Lealyn's POV
~~•~~•~~
Nakakainis naman 'tong cellphone na 'to! Argh! Walang signal!!
"Lealyn!!!~" Tawag ni Mom sa baba,
Napakamot na lamang ako sa ulo at bumaba,
"Punta lang akong grocery ah? Gabi na! Don't go anywhere, okay? I'll be going! Bye!!" Paalam ni mom bago siya lumabas,
I sigh, ako nanaman mag-isa sa bahay.
Palagi naman.
Naglaro na lang ako sa phone. Dapat magtetext ako kay Kuya Niel at Ate Ivy eh! Para bumili sana nang donuts,
Craving ko ngayon ang donuts.
Nagpost ako sa tweeter nang
'CRAVING FOR DONUTS~(insert heart eye emo and donut)
Nasa may hagdanan ako nakaupo nang biglang may nag-doorbell,
Ano naman 'yon? Sino 'yun? Aba! Gabi na ah?
Naglakad ako papuntang pinto at binuksan ito,
"Oh! Donuts. I know you are craving for that." malamig na sambit niya
Naestatwa ako, Anong ginagawa niya dito?
"Can I come in?"
I just nodded and give way,
"Ahm... Ruiz right? Doon muna tayo sa garden para makapagrelax at makapag-usap tayo ng maayos."
He smile at me and followed me behind,
Pumunta kaming garden para maayos ang paguusap naming dalawa.
Masayang kinakain ko 'yung donuts niyang dala,
Craving successful!! Pero... Awkward...
"..." silence filled us,
"Ah... Salamat nga pala dito sa donuts." I smile, Kahit super awkward na namin, Nakakaasar naman 'tong silence.
"You're welcome." He smiled,
Napatitig ako sakanya, Ang gwapo niya pala noh? Ngayon ko lang narealize.
"Ehem." Pagtikim niya.
I suddenly came back to my senses,
"Ahm.. Bakit mo ba ako dinalhan ng donuts?" tanong ko.
"Naawa kasi ako sa'yo. Gustong-gusto mo kasing kumain ng donuts. Ang bata mo," asar niya
"Loko!"
Sa wakas. Wala nang silence at napaka-ingay na namin. Medyo matagal kaming nagkwentuhan and ngayon ko lang nalaman ang tunay niyang ugali.
Ngayon ko lang na-realize na siya pala ang tipo ng tao na nagugustuhan ng babae.
"Lea... nakikinig ka pa ba?"
"Ay! Sorry, inaantok na kasi ako," sabi ko. Actually, palusot ko lang para umalis na siya.
"Ganun? Kung ganun, uuwi na ako para makapag-pahinga ka na," sabi niya. Buti hindi siya mapilit tulad ng ibang lalaki.
"O sige." Tumayo na kami. "Hatid na kita sa gate," sabi ko at tumango na lang siya.
Pagkahatid ko sa kaniya sa gate, paalis na sana siya pero bigla siyang tumigil.
"Parang ang bait mo yata kausap ngayon."
"Ha?" Pagtataka ko.
"Dati kasi, ang sungit mo 'pag kausap kita," sabi niya at natulala lang ako "Uy!" Nagulat ako.
"Oo na. Umalis ka na!" Napasigaw tuloy ako at nasungitan ulit siya.
"Okay na sana..." Tumalikod na siya at naglakad na.
Hala! Anong nagawa ko? Uhm...
"Ruiz!" Bigla siyang lumingon agad sa akin. "Se-see you tomorrow..." bigla na akong tumakbo papunta sa loob ng bahay.
Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Ang alam ko, papaasahin ko lang siya eh. Pero ba't ganun? I think... I'm in love. No way! May gayuma yata yung donut na dinala niya.
BINABASA MO ANG
Broken Love.
Teen FictionLima na mag kakaibigan na palaging NASASAKTAN, UMAASA, at palaging UMIIYAK. Ganun na lang ba ang palaging takbo ng buhay nila? Is that the whole process of their whole life? Pusong nasaktan, ngunit bumabangon. Paano kung makilala nila ang isang grup...