Chapter 15: Sa Muling Pagkikita

16 0 0
                                    

John's POV
Narito ako ngayon sa isang mamahaling restaurant upang hintayin si Sam.

Si Sam ang unang naging kakilala ko sa bagong school na pinagtratrabahuhan ko.

Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala. Pagkatapos iyon ng pagpapakilala sa akin ni Ms. Jhen sa flag ceremony. Naglalakad ako noon ng lumapit sa akin si Sam upang makipagkilala.
" Hi, ang bati niya.

" Hello, ang sabi ko.

" Ako nga pala si Sam," ang pagpapakilala niya.
"Ako nga pala si John," ang sagot ko.

Maganda si Sam, maputi, mahaba ang buhok at makapal ang kilay.

Pagkatapos ng ilang linggo ay naging mabuti kaming magkaibigan ni Sam. Isang araw ay nagtxt siya sa akin.

" John sama ka naman sa amin nila mam Jhen kakain kami sa labas."Sabi niya. At may ipapakilala rin ako sayo.

At dahil wala naman akong gagawin ay pumayag naman ako.
" Sige Sam saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Sam sa txt.

Txt ko na lang sayo yung address. Reply niya.

At ngayon nga ay narito ako sa loob ng isang mamahaling restaurant. Sa totoo lang kanin pa lang dito ubos na ang sahod ko. Sana dumating na sila Sam.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay may nakita akong babae na familiar sa akin.

Nang malapit na siya sa kinaroroonan ko ay kinuha ko ang attention niya.

" Ikaw? Tanong ko?

" Ikaw ulit? Sabi niya sa akin.
Pero bago pa man ako makapag salita ay nagsalita siyang muli.

"Gusto kong formal na humingi sayo ng tawad." Sabi niya.
Pero bago ko muna siya pinayagang magsalita pinaupo ko muna siya.

Pagkatapos naming umupo ay ipanagpatuloy niya ang gusto niyang Sabihin.
" Tulad ng nasabi ko kanina, gusto ko humingi ng sorry sa iyo dahil doon sa aksidente sa amusement park." Sabi niya.

" Ok lang, matagal na yun." Sagot ko.

" Sa akin kasi ay hindi yun ok, gusto kong bumawi sayo." Sabi niya.

"Huwag na ok lang talaga "sagot ko.
" Ok sige para makabawi ako ay ililibre na lang kita ng hapunan,"kung ok lang.? Tanong niya.

Nahihiya man ako ay pumayag na rin ako dahil mag alas 8 na ng gabi. At Ang mahal dito.

Ngunit bago kami umorder nagsalita ulit ako.
"Uhmm.... pwede bang huwag na lang tayo dito kumain,"
sabi ko sa kanya.

" Bakit ayaw mo ba ng pagkain dito?" Tanong niya.

"Hindi naman sa ganun, sobrang mahal kasi ng pagkain dito." Sagot ko.

" Ok sige saan mo gusto kumain?" Tanong niya.

" Pwede ba na kahit sa fastfood na lang tayo kumain." Sabi ko.

" Ok sige," sagot niya na may kasamang ngiti.

Habang naglalakad kami papunta sa McDonald ay nagkakwentuhan kami.
" Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sayo, "sabi ko sa kanya.

"Ako rin pala, Sabi niya."

" Ako nga pala si John Estacio." Pagpapakilala ko.

" Ako naman si Christine Rodriguez," pagpapakilala niya.

Nang marating namin ang McDonald ay umorder na kami at habang kumakain kami ay nag kwentuhan pa kami.

"Christine teacher ka rin pala?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, sagot niya. " Sa totoo lang Nakita na kita noong unang day natin sa school Bago pa tayo ipakilala ni ma' am Jhen kaya lang Di kita makausap." Sabi niya.

" Bakit naman?" Tanong ko.

" Nahihiya Kasi ako sa iyo dahil doon sa juice." Sabi niya.

" Ah doon ba? Ok lang Di mo naman sinasadya. Sabi ko.

" Thank you! Akala ko Galit ka sa akin?" Sabi niya.

" Di naman ako nagtatanim ng Galit. " Sabi ko .

" So where friends? " Tanong niya. sabay bigay ng kamay niya sa akin para makipag shake hands.

" Sure friends". Sabi ko. And I take her hands.

Well Ang lambot ng kamay niya.

Abangan sa susunod na Chapter ang continuation ng istoryang ito.

Sa Tamang Panahon :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon