Raine's POV
~•~•~~~•~•~
Nag palit na ako ng uniform. Uniform ng waitress ang pinampalit ko. Syempre naman, ito ang trabaho ko e.
Nag simula na akong mag trabaho. Dahil sa malayo ang isip ko... Hindi ako makapag-focus sa trabaho ko.
"Ate, tubig nga..." utos sa'kin ng isang customer
Sinunod ko naman ito pero malayo kasi talaga ang isip ko. Kahit kelan talaga, epal si Mark. MARKEPAL. Pati ba naman sa utak ko sumisingit.
Papunta na ako sa customer na humihingi ng tubig nang may babae akong mabangga at natapunan ko siya ng malamig na tubig.
"What the h*ll?!" Maganda sana, palamura nga lang. "Binuhusan mo ng malamig na tubig ang favorite white dress ko!" reklamo pa niya. May kasama pala siyang lalaki. Boyfriend niya yata.
"Hoy, 'di porket kasama mo na ang boyfriend mo eh mag ga-ganyan ka. Pinapakita mo lang na matapang ka...!" sabi ko. Aba't dapat akong maging matapang.
"How dare you?! Hindi ka na lang mag sorry? Ikaw na nga yung nakatapon nag ma-matapang ka pa diyan."
"Ba't ako mag so-sorry kung ikaw mismo ang nakabangga? And bakit big deal sa'yo ang pagkatapon ng tubig sa 'Favorite white dress' mo?"
"F*ck you!"
Sa sinabi niyang 'yon... Parang natusok ng tinik ang puso ko. Nasaktan kumbaga. Minura ba naman kasi ako kahit hindi ko siya minumura. Parang may lalabas na luha sa mga mata ko. First time lang kasi akong murahin.
"T*nga ka ba?! Hindi naman kita ina-ano diyan e!" nanginginig na sabi ko.
Napa-atras ako nung umabante ang boyfriend niya. Nakatingin na ang lahat ng customers sa'min.
"Ano karapatan mo para murahin ang girlfriend ko?!" Tinulak niya ako ng malakas at napaupo ako.
Nakita ko pang kumuha ng juice ang gurlfriend niya at ibinuhos sa'kin. NADAMAY PA ANG WHITE SHOES KO!
Sa mga oras na 'yon, tuluyan na akong napaiyak. Okay lang kung sa'kin lang natapon ang juice 'wag lang ang sapatos ko. Napakahalaga nito. Regalo sa'kin ni papa...
Narinig ko na nagkakaguluhan ang mga customers.
"Pare, hindi mo dapat ginawa 'yon sa babae."
"Wala kang pake!"
Mark asan ka na ba?
"Anong kaguluhan ang nang yayari dito?!"
"Mark?" sabi nung babae.
"Angelica?" - Mark.
Magkakilala sila?!
BINABASA MO ANG
Broken Love.
Teen FictionLima na mag kakaibigan na palaging NASASAKTAN, UMAASA, at palaging UMIIYAK. Ganun na lang ba ang palaging takbo ng buhay nila? Is that the whole process of their whole life? Pusong nasaktan, ngunit bumabangon. Paano kung makilala nila ang isang grup...