Chapter 6: Mga Pangarap Na Natupad

14 0 0
                                    

John's POV

Sa ilalim ng punong santol na iyon namin binuo nila Isko at Pepe ang mga pangarap namin.

Kinuha ni Pepe ang aking pansin,.
"John malapit na nga pala tayong grumaduate sa ating mga piniling kurso. "
"Oo sa makalawa na ang ating graduation." Tuwang tuwa ko namang tugon.

Matagal tagal na rin naming hinintay na kaming tatlo ay makatapos sa aming kurso.

Ang kinuha kong kurso sa isang state college dito sa aming bayan ay education, mula pa ng bata ako ay pinangarap ko nang maging guro at ngayon malapit na itong matupad.  Si Isko naman ay nakapag aral sa TESDA ng isang kurso sa pag wewelding.
At si Pepe naman ay kumuha ng kurso ng accounting.

At ngayon ilang linggo na na lang ay magtatapos na kami.

Mga pare anong gagawin nyo pag naka graduate na kayo, tanong ni Pepe sa amin ni Isko.

Sumagot ako kaagad, " Pare luluwas ako ng mayila para doon ay makahanap ako ng magandang trabaho para maiahon ko naman sa kahirapan ang aking ina", sagot ko kay Pepe.

"Eh paano kung sumama na lang kami sayo sa maynila?" magkasabay na sambit nila Isko at Pepe.

"Isa pa talagang mamimiss ka namin ni John kaya sasama na lang kami sa pagluwas mo sa Maynila". ang sabi ni Isko sa akin.

"Ang drama mo pare." Sagot ko kay Isko na may kasamang pang aasar.

"Ano ba yan seryoso kami pare". sagot naman ni Pepe na halatang pinipilit na pigilin ang kanyang pagtawa.

Dumating ang araw ng graduation at masayang masaya naming sinilebrate ang araw na ito. Kasama namin ang aming mga pamilya.

Pagkatapos naming kumain at magpakabusog kasama ang aming pamilya ay sabay sabay na kinausap namin ang kanya kanyang pamilya upang ipaalam sa kanila ang plano naming tatlo na lumuwas ng Maynila.

Noong una ay ayaw pang pumayag ng aming mga pamilya pero nang malaman nila na no choice na sila dahil  tanggap na kami sa aming kanya kanyang trabaho ay pumayag na rin sila .

Sa Tamang Panahon :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon