Chapter 4: Sa Probinsya

11 0 0
                                    

John's POV

Naalala ko pa ang huling gabi ko sa aming probinsya ito ay bago kami lumuwas ng Maynila.

Galing kami noon nila Isko at Pepe sa pagsamba ng magkayayaan kaming kumain muna bago umuwi.

Pare kain muna tayo, yaya sa akin ni Pepe.

Ok cge libre ko dahil aalis na rin naman ako papuntang Maynila, sagot ko naman.

Yes! busog na naman ako nito, sabi naman ni Isko.

Masayang masaya naglakad ang tatlo patungo sa paborito nilang tindahan. Ang tindahan ni aling Nena.

Madalas sa tindahang iyon sila bumibili ng pagkain dahil napakaraming tindang kakanin ni aling Nena na siya namang paboritong merienda ng  mga mag kaibigan.

"O Balita ko aalis ka na at luluwas ng Maynila" ? Tanong sa akin ni aling Nena.

"Opo, aling Nena kailangan po eh para makapag-aral po Ang mga kapatid ko" sagot ko Kay aling Nena.

" Ang bait mo Talaga Ang swerte ng nanay at tatay mo sa iyo, sambait ni aling Nena.

Bumalik Ang Galit ko sa tatay Kong magaling na nang Iwan sa Amin.

" Yung totoo tatay ko po aling Nena ay walang kwenta, Ang gusto ko lang po bigyan ng magandang buhay ay yung mga kapatid ko at si nanay."  Galit Kong Sabi Kay aling Nena. Sabay dukot ng barya sa bulsa ko na siyang ibinayad ko Kay aling Nena.



Sa Tamang Panahon :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon