Simula.

5.2K 140 20
                                    

Ito na ang season three! Yas!

Simula.

Inayos ko ang panyong itim na nakatakip sa mukha ko habang naglalakad papunta sa compound.

Ito na naman ako bumabalik sa lugar kung saan maraming masasakit na alaala akong naaalala sa araw-araw na tatapak ako dito.

I know I should avoid this place because of those bitter memories. But then again why would I when I know na mas maraming masasayang alaala kaming nabuo dito. Going back here gave me feelings. And at the same time. Hope.

Hoping that one day when I get back here may maabutan ako. Alam ko na malabo ng mangyari iyon lalo pa at kung maaaring naisip nilang walang nakaligtas sa mga naiwan.

Many of us died. At marami pa rin ang ligtas. Mga taong inaasahan kong bumalik. Baka sakaling maisip nila na may nagaantay sa kanila.

Hinanda ko ang hawak kong baseball bat at hinampas sa dalawang lefters na pasalubong sa akin. When they landed on the ground I smashed their heads again.

Umayos ako ng tayo at hinugot ang pamunas ko ng dugo na dumikit sa bat ko mula sa bulsa ko at pinunasan ang hawak ko habang patuloy na naglalakad.

Nakaalerto ako habang naglalakad. Nakikiramdam sa mga lefters na maaaring biglang sumulpot sa kung saan at mula sa mga taga Undead Sanctuary. Na mas pinagtataguan ko.

Sa pagbabalik-balik ko dito ilang beses ko ng nakita ang pagpapabalik-balik din ng mga taga US sa compound para macheck kung may bumalik ba. Pero tulad ko bigo din sila.

Isang beses gusto ko ng lumabas at magpakita sa kanila at sumama. Magbabakasakaling nandoon pa si Blake. Nabigo siyang makuha tulad noong una. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Maaaring wala na. Tulad ko nasa labas na rin siya at nakita ang sinapit ng compound. At maaaring inisip na wala na ako. Na hindi ako nakaligtas pero ang totoo nakaligtas ako. At isa pa ayoko mapahamak ang isang buhay na nasa tiyan ko kung sakaling babalik ako doon. I hate that place. It will just bring me and my baby to danger.

Hinaplos ko ang tiyan ko na parang busog lang at hindi buntis. Ayon sa bilang ko dalawang buwan ng mahigit ang tiyan ko. Base iyon sa araw na may nangyari sa amin. Isang beses lang pero galing ng gago shooter. It should just be us having fun. Taking the heat out of our system. Taking the tension between us out na simula ng makilala ko siya may tensyon na sa pagitan namin.

It should just be a fun day since we're just having fun daring each other, teasing each other, kissing each other. But that fun brought me, us here. Having a baby.

I admit I've been regretting that day. I shouldn't let my emotion drive my sanity away that time. But then he's just too hot I can't resist temptation. Too hot that I let him take my clothes off.

But then it already happened. Hindi ko na mababawi ang mga naging desisyon ko. All I can do is learn from that experience. Plus hindi naman ako nagsisisi na na-buntis ako. Tyaka this is a blessing. Yes hindi tama sa sitwasyon ngayon but it already happened. Double ingat na lang. I know I'm not yet ready for this but I will do my best to be ready and be a good parent. I'm already on the right age. Twenty. Nasa tamang edad na. Oo bata pa ng kunti pero kaya naman na magpakamagulang. Pwede na mag-anak tyaka may tatay naman. Hindi pa nga lang kami nagkikita ulit.

Na sana ngayon sa pagpunta ko ulit sa compound. Sana may maabutan ako. Sana.

Huminga ako ng malalim ng makalapit sa bukana ng compound. Isinampay ko ang bat sa balikat ko at nilingon ang mga kasama ko sa likod na tahimik lang.

Left (Season 3): Despair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon