Chapter 30 - Pa-fall ❤

8 0 0
                                        

Kristel's POV

~•~•~•~•~

Papalabas na ako ng school pero bigla kong nakita si Niel at Cindy kaya agad akong nagtago. Baka ito ang sinasabi ni Lay na nilalandi ni Cindy si Niel. Tsk. Mapakinggan nga ang pag-uusap nila.

"Hindi mo na ba ako pwedeng mahalin ulit?" sabi nung Cindy kay Niel.

Aba, 'ulit' ha? Taray pero ang landi lang. Nalalandian lang ako.

"May iba na akong gusto. Ayaw ko siyang paasahin." Tama lang na sabihin 'yon ni Niel.

"Sino ba siya?" iritadong tanong ni Cindy

"Hindi mo na kailangan malaman dahil kilala kita." - Niel.

"Mag-isip ka nga muna. Isipin mo, kung sino ang matagal mong nakasama, kung sino ang kilalang-kilala mo na, kung saan ka masaya, at kung sino ba talaga ang mahal mo. Isipin mo muna bago ka gumawa ng move. Para 'di ka makasakit." - Cindy.

Infairness ah... tama yung sinabi niya pero parang ang mas deserving talaga kay Niel ay si Louise. Pero matagal bago mag salita si Niel. Ano kaya reaction nun?

"Tinutukoy mo ang sarili mo. Pwede pa rin naman tayong maging kaibigan eh. 'Wag mo nang ipilit ang sarili mo." - Niel.

"Kristel?" Nagulat ako bigla.

"Papansin ka talaga kahit kailan!"

Lumabas na ako ng school. Nakita ko si Cindy na nakatayo mag-isa. Umiiyak.

"Sino 'yon?" tanong ni Xander.

"'Di mo na kailangan malaman pa... Teka nga... bakit 'di ka pa umuuwi?" sabi ko sa kaniya.

"Kinausap pa kasi ako ng isang professor," sagot niya sa tanong ko. "Hatid na kita?" tanong niya at bigla yata akong namula.

"I-Ikaw bahala..." sagot ko na lang.

Habang naglalakad kami ni Xander papunta sa sakayan ng van, tahimik lang kami. Ni hindi man lang kami nagkukwentuhan.

Sa totoo lang... gusto ko na talaga si Xander. Kasi mabait naman siya kahit papaano, kahit lagi akong galit or nagsusungit sa kanya. pero ginagawa ko naman 'yon para hindi ako ma-fall sa kaniya ng husto. Kasi masakit 'yon

"Sakay ka na. Ako na lang magbabayad," sabi sa'kin ni Xander.

"Seryoso ka? Baka mamaya, utang pala 'yan ha, hindi libre," sabi ko

"Sino bang nagsabing libre 'to?"

"Kita mo..."

"Joke lang. Libre 'to. Sakay na. Baka magdilim pa."

Oh diba. Mabait naman siya  kahit papaano... HA?! Ano ba 'tong pinagsasabi ko.

Maya-maya, nasa subdivison na kami. Akala ko katahimikan na lang ang mangyayari. Pero bigla siyang nagsalita.

"Kristel... ang saya mo palang kasama 'no." Ano daw? Pwede ko na ba siyang sampalin para 'di ako kiligin?

"Ha?" 'yan lang ang tangi kong sagot.

"Napakatahimik mo. Halos mabingi na ako dahil 'di ka nagsasalita. Hindi mo man lang ako nilibre, kanina pa ako nagtitiis ng gutom dito." Bwisit na dahilan 'yan. Akala ko good comment eh. 'Yon pala, pilosopo at nang-aasar pa. 😑

"Pake ko naman sa'yo?"

"Aba!"

"Maka-aba ka diyan. Ikaw ang may gusto nito kaya sisihin mo ang sarili mo," sabi ko at kumuha ng biscuit sa bag ko at binigay sa kaniya. "Pasalamat ka at naawa pa rin ako sa'yo"

"Salamat."

Ewan ko ba kung nang-aasar ba 'to or gusto lang ako pakiligin.

"Saan na bahay mo?"

"Nasa dulo pa," sagot ko

"Realtalk tayo," sabi niya.

"Ayoko nga," tanggi ko agad.

"Sige na." Napatingin ako sa mata niya at napasabi na langko ng 'okay' at umiwas ng tingin.

Patuloy lang kami naglalakad.

"May nagugustuhan ka na ba?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Oo naman," sagot ko.

"Pwede ko bang malaman kung sino?" Agad akong napatingin sa kaniya.

Sasagutin ko ba yung tanong niya o hindi? Sagutin ko na lang, realtalk 'to eh.

"Yoko nga," sagot ko.

"Sige na..."

"Eh ikaw, may nagugustuhan ka na?" tanong ko.

"Syempre."

"Eh sino siya?"

"Yung sa'yo nga 'di mo sinabi, yung akin pa kaya. Tsk," Madamot din 'to.

"Edi 'wag!" Inis kong sabi.

Medyo tumahimik.

"Parang... ikaw," Nagulat aki at napatingin sa kaniya.

"A-ako?" Namumula na ba ako?

"Oo. Parang ikaw siya. Katulad mo siya. Pareho kayong maganda," Ngumiti pa siya.

Wait. Palusot nya lang ba 'yon? Baka ako talaga ang tinutukoy niya. Ayokong umasa!

"Gusto ko na sanang umamin sa kaniya. Alam mo ba kung paano umamin ang lalaki sa babae?"

Aamin na siya?!

"Ewan ko. Hindi naman ako lalaki," sabi ko.

Bumuntong-hininga siya bigla. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hawakan sa shoulder at iniharap sa kaniya.

"Kriste, I like you..."

Silence came...  and shock na shock talaga ang mukha ko. Parang nakakita ng multo. Totoo ba 'to? Gusto niya din ako? So it means M.U kami?

"Tingnan mo. Hindi maganda ang diskarteng naisip ko sa pag-amin. Baka sampalin lang ako nun dahil sa pagkagulat." WHAT?! Akting lang 'yon? PAASA!

Tumakbo na ako papuntang bahay. Malapit na lang naman eh. Narinig kong tinawag niya pa ako pero 'di na ako lumingon sa kaniya.

Ano na bang nangyayari? Hindi ko na maintindihan. Baka dahil sa ginawa niya, mas na-fall na ako. NO WAY!

Bakit ba sobrang paasi niya!

Akala 'yun na yon eh!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon