Chapter 23
Kristel's POV
Nag-tataka ako sa mga tinatago ni Kuya sa kanyang bag! Meron kasing chocolates, like... Toblerone, Ferrero Rocher, Cudberry, atbp. Meron atang letter? or should we say? LOVE letter? Paano! Kulay Pink and Blue ang kulay 'nung Colored Paper or Cartolina? Ewan ko. Then, ay maliit pang box na nakabalot.
Lumaki pa lalo ang aking mata nang may nag-doorbell, binuksan agad ni Kuya 'yung pinto at kinuha 'yung isang bouquet flowers.
"Kuya?"
"Hmm?"
"For what naman ba 'yan? Don't tell me may nililigawan ka ulit?" Sabi ko,
Bihira lang 'yan manligaw! 'Yung iba binasted siya.
"Eh ano naman kung may nililigawan na ako? Out ka na 'don! Shoopi! Doon ka na nga!"
Bwiset talaga 'to kahit kailan! Itaboy raw ako?
At tinitigan ko lang siya habang seryosong nag-susulat sa papel para doon sa Bouquet na Flowers.
"Sino ba kasi? Sino 'yung babae? Or baka naman, BAKLA 'yan ah! Kaya ayaw mong ipakilala sakin!" I smirked at her,
"Che! Secret mung 'yung babae! Sasabihin ko na sa'yo kapag sinagot na ako! Pero, alam kong kilalang-kilala mo 'to. Close nga kayo eh!" Sabi ni Kuya,
"Ah, talaga lang ah? Paano kung hindi ka sagutin 'nun? Paano ko naman malalaman?" Nakakalokong ngiti ang binigay ko sa kuya ko at nag-kunwaring nag-iisip.
"Aba! 'Wag ka naman ganyan! I'm sure! She will say her sweetest 'yes' to me. 'Yon pa ba? Tss. Sige na, aalis na ako! Bye!"
"Aba! Aba! Kuya! Hindi mo man lang ako isasabay?!" reklamo ko,
"Eh diba ayaw mong makasabay ang kuya mong tamad?" Nakangising nakakaloko ang binigy niya sakin sabay labas ng bahay.
"SANDALI LANG KUYAAA!!" Sigaw ko at hinabol siya,
---
Grabe, After lunch raw, sabi ng professor namin na ang gagawin naman daw namin, sabon? Mahirap kaya 'yon?
"Kristel!Kinakabahan la ba para mamaya?" Tanong ni Xander sa gilid ko,
"Oo eh...: Sagot ko,
"Dapat kasi ako nalang partner mo!" he pouted,
Why so cute?!
"Talaga 'tol?Diyan ka na nga!" Umalis na ako,
Pero narinig ko 'yung bulong niya bago ako umalis nang tuluyan,
"Mainit pa rin ang dugo niya sakin..." He sighed,
Pumunta na ako sa mga kaibigan ko. As usual, sila lang naman ang lagi kong kasama. 'Wag na kayong mag-taka.
"Girls! Kayo ba? Sigurado na ba kayo sa course na kinuha niyo ngayon?" Tanong ko sakanila,
"Ahm? I think so, parang mas nagustuhan ko pa nga ang nursing 'nung napag-aralan ko na eh!" Sagot ni Raine,
"Ako naman, 100% sure! Kasi gustong-gusto ko na talaga ang baking." Sagot naman ni Louise,
"And I'll be the last person to answer the question." Si Lealyn,
"Kapatid mo pa kayang magaling!" Sabi ni Louise,
"So tingin niyo? Sa itsura niyang 'yan, sa tingin niyo sasagotpa 'yan?"
"Sige sige.Sagutin mo na 'yung tanong."
"101% sure na ako! Dahil bata pa lang ako, pangarap ko na 'yon!" sagot ni Lea,
"Bakit ano ba 'yung course mo?"
"Education."
"Ah, pareho pala kayo ni Ruiz?" Sabi ulit ni Raine.
"You know that guy?" Gulat na tanong ni Lea,
"Of course! He's my younger brother, why would I forget about him?"
