Chapter 20: Taksil !

14 1 2
                                    

Hi guys thank u po sa mga nakabasa na ng kwentong ito. Di ko po akalain na aabot ang views ko 70+. Thank u very very much po. Love u all.

John's POV
Mag tatatlong taon na kami ni Geraldine, masaya naman kami, pero minsan nag aaway din kami.

Hindi ako seloso pero minsan kahit ayokong magselos hindi ko magawang hindi magselos, lalo na kapag kasama ni Geraldine si Mario.

Si Mario ay isa sa mga kababata ni Geraldine. Ang pamilyang pinag mulan ni Mario ay siyang may ari ng isa sa pinaka malaking hotel dito sa Ilocos. In short mayaman siya.

Matagal ko nang alam na may gusto si Mario kay Geraldine, pero di ko na lang iyon pinansin.

Ngunit sa araw ng aming anniversary ni Geraldine. Ay hindi inaasahang nakita kong magkasamang muli ang girlfriend ko at ang kababata niyang si Mario.

Kasama ko noong Sila Isko at Pepe.

" Pre si Din ba yun?" Tanong ni Isko.

Din Ang tawag ng mga kaibigan ko sa girlfriend ko.

Tumingin naman ako Kung saan nakatingin Sila Isko at Pepe.

Sa isang fast food restaurant sa isang mall ay magkasama silang kumakain at nagkwekwentuhan. At habang nagkwekwentuhan sila ay magkahawak sila ng kamay.

Akala ko noon ay hanggang doon lang yun. Habang nasasaktan ako ay kitang kita kong hinalikan sa labi ni Mario si Geraldine at halata naman na masaya silang dalawa.

" Pre ok ka lang ? " Tanong ni Pepe sa akin.

" Ano ka ba pre paano magiging ok si John eh kitang- kita naman natin na may kahalikang iBang lalaki Ang girlfriend niya." Sabi ni Isko.

Kaya kahit nasasaktan ako ay pinilit kong umalis na lang.

" Pre ano ba naman Hindi natin Sila kakausapin?" Galit na Tanong ni Isko Kay John.

" Hindi na, ayoko ng away mga pre Tara na. " Galit na Sabi ko sa mga kaibigan ko.

At mabilis na ako naglakad palabas ng mall upang sumakay ng jeep pauwi sa bahay namin.

Kinagabihan ay pumunta na ako sa bahay nila Geraldine.

Noong nasa harapan na ako ng bahay niya ay tinawagan ko siya sa cell phone.

Nakailang ring din Ang phone niya Bago niya sinagot.

" Hello? Sagot niya.

" Geraldine? Labas ka Muna please." Sabi ko sa kanya.

" Ngayon na ba? Gabi na masyado di ba pwedeng bukas na lang ?" sagot niya.

" Hindi ito pwede bukas, I need to talk to you please. Sabi ko.

Habang naghihihintay ako sa labas ng bahay nila ay biglang bumuhos Ang malakas na ulan.

Sa Tamang Panahon :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon