Chapter 18 - THE TRUTH

8 2 0
                                    

Raine's POV

~*~

Akala ko ba naman sobrang importante ng pag-uusapan namin ni kuya. 'Yon lang pala! Tss. Sinayang niya lang oras ko.

Pupuntahan ko nga pala si Kristel. 'Di man niya lang naku-kwento sa'min. Ano kaya hitsura ng kuya niya? Gwapo kaya? Haha! Baka mas gwapo pa kay Markepal. Haha! Edi kakaibiganin ko na 'yon >__<

Nang makapunta ako sa floor ng nursing, nakita ko si Kristel. Nasa labas lang siya ng room. Tumakbo ako papunta sa kaniya.

"Kristel!" sigaw ko at ikinagulat niya naman 'yon. Tumingin ako sa kausap niya. Si Mark?! "Ano ginagawa mo? Siguro nililigawan mo kaibigan ko 'no? Kung ganun nga, pwes 'wag ka nang umasa pa kasi hindi ka niya sasagutin, at isa pa, kuya ang kailangan niya dito at hindi ikaw. Epal talaga kahit kailan," sabi ko.

Tumawa ang epal -__-

"Paano kung ako kaya ang kuya niya?" smirk niya.

"Kapag mo.... ang layo kaya. Sinasabi mo lang yata 'yan kasi gusto mong mapalapit sa'kin." Assumera na kung assumera, biro lang naman 'yan. Haha!

"Whatever!"

"Ehem... actually... he's my kuya talaga..." Ano daw?! Nabingi yata ako sa sinabi ni Kristel.

"What?! He's your kuya talaga?" sabi ko.

"Yah! By the way, salamat kuya. Yung napag-usapan natin ah? Bye... aalis na kami," sabi ni Kristel.

"Anong... anong alis na kami? Mag klase pa kami, uy, wow lang ha," sabi ko.

"Sabi ko nga...."

Pumasok na ako sa classroom.... nahihiya tuloy ako kay Mark. Nakakainis! Pinagsisihan ko tuloy yung nagawa ko sa kaniya.

"Ayaw pa kasing maniwala...."

"Ano kamo?! May sinasabi ka?" inis kong tanong.

"Ang sabi ko, ang cute mo talaga 'pag nagagalit ka," sabi ni Mark <3 Kahit alam kong hindi naman talaga 'yon ang sinabi niya.

"Alam ko namanng gandang-ganda ka sa'kin..." sabi ko na lang.

"Yan ang gusto ko sa'yo e...." narinig kong bulong niya. Kinilig naman ako sa sinabi niya. Parang may something e. Haha!

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa trabaho ko. Sweldo ko ngayon eh <3

Pagkadating ko sa restaurant, nalita ko si Mark... sa kusina... kumukha ng mga pagkain. -__-

"Hoy! Anong ginagawa mo?" sigaw ko.

"Obvious naman diba? Shunga!"

"Aba! E customer ka lang naman dito tapos kumukuha ka ng pagkain diyan. Wow lang ha. 'Wag mo sabihin.... nagta-trabaho ka na din dito bilang waiter. Siguro sinusundan mo ako...." sabi ko.

"Kapal lang ha?" sabi niya.

"Anong kapal?! Akin na nga 'yan. Itatakas mo lang naman ang mga pagkain dito!" sabi ko at ibinalik ang mga pagkain.

"Ano ba?!"

"Anong ano ba?!" sigaw ko.

"Ano bang nagyayari dito?"

Si boss! Baka pagalitan ako. Itong epal na kasi ito e!

"Sir... itong customer po kasi... nagpapanggap na waiter para lang may maitakas na pagkain...." sabi ko.

"Anong nagpapanggap? Anak, totoo ba 'yon?" - Sir

Ano?! Anak?! Anak niya na talaga si Markepal? Parehas nga sila ng apalido.... pero ng hitsura.... wait... Oo nga 'no? Magkamukha sila. Ngayon ko lang napagtanto. Magkamukha nga sila!

"A-anak?" bulong ko pero narinig ni Mark.

"Oo at ako ang manager dito...." sabi ni Mark.

Hindi ko pinansin si Mark at humarap sa tatay niya.

"Hello po sir! Kaibigan nga po pala ako ni Kristel at kaklase ko naman po itong si Mark... nice meeting you po!" bati ko sa tatay niya.

"Ah! Kaibigan ka pala ng mga anak ko... ikaw pala ang lagi nilang naku-kwento sa'kin napakasiyahin mong bata ka," sabi ni Sir.

Napatingin ako kay Mark. Nakukwento pala ako ni Mark sa tatay niya. Nginitian ko siya na pang-aasar at umiwas lang siya ng tingin sa'kin.

Nag simula na ako mag trabaho na may gana. Ang saya kasi ng araw na 'to kahit ang daming nangyayaring nakakahiya.

Kaso naiistorbo ako nitong Markepal na 'to e. Naiirita tuloy ako. Hindi tuloy ako makapag-focus. Kung pwede lang, sinuntok ko na 'to kanina pa. Kaso hindi e, anak ng boss ko at kuya ng kaibigan.

Sumusunod pa rin siya kahit maghatid lang ako ng order ng customer.

"Bakit ka ba sunod nang sunod?" irita kong tanong.

"Inaasar lang kita kasi ang dami mong atraso sa'kin," sabi ni Markepal. Epal talaga!

"Napahiya ka lang sa'kin kasi nabuking ka ng daddy mo sa'kin. Lagi mo pala ako naku-kwento sa daddy mo pero hindi mo binabanggit ang pangalan ko kasi you know that your daddy is kilala ako," sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"Waiter! Tubig nga po!" sabi ng customer.

"Waitress po ako..." bulong ko.

Habang kumukuha ako ng tubig kinakausap pa rin ako ni Mark.

"Stop to be trying hard, Raine." Snob ko lang muna siya at inihatid na sa customer ang water.

Humarap ulit ako kay epal.

"Nag change topic ka lang -__- At, ang simple-simple lang ng mga atraso ko sa'yo kailangan mo na ako sa bawat galaw ko? Mark, iba na 'yan ha. Aminin mo nga may gusto ka ba sa'kin?" Nabigla na lang ako sa sinabi ko. Hindi ko sanang gustong itanong 'yon....

"Hindi ko alam na may pagka-pilingera ka pala pero.... yes.... I like you...."

Natulala lang ako. Bumuntong hininga ako. Tiningnan kk ang relo ko.

"Ka-kailangan ko na pa-palang umuwi..." sabi ko at tumalikod at mag la-lakad na sana.

"Raine..." Napatigil ako. "Mag-ingat ka...." Napangiti ako at umalis na.

Kahit nakakatuwang isispin na may gusto sa'kin ang taong gusto ko, nakakahiya pa rin. So, the feeling is mutual pala.

Broken Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon