Pangdalawampu't-tatlo.
I'm just silently following Rona and Angelina. Tahimik lang din kasi silang dalawa.
Hindi ko alam kung tama ba tong ginawa kong pagsama instead magpaiwan para malaman ng boys na once umuwi sila may magsasabi sa kanila kung nasaan si Rona. Pero di ko naman siya magawang pabayaan. Hindi ko rin naman magawang magpaalam kanila Dyosa kasi baka pag bumalik pa ako sa bahay paglabas ko wala na sila Angelina sa daan. Lalo pa may kabilisan ang lakad nila. Atleast kung umuwi man sila may ideya sila kung nasaan kami ni Ron at sino ang kasama namin. Si Angelina at magfofoodrun kami.
Napatabi ako ng may marinig na busina. Napansin ko namang tumigil si Angelina sa paglalakad at pinatigil din nito si Rona. Huminto naman ang van sa tabi nila.
"Pumasok kayo." Iminuwestra ni Angelina ang van at binuksan ang pinto.
Agad sumakay si Ron at umupo. Sumunod ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Sinarado naman ni Angelina ang pinto at sumakay sa front seat ng van.
Maliban sa aming tatlo, napansin kong driver lang ang kasama namin. Wala man lang ba kaming ibang kasama sa food run? Kami kami lang?
Nagumpisa ng umandar ang van at pansin kong imbes papunta sa gate ang tungo ng van para makalabas parang papasok pa kami sa loob ng US. Saan kami pupunta?
Nasagot ang tanong ko ng pumasok kami kung nasaan ang Dead Cell.
Anong ginagawa namin dito?
Tiningnan ko ang Dead Cell alam ko dito sila Dyosa nagbabantay, sila ni Alec. Pero wala sila sa labas baka nasa loob. Tiningnan ko rin ang Weapon's vault. Wala kaming kakilala sa mga nagbabantay sa labas.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.
"To get weapons." Sagot ni Angelina.
Oh! Okay. We'll get weapons.
Bumaba si Angelina pati yung driver na pinagbuksan kami ng pinto. Pinababa nila kami at tinungo namin ang Weapon's Vault.
Pumasok kami sa loob. Isang malaking kwarto lang pala ang WV. Na maraming lamesa na may nakapatong na mga armas. Magkakasama ang mga baril, iba't-ibang hugis at laking matatalim na bagay at iba pang pang patay. At sa paglibot ko pa ng tingin doon nakita ko si Sergio na nagaayos ng baril. Natigilan pa ito ng makita kaming pumasok. May kasama rin itong isa pang lalaki na nagaayos ng baril din. Dalawa lang sila sa loob.
"Choose one weapon to bring." Malakas na sabi ni Angelina.
Shit ito ba yung sinasabi ni Kat na papipiliin lang ng isang armas sa food run? Tangina sobrang daya ah!
"Why just one?" I glanced at her. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "We're going to a food run? We should have a lot of weapons to defend ourselves while collecting foods."
"Where's the fun on that?"
"What?" Tangina napa what na lang ako sa sinabi nito.
"C'mon pick one weapon."
Napansin kong pumunta na si Rona sa lamesa ng mga baril. Pero naalala ko ang sinabi ni Kat. Dapat kutsilyo ang kuhain namin.
"Huwag dyan Ron." Sabi ko dito at hinila ito papunta sa lamesa kung nasaan ang mga kutsilyo.
"Pero gusto ko ng baril Lou." Sabi niya.
"Remember what Kat said. Pick a knife instead of a gun." Paalala kong bulong para hindi marinig ni Angelina.
"Yeah. But don't worry I have a knife on my shoe. You too right?"
"Right. Sige kumuha ka ng baril."
BINABASA MO ANG
Left (Season 3): Despair.
Science FictionThey're left, They're returned. They've been surviving. But now it was so hard. Despair! We're living in a despair island. No one can save us. Only ourselves! What will happen to them when all that left is despair? *SEASON THREE* --- *Season one: Le...