Pangdalawampu't-dalawa.
Lahat kami nabadtrip sa hindi pagkakatuloy ng plano kaya maaga kaming nagsitulugan.
Kailan ba kami makakaalis sa lugar na ito? Ayaw ko na dito.
Nang magising kinaumagahan si Sergio lang ang umuwi at walang Mark.
At katulad ng biglaang pagkawala ni Kat ang dahilan nito ay katulad din ng kanya. Sinama ni Angelina sa food run.
"Naku mga teh pag aketch naman ang nawaley alarms nyo na! Ginetsung din ako ni bruha!" Sabi ni Dyosa.
"At least pag may nawala ulit sa atin, isa lang ang salarin. Si Angelina at ang dahilan sinama sa food run." Sabi ni Rona.
"Right." Sang ayon ko. "Pero bakit kailangan niya pa silang isama ng walang paalam."
"Baliw kasi yon Lou, pa suspense. Pinapakaba tayo." Rona said.
"Truelaley!"
"Nagtataka lang ako bakit kailangan pa magsama ni Angelina mula sa atin kung may mga food runners naman na?" Tanong ni Ana.
"Oo nga no!" Sangayon ni Mikaela.
"Maybe dahil wala na si Vj kaya pinalitan din ng mula sa atin." Rona concluded.
"It could be." I said.
Kasi kung iisipin may point si Ron doon.
"Kaya wag na kayo magtaka kung may mawala na naman sa atin." Sabi ni Ana.
Nagtanguan kami sa sinabi nito.
"Anyway kung isa man sa inyo ang isama. Always choose a bolo or knife not guns when they make you choose what armor do you want to bring." Sabi ni Kat.
"Pinapapili di pwedeng both?" Tanong ko.
"Mas maganda pag ganoon. Hindi kayo mauubusan ng bala." Paliwanag nito.
"We can have both!"
"Isa lang ang pinapapili Ana."
"Eh bakit sila Mark at Vj may bag ng armor tas may baril at kutsilyo tas ang isinasama ni Angelina pinapapili. Ano yon? Unfair! Pareho lang naman magfofoodrun. Gusto niya ba tayo mapahamak?!" Inis kong sabi.
Tiningnan ko si Kat at nagantay ng sagot.
"You know how that bitch brain's work."
"Does she even have a brain?" Sarkastiko kong tanong na ikinatawa nila.
"Yong tipong sinusugod na tayo ng lefters nilagpasan siya!" Tawa ni Ana na ikinatawa namin. "Waley utak girl!"
"Shunga teh kahit waley jutak nilalafang ng mga lefters!" Tawa ni Dyosa.
"Plants versus zombies kasi tinutukoy nito." Turo ni Mikaela kay Ana.
"Pero admit it funny non!" Tawa ko.
"Tama na tawanan magwawalis pa tayo!" Rona said at tumayo na.
Kasalukuyan kasi kaming kumakain.
Nagtayuan na rin ang iba pwera sa amin ni Dyosa.
"Tara na." Aya ni Ana.
Naglabasan na ang mga ito. Nahuli si Kat.
"Louie si Jayjay ah." Paalala nito.
"Nasaan ba? Pati sila Blake?" Nagising kasi ako na wala yong mga lalaki at sila Kat lang ang naabutan ko sa hapag na kumakain. Sila lang din ang nagbalita sa akin na si Sergio lang ang nakauwi.
"Sinama ni Logan sa paghahanap kay Mark."
"Pati si Blake?"
"Yup lahat ng boys."
BINABASA MO ANG
Left (Season 3): Despair.
Ciencia FicciónThey're left, They're returned. They've been surviving. But now it was so hard. Despair! We're living in a despair island. No one can save us. Only ourselves! What will happen to them when all that left is despair? *SEASON THREE* --- *Season one: Le...