Panglabing-walo.

1.2K 85 12
                                    

Panglabing-walo.

Nakita kong lumabas kami ng Undead Sanctuary kahit patuloy ang pagluha ko. Lumiko kami sa gilid nito. Nasa gitna kami ng bakod ng US at mga puno sa gilid. Nakita ko ring may sumunod sa aming isang range rover na may dalawang lalaking armado sa likuran niyon at ang driver. Mukhang pinapasundan kami ni Angelina. Scared that we'll elope ha.

Mahabang pagbaybay ang ginawa namin. Doon ko napansin na mahaba at malaki pala ang sakop ng Undead Sanctuary. Hanggang sa loob ng kagubatan.

Natapos ang mga bakod at puro puno na lang ang nadadaanan namin. Natapos din ang pagluha ko pero hindi ang pagluha nila Kat at Ana.

Tumigil kami. Tumigil din ang sasakyang nakasunod sa amin.

Nagbabaan sila Logan. Maingat din akong bumaba at tiningnan ang paligid.

So this is the burying zone.

Puro puno pero kapansin pansin ang mga nakakalat na puting mga krus sa paligid. Parang sementeryo sa gitna ng gubat. Kapansin-pansin din ang mga itim na letra na nakasulat sa mga puting krus.

"Stephen," Mahinang basa ko sa isang krus malapit sa amin. Mga pangalan ang nakasulat.

Ibinaba nila Logan ang black bag at tinulungan iyong dalawang lalaki na maghukay ng libingan.

Nakita kong namitas ng bulaklak ng gumamela na nakatanim sa paligid si Rona at Ana. Nakasunod sa kanila si Jeremy at Michael. May isang bantay din na nakasunod sa kanila.

Nang matapos sila mamitas. Binigyan nila kami ng tig-isang bulaklak at nag-antay hanggang matapos sila sa paghuhukay.

May binigay iyong isang bantay kay Jeremy na krus, itim na pintura at brush.

"Isulat niyo ang pangalan ng kaibigan niyo." Sabi nito.

Tumango si Jeremy at nagtanong;

"Ano ang buong pangalan ni Vj?"

"Victor James Socoro." Sagot ni Logan.

Maayos na isinulat ni Jeremy ang pangalan sa puting krus.

Nang matapos ito saktong natapos din ang paghuhukay. Tumigil na sila ng tingin nila ay tama na ang lalim na pwedeng himlayan ni Vj.

Dahan-dahang inilagay ni Logan at Sehun si Vj sa hukay. Nang maiayos ay nanguna sa pagbibigay ng dasal si Ana. Maikli lang iyon pero tagos sa puso. Isa-isa naming inihulog ang mga hawak na gumamela. Nang mahulog ang huling bulaklak ay inumpisahan na nila itong tabunan.

Napaisip ako bigla kung ilan pang kaibigan namin ang ihahatid namin sa huling hantungan nila. Nakakasikip ng dibdib ang isiping iyon pero alam kong hindi malabo iyon. Ilang pagiyak pa kaya ang mangyayari sa mga susunod pang araw, buwan at taon kapag merong isa sa amin ang muling namaalam. Kailan matatapos ang pagluha sa tuwing mangyayari iyon? O pwedeng matapos kapag nasanay na. Magiging matigas ang loob sa tagal ng panahon at sa dami ng namatay naming kaibigan. O pwede pa ring maiyak dahil hindi naman kami gawa sa bato. Lilipas lang ang panahon pero hindi lilipas ang mga luhang maaari pang pumatak. Hindi ko naman pwedeng hilingin na sana wala ng sumunod kay Vj para wala ng umiyak. Dahil malabong mangyari iyon. Dahil lahat kami na lumalaban para mabuhay ay kamatayan din ang huling hahantungan.

Nang maibaon na ang krus sa lupa ay agad kaming pinasakay ng mga armadong lalaki para makabalik na ng US.

"Can't we stay for a while?" Tanong ko sa isang bantay malapit sa akin. Tiningnan ako nito ng masama.

"Hindi." Masungit na sagot ni Kuya. Kaloka hindi ko naman siya inaano nagtatanong lang.

Sobrang bilis lang ng nangyari kung iisipin.

Left (Season 3): Despair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon