Panglabing-tatlo.

1.4K 76 2
                                    

Panglabing-tatlo.

I woke up with the girls getting ready for something.

"Anong meron?" I asked.

"Teh umpisa na ng street sweepers duties nila." Si Dyosa ang sumagot.

"Ngayon pala umpisa non." Akala ko yung maggwagwardiya lang.

"Oo. Sinabihan kami ni Sofia kanina." Sabi ni Kat.

"Ilang oras daw kayo magwawalis?" Tanong ko.

"Di ko alam, siguro hanggang tanghali lang sabi ni Sofia marami naman raw kami kaya baka ilang oras lang." Kwento ni Rona.

"Akala ko kayo lang."

"Baliw di namin kakayanin yun!" Tawa ni Ana. "Laki laki ng US."

Natawa na lang din ako.

"Ikaw anong gagawin mo dito wala kang makakausap baka matagalan kami." Tanong sakin ni Rona.

"Teh anong tingin mo sakin? Hindi makakausap?" Tanong ni Dyosa.

"Hindi ka pa ba lalabas?"

"Nope. Maya pang six chenes ang shift namin ni fafa Alec!"

"Edi mabuti may makakausap si Louie."

"Baliw ka ba Ron. Mayang gabi pa yung work ng iba kaya malamang di siya magiisa dito." Sabi ni Kat dito.

"Oo nga no nawala sa isip ko. Akala ko maiiwan siyang mag-isa dito."

"Hay nako di pa nagpafunction ng mabuti ang utak mo tulog pa yata." Sabi ko.

"Kasi naman aga nating magising. Sarap pang matulog! Akala ko naman kasi free tayong tumira dito yun pala kailangan pa ring magtrabaho." Reklamo nito.

"Wala tayong magagawa they got us." Sabi ko.

"At least we just have to sweep and deal with US' dirt than lefters outside." Right. Hindi namin kailangang mamroblema ng mga lefters na bigla na lang susulpot kung saan. Iyon ang kagandahan sa loob ng US, safe from monsters outside but not the monsters inside the US.

"Got a point there Kat. But living here still a no for me." Masarap nga tumira dito but still may panganib sa sarap na yun.

"Me too mga teh! Creepy ditetchiwa! May nabavibes aketch na bad force! Kahit waley namang nangyayari sa surroundings natin! Pero yung feeling mga ateng! Eee!" Dyosa said.

"Same." I said.

There's really something about US. Na kahit safe tingnan parang may nagbabadyang panganib. Ugh paranoid self working again. May nakikigatong pa.

"Don't think too much kasi. Malay niyo nasa isip niyo lang yan." Rona said. "Tyaka like you guys said lalabas din tayo dito."

"Right."

After nila magayos nagbabaan na kami. Nakita naming gising na pala ang lahat at nagkakainan na. Pero wala pa rin si Mark at Vj, mukhang di pa nakakabalik mula sa food run.

"Morning girls!" Bati ni Alec.

"Morning!" Bati namin pabalik.

"Louie here." Tawag sakin ni Blake. Lumapit ako sa kanya at inabutan niya ako ng platong may lamang pagkain.

"Thank you." Paupo na ako ng halikan niya ang noo ko. He even murmured morning on my forehead. Napangiti na lang ako.

Tahimik kaming kumain ng almusal. Mukhang antok pa kasi yung iba kaya di nag-iingay.

"Dude matulog ka na nga muna." Rinig kong sabi ni Jeremy.

Napatingin kami dito. Nakabaling ito kay Michael na mukhang antok na antok pa at parang babagsak sa plato nito.

Left (Season 3): Despair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon