Pangdalawampu't-pito.

1.1K 74 3
                                    

Pangdalawampu't-pito.

"Tingin mo tinutulungan talaga tayo ni Sofia?" Tanong ko kay Rona ng maubos namin ang pagkaing dinala ni Sofia para sa amin.

"Naghihinala ka ba?"

"Medyo."

"Wow ah pagkatapos nating maubos ang pagkaing dala niya!" Tawa nito.

Natawa rin ako.

"Eh kasi tauhan pa rin siya ni Angelina."

"Yep. Pero hindi lahat ng tauhan niya loyal sa kanya. For example Roxanne. Tyaka kung may masama man na balak sa atin yon eh di sana bumubula na ang bibig natin kasi nalason tayo sa pagkaing binigay niya."

"Well I can't help myself to doubt. Alam mo naman me. Hindi madaling maniwala. Proof or its not true!"

"Hey give her chance naman. Tyaka mukha ngang di pala tayo papakainin ni Angelina habang nakakulong tayo dito. Pero siya naisip niya tayong bigyan at bibigyan pa bukas."

Right.

"Pero sana naman sabihin niya na lang kanila Blake na nandito tayo o mas maganda patakasin niya na lang tayo."

"Hindi naman kasi ganon kadali lahat Louie. Mapapahamak rin siya. Di ba nga sabi niya gustuhin man niya siya naman malalagot."

"Sinabi niya ba yon?"

"Ata?" Di niya siguradong sabi kaya natawa na naman kami.

Natahimik kami pagkatapos ng maikling tawanan.

Napabuntong-hininga ako.

"I missed Blake."

"I missed Jeremy too."

"Namimiss kaya nila tayo?"

"Oo naman! At panigurado hindi na mapalagay yong mga 'yon. Just remember Logan's reaction nong isinama ni Angelina sa Kat."

"Well I hope Blake really missed me like how Logan missed Kat."

"Or it could be more than what Logan feels." Siniko ako nito. "Wag ka na magdrama. Miss ka rin non!"

"I can't help it. Baka nakahanap na siya ng iba." Hindi ko mapigilang magdrama.

"Bilis naman! Wala pang twenty four hours tayong nawawala!"

"He's hot okay. Girls will fall in line for him. At sa haba ng pila na yon malamang may mas maganda don."

"Duh! Why would he choose girls from that imaginary line when he already have you."

"Baka--"

"Shut up! I don't like your negativity! OA nito! Ganyan pala pag buntis no."

"Siguro. Tyaka namimiss ko lang talaga siya. I just wanna see him everyday of my life."

"Same feels with Jer."

Napabuntong-hininga kami ng sabay.

Napailing na lang ako at napairap sa sarili ko ng marealized na parang ang corny ko naman at nakakadiri. Hindi naman ako ganito.

Tahimik na kami at nakahiga sa malamig at matigas na sementong sahig ng seldang kinaroroonan namin ng magsalita si Ron.

"Lou."

"Oh?"

"Hindi kaya makasama sayo ang paghiga sa matigas at malamig?"

"Malamang masama pero may pagpipilian ba ako?"

"Sabagay."

"Lou." Salita na naman nito.

"Oh?"

Left (Season 3): Despair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon