chapter 23: Moving on

4 0 0
                                    

John's POV
Makalipas ang dalawang buwan.....

Akala ko hindi na ako makaka move on pero salamat sa mga kababata ko at lalong lalo na kay Cristine ay nagsisimula ng mag hilom ang mga sugat sa puso ko.

Mas madalas rin kaming magkasama ni Christine.

Lumalabas kami kasama ang mga kaibigan at katrabaho namin at kung minsan naman ay kumakakain kaming dalawa sa paborito niyang resturant. Masaya ako kapag kasama ko siya. Akala ko nga noon ay habang buhay na niya akong susungitan.

Pero malaki ang naitulong ng presensya niya at kahit naman di kami nagkikita sapagkat pareho kaming busy sa work namin ay magka txt naman kami.

Sana magtuloy tuloy na ito ayaw ko man aminin pero mahal ko na ata si Ms. Christine.

Minsan naiinis ako sa sarili ko dahil kahit ayoko ng mag mahal ay eto na naman ang puso ko.

Sana lang sa pagkakataon na ito ay hindi na ako masaktan pa.

Hi guys sana nga tuloy tuloy na ang happy ending.

Sa Tamang Panahon :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon