Pangdalawampu't-apat.

1.2K 74 11
                                    

Pangdalawampu't-apat.

Napamulat ako ng makarinig ng sunod sunod na putok. I saw Rona shooting the lefters behind us.

Nang mapatumba niya lahat, agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas.

"Dapat hindi tayo sumuko." She said.

Tama dapat hindi kami panghinaan ng loob. Makakalabas kami sa maze garden na to!

"Hindi pwedeng hindi tayo makalabas dito kailangan maligtas kayo ni baby." She glanced at my tummy. Napahawak naman ako sa aking tiyan at hinaplos iyon.

Nang makalabas sa pinasukan namin sinalubong kami ng mga lefters.

Nagbitaw agad kami para lumaban. Bumaril ito at pinalakol ko naman ang mga lumalapit.

"Dito tayo Lou!" Sigaw ni Ron. Itinuturo ang isang daan kung saan di pa kami nakakapasok.

Agad akong sumunod dito nang pumasok siya habang palinga linga sa likod ko.

Napansin kong may mga lefters din sa pinasukan namin na agad naman binabaril ni Ron.

"Gosh! Ubos na bala ko." Sigaw ni Ron.

"Get your knife Ron!" Utos ko at ako naman ang nanguna sa pagpasok para ako naman ang pumatay sa mga lefters habang yumuyuko ito at hinuhugot ang kutsilyo sa sapatos niya.

I axed every lefters that are trying to reach me and eat me. Pinuputol ko ang kamay bago tinitira sa ulo.

"Tangina!" Mura ko ng hindi ko mahugot yong palakol na nakabaon sa lefter.

Inapakan ko pa yon at buong pwersang hinugot para lang matangal. Muntik pa ko mapaupo ng mabunot ko dahil sa pwersa buti naagapan ni Ron.

"Magingat ka baka mapano kayo ni baby." She said.

"Oo."

Pinagpatuloy namin ang paglakad.

Buti na lang at wala ng lefters na nakasalubong sa amin. Mukhang hindi pa sila nakakalayo mula sa bukana.

Kung saan saan kami lumiko at lumakad. Parang walang katapusan yong maze. Nakakapagod na pero patuloy pa rin kami sa paglalakad ni Ron. Hindi kami tumitigil.

Tingin ko oras na ang binilang simula ng makapasok kami sa loob ng maze. Siguro malaki ang maze na ito bago ka pa makarating sa dulo at aabutin ka talaga ng oras lalo na kung mali pa ang mga nadadaanan mo.

"Magpahinga muna tayo." Sabi ni Rona sa tabi ko.

"Pagod ka na?" Tanong ko.

"Oo. Uhaw na rin."

"Sige pahinga muna tayo saglit." Sabi ko at sumalampak sa sahig.

Ramdam ko ang pananakit ng aking mga binti sa tagal ng paglalakad at pagod. Guminhawa ang pakiramdam ko ng very light sa pagupo.

Sumandal ako sa halaman para mapahinga ang likod ko kaso napatili ako ng may humila sa buhok ko.

"Oh my gosh lefter!" Tili ni Ron.

Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit sa aking anit. At hinila rin ang buhok ko mula sa lefter na paniguradong nasa kabilang parte ng maze at naitanim siguro sa halamanan kaya naabot ang buhok ko.

"I'll kill you!" Sigaw ni Ron.

I saw her stabbing the lefters through my peripheral vision.

Naramdaman kong gumaan na ang ulo ko. Napatay na siguro ni Ron.

Agad ko iyong nilingon at lupaypay na nga ang lefter na nakabaon sa halamanan. Mukhang itinulak diyan.

Tumayo na ako.

Left (Season 3): Despair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon