hindi ah. Hindi nga siya nagre-reply e. Si Cindy ka-text ko," sabi ni kuya.
"Hala?! Baka ipagpalit mo si Louise sa pabebeng babaeng 'yan ha. Liligawan mo na si Louise pagdating ng second sem. diba? 'Wag mong paasahin kaibigan ko!" sabi ko kay kuya.
"Oo... baka nga siya yung mag paasa e," sabi ni kuya.
"I'm sure 'di siya ganun," sabi ko.
Maya-maya, nag ku-kwentuhan kami ni Lealyn nang biglang tumawag sa'kiin si Raine.
"Lay! mag mall tayong lima?" sabi ni Raine.
"Uhm? Osige!" sang-ayon ko.
Tapos 'yon, sinabihan ko si Lea na mag mall kami.
"Ayy.... sorry..." sabi niya.
"Bakit?" tanong ko.
"E kasi..."
Biglang may tumawag sa'kin.
"Wait lang ah," sabi ko kay Lea at sinagot ang tawag.
"Lay... gustong sana kitang yayain mag mall, payag ka ba?" tanong ni Alex.
"Ha? Ay, e, mag ma-mall kasi kami ng mga friends ko. Anong oras ba?" sabi ko.
"Ngayon na sana..."
"Ayy~ sige, wait lang. Tanong ko sa kanila anong oras," sabi ko.
Binaba ko na ang phone ko at tinawagan si Raine. I asked her kung ano bang oras ang alis namin at ang sabi niya nagyon din daw.
Hala.... paano ba 'to? Nakakahiya naman kung tumanggi ako kay Alex. Pero mas nakakahiya sa mga kaibigan ko kasi sila ang unang nagyaya.
Habang nag-iisip kung ano ang gagawin ko, nakita ko na lang si Lealyn na naka-ayos na.
"Ready ka na agad? Wait lang....." sabi ko.
"Diba nga hindi ako makakasama sa inyo, because, I have a date," ngiting sabi nito.
"Date?! And who's the lucky guy?" gulat kong tanong.
"Actually he's not lucky. Papaasahin ko lang siya," sabi nito.
"Grabe siya.... e, sino nga?"
"Si Ruiz," sabi ni Lealyn.
"Ruiz? Wait, parang pamilyar...." sabi ko.
"Sige ate, I have to go na."
"Ay wait lang. Tulungan mo naman ako sa problem ko..." sabi ko.
"What is it? I have to go na, mala-late na ako," reklamo pa nito.
Sinabi ko na nga sa kaniya yung kanina ko pang pinag-iisipan kung ano ang gagawin ko.
"Ah! Just choose kung sino ang pinakamahalaga sa'yo, pinakamalapit, at yung sa tingin mo hindi ka iiwan FOREVER. Bye!" sabi niya at umalis na.
Napa-isip ako. At alam ko na king sino. FOREVER talaga! Sigurado ako dun at hindi ako nagka-kamali.
'Yon na nga, pumunta na ako sa mall. Nahirapan pa nga akong hanapin sila e kasi tinataguan ba naman ako.
"Na-miss ko kayo, girls!" sabi ko at nag group hug kami.
"Na saan si Lealyn?" tanong ni Louise.
"Miss mo siya 'no? Tss.... hahaha.. may ka-date kasi," sabi ko.
"What?! And who's the lucky guy?" tanong ni Kristel.
"Parang isa sa inyo binanggit niyo na 'to e. Si Ruiz?" sabi ko at nag react agad si Raine.
"Ano?! E kapatid ko si Ruiz e. Nabanggit ko na nga niya sa inyo." 'Di nga? Kapatid niya. This can't be. "'Di man lang niya sinabi na date Ang pupuntahan niya. Sabi niya kasi gagala lang daw sila ng barkada niya..."
Hindi talaga pwede! E, papaasahin lang daw ni Lea si Ruiz e. Hindi ko masabi 'yon kay Raine. Kasi baka Margalit si Raine. Awayin pa ako. Mga kalokohan kasi ng kapatid ko e!
Palakad-lakad lang kami sa mall hangga't sa makarating kami sa pinakataas ng mall. Doon lang namin na-diskubre na may swimming pool pala dun. Pwede nang dito mag outing haha!
"Kristel and Louise, mauna na kayo sa Mcdo.... magpapasama lang ako kay Lay ng bibilhin kong CD. Para mamaya diretso uwi na tayo," sabi ni Raine.
"Um-order na kayo, ah? Alam niyo na ang gusto namin diba? Sige, bye," sabi ko at umlis na.
Pumunta na kami sa bilihan ng CD. Nandito lang kami sa labas kasi mas type ni Raine ang mga CD sa labas.
Ang mga mata ko at pagala-gala lang nang makahagip Ito ng isang dalawang pamilyar na mukha. Si Nikki at Alex? Mag kasama sila? But why?
Dahil lang ba sa hindi ako pumayag sa pagyaya niyang mag mall kami, kaya niyaya niya si Nikki? Nakkapagselos lang ha! Sumbong ko kaya 'to kay Louise....
Maka-asta naman ako, parang kami talaga. Kunwari lang naman 'yon. Ginagamit lang ako ni Alex para tigilan na siya ni Nikki. Pero ngayon o, hindi pa rin siya tinitigilan ni Nikki. Ewan ko sa kanila! Tumlikod na lang ako.
"Lay, halika na. Pasok na tayo sa loob. Magbabayad lang ako," sabi ni Raine. Pumasok na nga kami sa loob.
Nang magbabayad na si Raine, biglang may tumawag sa kaniya.
"Lay, ikaw na mag bayad, sasagutin ko lang ang tawag," sabi ni Raine at ibinigay na sa'kin ang CD at pera.
Nang makapagbayad, hinintay ko pa si Raine matapos ang tawag. Tapos nung tapos na siya dun sa kausap niya, pumunta na siya sa'kin. Parang problemado na ang mukha.
"Anyare?" tanong ko at nag Simula nang mag lakad.
"Si Mark kasi e...." sabi ni Raine.
"Bakit, anong meron kay Mark?!" tanong ko.
"Simula kasi nung umamin siya sa'kin na may gusto daw siya sa'kin, lagi niya na akong kinukulit. Tapos ngayon, nanliligaw na," paliwanag nito.
'Whay?! E, diba kuya 'yon ni Kristel?"
"Oo, hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko..." sabi ni Raine.
"Alam mo, ganyan talaga ang mga lalaki. Makulit sa umpisa, pero kapag inignore mo na nang inignore, yung tipong pakipot ka pa, mag sasawa na 'yan at mag hahanap na ng iba. Kaya kung ako sa'yo, kung gusto mo talaga si Mark, 'wag mo nang pakawalan pa," mahaba kong paliwanag sa kaniya.
"Pero kasi Lay, natatakot ako na baka masaktan lang ako sa huli," sabi ni Raine.
"Sa hindi naman kita pinipilit.... it's your decision naman," ngiti kong sabi sa kaniya.
Ang totoo, para sa'kin talaga yung sina sabi ko sa kaniya e. HAHA! >__<
BINABASA MO ANG
Broken Love.
Teen FictionLima na mag kakaibigan na palaging NASASAKTAN, UMAASA, at palaging UMIIYAK. Ganun na lang ba ang palaging takbo ng buhay nila? Is that the whole process of their whole life? Pusong nasaktan, ngunit bumabangon. Paano kung makilala nila ang isang grup...