Chapter 11 - Closeness

9 2 0
                                    

Kristel's POV

Nandito kami sa foodcourt nina Louise at Lay. Nagutom kami bigla sa pag lalaro e.



Habang kumakain, napag-usapan namin si Raine. Tapos biglang may tumawag kay Louise.


"Wait lang guys, ha? Tumatawag si mama e," sabi ni Louise. Pinabayaan lang namin siya.


After ng call, kinausap kami ni Louise.


"Guys, I need to go na e. Nakalimutan kong sasamahan ko nga pala si mama sa lakad niya," sabi ni Louise,

"Sige, ingat ka," sabi ko.


"Ang lungkot naman... tayong dalawa na lang..." sabi ni Lay.


"Okay lang 'yon, Lay. Makakapag-saya pa rin naman tayo...." sabi ko at ngumiti,

"Siguraduhin mo lang ah.... kapag hindi, lagot ka sa'kin..." sabi ni Lay at tumawa na parang walang bukas.


"Oo naman. Sige, pupunta lang ako sa restroom...." sabi ko at tumayo na.


"Sige lang.... pero 'wag kang tatakas... haha!" sabi ni Lay.

Baliw na naman 'to. Haha...



Pumunta na nga ako ng restroom. Pag harap ko sa mirror, haggard ko na pala. Inayos ko ang pagkakatali ng hair ko at nag pulbo. Nag wash na rin ako ng kamay.



Pagkalabas ko ng restroom, napasigaw ako ng "Ay KABAYO!". May tumawag kasi sa'kin bigla. Pag harap ko sa kaniya, kumulo bigla ang dugo ko,

"Bakit ka nandito? Siguro, stalker kita 'no?" sabi ko kay Xander,

"Kapal lang, ha? Nakita lang kita kaya kita tinawag," sabi niya,

'Okay," sabi ko at tumalikod na. Aalis na sana ako kaso tinawag niya pa ako.


"Gusto mo mag bonding tayo?" tanong niya.


"Ayoko nga. Hindi ako sumasama sa mga strangers like you!" sabi ko,

"Sige na, kahit ngayon lang...."


"Bakit ba?" tanong ko,

"Para makilala naman natin ang isa't-isa," sabi niya.


"Sa tingin mo ba gugustuhin ko 'yon?" sabi ko.


"Sana nga gustuhin mo. Para kapag nag kikita tayo, hindi natin nakakainisan ang isa't-isa. At para maintindihan ko na din 'tong...." Pinatigil ko siya sa pag sasalita,

"Tigil mo na... ayaw ko nang masyadong madrama. Oo na, pumapayag na ako," sabi ko. Napilitan ako e.


Kawawa naman.



Nakita ko siyang ngumiti. Tama kaya 'tong nararamdaman ko ngayon? Sana naman hindi. Sana hindi 'to mag tuloy-tuloy. Sana ngayon lang 'to.



'Yon na nga. Nag bonding-bonding kami. Para kaming super close best friend. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang tagal na naming nag kasama.

Broken Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon