John's POV
Habang kumakain kami Christine, hindi ko maialis sa isip ko kung paano ba ako magpapaalam sa kanya.Pagkalipas ng ilang oras ay naisip ko na rin sabihin kay Christine ang problema ko.
Christine? Tawag ko sa kanya. Pasensiya ka na kung hindi ko masabi sa iyo ang problema ko. Dagdag ko pa.
Ano ka ba ? Kung ano man yang problema mo maari mo naman iyan sabihin sa akin pero kung hindi mo kayang sabihin ok lang, irerespeto ko ang desisyon mo. Sabi niya.Hindi ko lubos maisip na ganito pala kabait si Christine akala ko masungit at mataray siya pero nagkamali ako.
Pagkatapos namin kumain sa paborito niyang restuarant ay minabuti ko na ihatid siya sa kanilang bahay para kahit sa huling pagkakataon ay makita ko siya.
Nang makarating kami sa bahay nila malungkot man ako dahil sa tatlong araw na lang ay uuwi na ako sa aking probinsya. At hindi ko alam kung kailan ako muling makakabalik sa lugar na ito.
Ilang segundo din akong nakatingin sa kawalan. Iniisip kung paano ako magpapaalam kay Christine.
Ngunit nalulungkot man kailangan ko nang magpapaalam.
Christine? tawag ko sa kanya.
Ano yun John? Tanong niya sa akin.
Pwede ba kita makausap? Kahit sana doon sa park na malapit dito. Sabi ko.
Sige ok lang, parang importante kasi ang sasabihin mo sa akin. Sabi niya.Nang makarating kami sa park na iyon ay pinili naming umupo sa ilalim ng isang malagong puno ng mangga.
Ilang minuto rin kaming nakatahimik ni Christine. Iniisip ko kung paano ako magpapaalam sa kanya. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Christine.
Christine, tawag ko sa kanya.
Bakit, sige lang magkwento ka lang, makikinig ako. Sabi niya.Nalulungkot man ako ay kailangan ko ring sabihin sa kanya ang aking pag alis para naman makapagpaalam ako at mapakapagpasalamat ako sa kanya.
Christine, tawag ko sa kanya. Naalala mo ba nung una tayong magkakilala? Tanong ko.
Oo, naman hinding hindi ko makakalimutan na sa una nating pagkikita ay matatapunan kita ng juice. Sagot niya.
Buti naman naalala mo pa. Sabi ko.
Oo naman hinding hindi ko makakalimutan ko ang mga araw na yun at dahil, natigilan ako sa gusto kong sabihin.Tinanong ko ang aking sarili. Talaga bang handa na akong umalis at iwan ang babaeng mahal ko.
BINABASA MO ANG
Sa Tamang Panahon :-)
RomanceHi guys bago lang ako dito sa wattpad. Pero mahilig akong magbasa ng mga stories dito. Ang storing ito ay hindi tungkol sa aldub, kundi hanggo ito sa kwento ng isang taong malapit sa akin. Pero sana magustuhan nyo pa rin Ito.