John's POV
2 linggo pagkatapos ng birthday ko......Tumawag sa akin sina nanay at tatay.
"Anak," sabi ni nanay sa kabilang linya.
" Bakit po nay?" Tanong ko.
" Anak pwede ka na bang umuwi?" Tanong niya sa akin.
" Bakit naman po nanay? "Tanong ko.
" Kasi anak may sakit na ang tatay mo." Sabi ni nanay sa akin.
Nagulat naman ako. Pero agad naman ako dahil nung huli kong makita si tatay ay napaka sigla at napaka saya pa niya.
"Nakapagpacheck up na po ba si tatay." Tanong ko.
"Oo anak, sagot ni nanay. Nagpunta kami kahapon ng tatay mo sa bayan. Ayaw pa nang tatay mo na pumunta sa doctor. "
"Bakit naman po." Tanong ko.
" Gastos lang daw kasi iyon." Sabi niya." Ok po nay, bukas na bukas rin ay magpapaalam ako sa aking trabaho." Sagot ko.
Pagkatapos kong makausap sa cellphone sina nanay at tatay ay tinawagan ko si Mam Jean. Si Jean ang principal sa aking pinapapasukang eskwelahan.
Nag ring ng tatlong beses ang cell phone ni mam bago niya ito sinagot.
" Magandang gabi po mam Jean, may sasabihin po sana ako sa inyo."Sabi ko.
"Ano ba iyon? Bakit ka napatawag?" Tanong niya. Kung ang itatanong mo ay kung kailan tataas ang sahod natin, ang sagot ko ay hindi ko alam. Sabay tawa niya. Biro lang ha. Sabi niya.Kaya kahit malungkot ako ay pinilit kong tumawa.
"Mam Jean hindi po tungkol diyan ang sasabihin ko."Sabi ko." Ano ba yun ?" tanong niya.
"Mam Jean magpapa alam po sana ako. Kailangan ko pong umuwi ng probinsiya."
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya.
"May sakit po kasi ang papa ko at kailangan nila ako doon."Matagal na nag isip si mam Jean kung papayagan niya ako o hindi.
"O, sige hindi naman kita mapipigilan sa gusto mo. Pero may tanong ako, babalik ka pa ba dito o maghahanap na ako ng kapalit mo?"
Bago pa man ako tumawag sa kay mam ay napag isipan kong sa probinsiya na lang ipagpatuloy ang profession ko upang maalagaan ko ng mabuti ng aking mga magulang.
" Mam pasensiya na po sa abala, pero kung maari po sana ay maghanap na lang po kayo ng kapalit ko." Napagpasiyahan ko po kasi na doon na lang sa probinsiya magturo.
" O sige siguro hindi na kita mapipigilan, pero gusto kong malaman mo na kung magkakaroon ka ng pagkakataon na bumalik dito, sana dito ka muling pumasok."
" Oo naman po mam." Sagot ko.
Pagkatapos noon pag uusap na iyon ay ibibinaba ko na ang aking cellphone.
Sorry guys kung ngayon lang ako nag update. Busy lang kasi ako noong mga nakaraan.
BINABASA MO ANG
Sa Tamang Panahon :-)
RomansaHi guys bago lang ako dito sa wattpad. Pero mahilig akong magbasa ng mga stories dito. Ang storing ito ay hindi tungkol sa aldub, kundi hanggo ito sa kwento ng isang taong malapit sa akin. Pero sana magustuhan nyo pa rin Ito.