Pangdalawampu't-siyam.

1.1K 76 14
                                    

Pangdalawampu't-siyam.

"Dyosa sorry, nadamay ka pa sa pagkakakulong namin." Sabi ko kay Dyosa at niyakap ito.

Naramdaman kong yumakap ito pabalik.

"Anetch ka ba bakla! Okay lang!" Sabi nito.

Kumalas kami sa pagyakap. Hinagod nito ang likod ko.

"Huwag ka magalala teh makakalabas din us here."

Tumango ako.

Umupo ako ganun din sila. Nagtabi tabi kami sa isang gilid at natahimik.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka makulong kaming lahat dito. Iyong malalaman nga ng isa sa amin na nakakulong lang kami dito at tutulungan kami pero mahuhuli rin kaya pati siya ay makukulong. Pero wag naman sana. Sana makalabas kami.

"Ay mga teh!" Biglang sigaw ni Dyosa.

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

"Ano ba 'yon?" Tanong ni Rona.

"So shunga those guys." Tumatawang sabi nito.

"Bakit?" Tanong ko.

"Duh! Knows ko kaya yong password! Ako nagbukas sa inyo di ba?"

Shit! Oo nga!

Tumayo ito at lumapit sa lock. Lumapit kami sa kanya at pinanuod siyang itapat ang mga numero.

"Five seven one four. Iyon ang code mga teh ha!" Sabi nito at narinig naming nagclick ang lock. Napangisi ako.

Tinanggal agad ni Dyosa iyon at binuksan ang gate.

Napapalakpak ako.

"Kaso mahihirapan tayong makalabas." Sabi ni Rona. Tinuro nito ang pinto sa likod. "Hindi mabuksan yan di ba tapos itong isa may bantay."

"Try our best na iopen ito kasi malabong makadaan tayis there." Turo ni Dyosa sa pinto na may mga bantay.

Kaya itong isang pinto ang sinubukan naming buksan kaso mukhang sa labas ang locked.

Habang nagsusubok ng kung ano anong way sila Dyosa at Rona ay may naisip akong gawin.

"Silipin ko itong kabilang pinto." Sabi ko sa kanila.

"Magingat ka teh!"

Tumango ako at lumakad pero napahinto rin.

"Walang bantay sa hallway di ba?"

"Oo naman yes."

Lumakad ulit ako at nilapat ang tenga sa pinto at pinakinggan kung may tao ba sa kabila. Walang ingay. Mukhang wala namang tao.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at dahan dahan ding binuksan. Wala ngang tao sa hallway.

Dahan-dahan din akong naglakad palapit sa pinto. Nang makalapit nilapat ko ulit ang tenga ko sa pinto at nakinig. Maingay. Maraming tao mahirap tumakas palabas. Humawak ako sa doorknob at triny pihitin ayaw. Mukhang nakalocked.

Napakunot noo ako ng tumahimik ang mga tao sa kabilang pinto. Naglabasan?

"Nasaan ang mga tumakas?"

Nanlaki ang mga mata ko. Tangina! Si Angelina! Mukhang okay na ang bruha! Hindi niya dapat kami maabutan na nasa labas.

Hindi ko na pinakinggan ang sagot nila at agad tumakbo pabalik.

Sinarado ko ang pinto ng mabilis na ikinabaling ng atensyon nila Rona sa akin.

"Bakit Louie?"

"Si Angelina!" Sabi ko at tumakbo pabalik sa kulungan. Sumunod naman ang dalawa. Binalik namin sa pagkakalock ang gate at umupo sa sahig na akala mo hindi kami nagpalakad lakad kanina lang.

Left (Season 3): Despair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon