John's POV
Mag alas 11 na ng gabi ng magkayayaan na ang iba na umuwi na.Pero ayaw pa sanang umuwi nila Christine at Sam. Kasi nga daw ngayon lang ulit kami nag usap dahil sa busy namin sa aming mga trabaho. Pero masyado nang malalim ang gabi at baka magalit ang mga magulang niya kaya mas minabuti ko nang kausapin siya.
"Christine hindi kaya mag alala ang mga magulang mo?" masyado na kasing malalim ang gabi.
"Oo, pero ayoko pa sanang umuwi," sagot niya.
"Pero hindi pwede," sagot ko. "May pasok pa tayo sa eskwelahan bukas." Sabi ko.
Pumayag naman siya na umuwi na pero hiningi niya na kung maari daw ay ihatid ko sila sa labas at pumayag naman ako.
Nang makarating na kami sa labas ay nagpaalam na ako.
" Christine thank you sa pag punta mo dito sa birthday ko."" Walang anuman. Na supresa ka ba nung dumating ako?" tanong niya.
" Oo akala ko kasi di ka na pupunta,"sagot ko.
" Pwede ba naman na di ako pumunta," sagot niya. "Ay oo nga pala may ibibigay ako sa' yo. "
Nagtaka naman ako dahil hindi naman ako nanghingi nang regalo kay Christine.
Habang kinukuha ni Christine yung regalo niya sa akin ay hindi ko maiwasan na tignan siya.
Kahit na anong gawin ang ganda niya pa rin. Di ko na maitatago pa sa aking sarili na mahal ko na nga si Christine.
Nagulat na lang ako ng magsalitang muli si Christine.
" John happy birthday," bati nya sa akin.
" Salamat Christine," sagot ko na may kasamang ngiti.
" May ibibigay ako sayo," sabi nya.
"Ano yan?" tanong ko.
"Pikit ka muna, bilis," sabi niya.
Ginawa ko naman. Pumikit ako at pagkadilat ko, iniabot ni Christine sa akin yung sobre. Kahit na nagtataka ako ay ngumiti ako at nag thank you.
"Thank you! Christine."Sabi ko.
"Welcome," sagot Niya. "Pero sa bahay mo na lang yan buksan ha."Dagdag pa niya.
Pagkatapos kong maihatid si Christine, habang naglalakad ako ay di ko napapansin na naka ngiti na pala ako.
BINABASA MO ANG
Sa Tamang Panahon :-)
RomanceHi guys bago lang ako dito sa wattpad. Pero mahilig akong magbasa ng mga stories dito. Ang storing ito ay hindi tungkol sa aldub, kundi hanggo ito sa kwento ng isang taong malapit sa akin. Pero sana magustuhan nyo pa rin Ito.