Pangdalawampu't-walo.
"Dyosa!" Sigaw ko.
Shit! Si Dyosa. Tangina makakalabas na kami!
"Dyosa!" Hiyaw ko ulit. Inalog ko pa ang rehas ng kulungan para maagaw ang atensiyon nito.
Patakbong lumapit ito at nagulat ng makita ako. Kami.
"Bakla!" Sigaw nito. "Anong ganap niyo diyan sa loob!"
"Kinulong kami dito."
"Anetch! Sinetch ang nagpakulong sa inyo?"
"Angelina."
"Oh my god talaga yong baklang yon!" Lumapit ito sa rehas. Hinawakan niya ang kamay ko pati ang kamay ni Rona na tulad ko ay nakahawak na rin sa rehas. "Nandito lang pala kayo. Ang sabi sa amin tumakas daw kayo nong food run."
"Hindi totoo yon at hindi rin totoo ang food run. Walang food run na nagaganap sa tuwing may mawawala tayong kasamahan."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Pinaglalaruan tayo ni Angelina."
Kinuwento ko ang nangyari sa amin. Lahat, mula ng isama kami ni Angelina hanggang sa ikulong kami dito.
"Baliw talaga yon!" React ni Dyosa.
"Kaya dapat masabi mo sa kanila ang tungkol dito at masabi mo na nandito kami at ikinulong."
"O ilabas mo kami dito." Sabi ni Rona. Tinuro nito ang lock. "Buksan mo."
"Pasensya na teh! Hindi ko alam ang kombinasyon niyan. Hindi ko mabubuksan."
Pinanghinaan naman ako ng loob sa sinabi nito. Mali ako. Hindi pa pala kami makakalabas dito.
"Pero wag kayong magalala mga teh aalamin ko. Mailalabas ko kayo dito. At sasabihin ko sa kanila na nandito lang pala kayo. Grabe na ang alala ng mga fafa niyo. Si Blake nagplano ng lumabas para hanapin kayo pero hindi lang pinalabas. Nagwarla tuloy ang fafa. Nanuntok sinamahan pa ni Jeremy. Ayon umulan ng sapok there sapok here sapok everywhere."
Nagalala ako para kay Blake. At the same time naproud. Akala niyo ah! Kung nandoon ako ichecheer ko pa yon!
"Then tell them now. Para makahanap sila ng paraan para mailabas kami dito."
"Oo teh!"
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni Ron.
"Ay inutusan kasi ako ni Sofia na ibigay ito," Hinubad nito ang bagpack na suot nito. "Sa mga nakakulong sa cell number two. Hindi ko naman alam na kayo pala."
Naglabas ito ng apat na bote ng tubig at mga sandwhich. May dalawang tupperware pa ng kanin at ulam. Inabot nito iyon sa amin na agad naming tinaggap.
"Hahatidan ko din kayo ng pagkain dito. Kumakain ba kayo dito?"
Nagulat ako ng humikbi ito.
"Ginugutom ba nila kayo dito?"
Natawa ako ng humagulgol ito ng iyak. Medyo may pagka over acting ang pagiyak nito.
"Wag ka ngang tumawa bakla! Kawawa na kayo eh!"
"Don't worry pinakain naman kami ni Sofia kahapon."
"Paano kung hindi! Malamang wala pa rin kayong kain hanggang ngayon. Mukhang wala kayong balak pakainin ng baliw na yon! Gugutumin kayo! Paano na kayo? Iyong baby mo Louie!" Tapos umiyak na naman ito. Humawak pa ito sa rehas habang dumadausdos pababa.
"Kaysa magdrama ka diyan. Lumabas ka na at alamin ang lock nito o di kaya tawagin sila Blake."
Agad naman itong tumayo at nagpunas ng luha.
BINABASA MO ANG
Left (Season 3): Despair.
Science FictionThey're left, They're returned. They've been surviving. But now it was so hard. Despair! We're living in a despair island. No one can save us. Only ourselves! What will happen to them when all that left is despair? *SEASON THREE* --- *Season one: Le...