Napanganga na lang si Lealyn, tinignan naming lahat si Lay. Ang lungkot-lungkot niyang tingnan! Nakakapanibago!
"Lay, what's up? Any problem you would like to share it to us?" Sabi ko,
"Alam ko problema niyan! L.Q. sila nu Kuya!" Sabat ni Louise,
Biglang nag-react si Lay!
"L.Q. ka diyan! Nag-away lang kami kahapon..." Sabi ni Lay habang nilalaro 'yung phone niyang nakasarado,
"Ganun na rin 'yon! LQ!"
"Hay... Sasabihin ko na ang totoo! Wala talaga kaming relasyon." Nagulat bigla si Louise,
"Hindi naman kasi talaga ako magugustuhan ni Alex eh."
"Anong hindi!? Maganda ka kaya! Tapos... Talented!" Bulyaw ni Raine,
"And you're kind and lovable." sabat ko naman,
"Atska, kilala ko 'yon si Kuya! Kapag may nagugustuhang babae. Naalala mo ba 'nung nag-mall tayo? Sinundan kaya tayo... I mean, ikaw lang pala." sumbat ni Louise,
'Di naman makapaniwala ang nakita kong reaksyon ni Lay.
Tsk. Love birds! hahaha!
-----O----
Uwian na. Napaisip ako bigla sa kung sino ba ang nililigawan ni Kuya! May nahuhulaan ako kung sino pero, I'm not very sure pa naman! (why so conyo?)
Pinuntahan ko si Raine sa classroom niya at sakto namang naabutan ko siyang nag-liligpit ng mga gamit niya. Lumapit agad ako sakanya,
"Raine! Samahan na kitang pumunta sa restaurant! Gusto ko rin kasing mabista office ni Dad at kuya."
"Ah, osige! Mas masaya kapag may kasama akong pumunta don. Ang bored kasi kapag wala akong kakwentuhan." paliwanag ni Raine,
Nag-simula na kaming mag-lakad. Hindi ko muna siya kinausap.Pero 'nang makalabas na kami ng building ng school namin, agad akong nag-open ng conversation.
"Raine, I have a question for you." panimula ko,
"Ano?"
"Ikaw ba ang nililigawan ni Kuya?" Tanong,
"Isang tanong. Isang sagot. Oo o Hindi?" pahabol ko,
Hindi siya sumasagot at ang hitsura niya pa ay para bang walang narinig, irerepeat ko pa sana ang tanong ko 'nang sumagot siya,
"Ahm, oo eh." sagot niya, "Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko." she said out of the blue,
"Alam mo, okay lang sa'kin kung sasagutin mo siya."
"Talaga?! Sa tingin mo? Hindi ako masasaktan?"
"Of course not! Si kuya pa? Siya nga ang laging nasasaktan kaya, I'm sure na 'di ka niya kayang saktan! Because, alam niya how it feels!"
Oha! Oha! English 'yon!!
Tumawid na kami papuntang restaurant,
"Sana nga totoo 'yung sinabi mo." She said sighing,
"Ano ka ba! Siyempre! That's my kuya! Kaya I know him na very very well!" konyong sabi ko.
She just smiled at me,
Pumasok na kami sa loob ng restaurant at ako ay dumiretsosa office. Nakakatawapa 'yung reaction ni Kuya eh! Akala niya, ako si Raine!
May surprise pala si Kuya kay Raine ah? Ngayon ko lang nakita si Kuya'ng mag-effort ng bonggang-bongga! Kaya I'm sure na sasagutin siya ni Raine, at hindi lolokohin ni Kuya si Raine!
Kasi sobra ang effort niya eh, totoo na talaga 'to. Walang biro!
----
BINABASA MO ANG
Broken Love.
Teen FictionLima na mag kakaibigan na palaging NASASAKTAN, UMAASA, at palaging UMIIYAK. Ganun na lang ba ang palaging takbo ng buhay nila? Is that the whole process of their whole life? Pusong nasaktan, ngunit bumabangon. Paano kung makilala nila ang isang grup...
