Kristel's POV
~*~
Nasaan na kaya si Lay. Sabi niya, mag c-cr lang raw siya. Antagal naman nun mag cr.
"Ahm? Pwedeng mag tanong?" Tanong nitong babae.
Wait! May kamukha siya!
"Ahm? Saan dito ang room ng---"
"Lea?" Nakataas na kilay' ng tanong ni Lay. Na kakadating lang.
"Ate! Saan room ng Culinary Arts?"
"Bakit? Pupuntahan mo si kuya?" Tanong ni Lay.
"Ha?! Hindi ah? Pupuntahan ko lang si Ate Louise!" Depensa ni Lea.
"Psh! Doon sa building na 'yon, tapos akyat ka sa second floor, tapos, liko ka sa kaliwa, pangatlong room, doon na!"
"Ah~ sige! Bye!"
"Ano? Hindi ka mag pa-pakilala sa Ate Kristel mo?" Tanong ni Lay at tinuro ako gamit nguso niya.
Tiningnan ko lang si Lea.
Ngumiti agad siya.
"Hi po! Ako po pala si Lealyn Rei Marasigan! Nice meeting you po!"
"Haha! Ako nga pala si Kristel Marie Valera! Nice meeting you too." Nakangiti ako sa kanya
"Ate! Una na ako." Sabi ni Lea at nag lakad na pa-palayo.
I shrugged and eat the sandwich.
"By the way, Nakita mo si Alex?" Tanong ni Lay.
"Wait, don't tell me you already miss that guy?" Tanong ko.
"Why? May masama ba doon? Crush ko kaya 'yon!----" Naputol ang sasabihin ni Lay nang may sumulpot sa likod niya.
"Ano? May sasabihin ka?" Natatawang sabi nung lalaki sa likod.
Hindi tumingin si Lay, instead, she just stare at me, shocked.
"Hey! Is anything wrong?" Tanong ni Alex at umupo sa tabi ni Lay
"What? No.... Nothing...." sabi ni Lay at umiwas ng tingin.
Kinikilig naman ako sa dalawang 'to. Kung iwan ko kaya silang dalawa? Siguro mag swe-sweet moments 'tong dalawang 'to. Bwahaha! ^_^
"Uhm... iwan ko lang kayo saglit..." sabi ko at tumayo sabay tumalikod at tumatawa ng mahina.
"Hoy Kristel! 'Wag mo akong iwan sa mokong na 'to... nag sa-sawa na din ako sa mukha niya e. Lagi ko na lang siya kasama. Nababanas na ako!" sabi ni Lay.
Nag-inarte ang loka. Gustong-gusto niya naman. Haha.
"Grabe siya... ganun din naman ako sa'yo..." sabi ni Alex.
"Aba!!"
Habang nag a-asaran silang dalawa, pasimple akong umalis. Yung mga kaibigan ko luma-love life na, ako na lang yata ang hindi.
Speaking of love life. Nakita ko si Xander at biglang may namuo sa puso ko na selos. But why? Hate ko 'tong feeling na 'to. Kasama ni Xander si Raine. Eto ba yung ni Raine na may pupuntahan siyang importante kaya ang tagal niyang bumalik?
Dumiretso na lang ako at nadaanan ko sila. Ayoko silang maistorbo. Bayaan ko muna sila.
"Kristel!" tawag sa'kin ni Raine but I snobed her. Pero hinabol niya ako.
"Bakit ka pa lumapit, Raine? Baka hindi pa kayo tapos mag-usap ng boyfriend mo," sabi ko.
"Boyfriend?! Sino?!" gulat na tanong ni Raine.
Edi tinuro ko si Xander. The one and only. Sino oa ba ang kausap niya kanina.
"What?! Boyfriend ka diyan. Kuya ko 'yan no!" sabi niya at tinawanan ako.
Kuya kamo?! Kuya niya si Xander?! 'Di nga?
"A.... akala ko boyfriend mo...." sabi ko at medyo natawa ako. "May pinag-uusapan kayong importante?" tanong ko.
"Uhm... nagpapatulong si kuya about dun sa girl na hindi niya sinasabi kung sino.... yung parang magco-confess daw yata siya ng feelings. Si kuya , luma-love life...." paliwanag ni Raine.
'And who's the lucky girl?'
Gusto ko sanang malaman. Sino kaya 'yon?
"Sige, lapitan ko lang kuya ko. Baka kasi nagalit ka sa'kin kasi ang tagal ko," sabi ni Raine.
"Sige lang.... puntahan ko lang din kuya ko."
"May kuya ka?" nagtatakang tanong ni Raine.
"Yup :)" I said and she just stare at me. "Why?"
"Wala. Saan kita pupuntahan?" tanong niya.
"Actually, parehas kayo ng course. Nursing din..." sabi ko.
"A, okay," sabi niya at pumunta na sa kuya niya.
Pumunta na ako sa room na kuya kong mayabang pero masarap mag mahal. Ayiee!
"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon na sabi ng kuya ko.
"Ay ganun? Ayaw mo ako dito? Sige aalis na lang ako," sabi ko at kunwaring aalis.
"Joke lang 'yon.... ano ba kasi 'yon?" tanong ng kuya ko.
"May request lang sana ako sa'yo kuya...." sabi ko.
Sinabi ko kay kuya kung ano ang request ko sa kaniya at pinag-isipan niya na ito. Pero pumayag din naman siya.
TO BE CONTINUED.....

BINABASA MO ANG
Broken Love.
Ficção AdolescenteLima na mag kakaibigan na palaging NASASAKTAN, UMAASA, at palaging UMIIYAK. Ganun na lang ba ang palaging takbo ng buhay nila? Is that the whole process of their whole life? Pusong nasaktan, ngunit bumabangon. Paano kung makilala nila ang isang grup...