Chapter 22: Ang sakit

4 0 0
                                    

Christine's POV
Habang kumakain kami ni John ay bigla na lamang siyang nanahimik, kaya kinausap ko siya.

" Sir John ok ka lang ba? Bigla ka na lang dyang nanahimik. "Sabi ko.

" Ah ano ok lang ako," sabi niya sa akin.

" Sure ka ha? Dito lang ako. Sabi ko pa sa kanya.

Ngumiti si John ngunit halata naman na may dinaramdam siya.

Gusto ko sana ibalik sa kanya Ang tulong na ibibigay niya sa akin noong may problema ako.

Ilang minuto ng katahimikan ay nagsalita na si John.

Naalala daw kasi ni John yung girlfriend niya.

" Sir John, kung ok lang sayo maarri ka namang magkwento sa akin." Sabi ko.

"Sure ka ba ok lang sayo na magkwento ako sayo?" ang sakit kasi talaga, sabi niya.

John's POV

Habang kumakain kami ni Christine sa isang fast food restaurant ay bigla kong naalala si Geraldine at yung araw na sobra akong nasaktan.

Bigla na lamang akong natulala sa kawalan, kaya nagulat ako ng tawagin ako ni Christine.

" Sir John, ok ka lang ba? "Tanong niya sa akin.

"Oo naman ok lang ako," sagot ko.

Sinabihan niya ako na Maari naman daw akong magkwento sa kanya. Gusto ko ngang may makausap tungkol kay Geraldine pero hindi ko pa kaya.

3 taon na rin ang nakalipas mula ng maghiwalay kami ni Geraldine pero hindi pa rin ako nakaka move on hanggang ngayon.

Sa Tamang Panahon :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon