Chapter 5: Sa tindahan

15 1 0
                                    

Isko's POV
Hayan malapit na tayo sa tindahan nila aling nena, sabi ko sa mga kasama ko.

"Oo nga sa wakas makakain na rin tayo ng paborito kong ube "sabi naman naman ni Pepe.

Biglang nagtawanan ang tatlong magkakaibigan. Sa wakas nakarating na rin kami sa tindahan nila aling nena.

"O kayo pala yan John, Isko at Pepe." Sabi ni aling nena. "Ano sa inyo?" tanong pa niya.

"Manang Nena ube po ang gusto ko at isang bote ng softdrinks" yun ang sabi ni Pepe.

"Ako naman po ang gusto ko ay pitchi pitchi at isang bote rin po ng softdrinks" yan naman ang sabi ni Isko.

"Ikaw John ano ang gusto mong bilhin?" tanong ni manang Nena Kay John.

"Ako po manang nena ang gusto ko ay Biko at isang bote nang malimig na tubig."

Pagkatapos naming bumili ng aming merienda ay umupo kami sa gilid ng tindahan ni aling nena doon sa ilalim ng malaki at mayabong na puno ng Santol.

Habang kumakain kami ay biglang nabangit ni ni aling Nena Ang isa sa topic na ayaw pag usapan ni John, Ang tungkol sa totoong tatay niya.

Bata pa lamang Kasi sina Kuya Martin Ang nakakatandang kapatid ni John ay bigla silang iniwan ng kanilang tatay.

Kaya sa tuwing mapag uusapan Ang tatay niya siguradong aalis ng nakasimangot na parang nilamukos na papel Ang Mukha itong si John .

" Ang bilis mo namang maglakad John bagalan mo naman" hinihingal na Sabi ni Isko.

"Uy John ano bayan Di mo po pa rin ba napapatawad Ang tatay mo?" Tanong ni Pepe.

" Alam niyo naman Kung anong hirap Ang naranasan namin ni kuya para makatapos kami ng pag- aaral? Kahit na wala akong tatay gusto Kong mapatunayan sa mga taong nangungutya sa Amin na kaya naming makatapos ng wala Ang magaling Kong tatay" Galit na Sabi ni John.

" O Tama na nga baka kayo pang dalawa Ang mag away " Sabi ni Isko.

Ilang minuto Ang lumipas Bago Sila nagkaayos. " Sorry pare alam ko naman Ang pinagdadaan mo". Sabi ni Pepe.

" Sorry din Di ko sinasadya na ilabas ko Sayo Ang Galit ko". Sabi ni John.

" Basta kahit anong Mangyari andito lang kami Hanggang kailangan mo kami" Sabi ni Pepe.

" O baka naman magkaiyakan pa kayo niyan". Pabirong Sabi ni Isko.


Sa Tamang Panahon :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon