C8

13.3K 142 6
                                    

Tinanghali ako ng gising kina umagahan kaya nagmamadali akong naligo at pagkatapos lumabas na  ng kwarto -naabotan ko pa si Brian na nag-aalmusal -good morning bry -bati ko sa kanya

Sigla natin ngayon ah -biro naman nya sa akin at nag wink pa ang loko

Di ko nalang pinansin -kumuha nalang din ako ng tasa ng gatas at umupo sa tapat nya -si Mhyco? -hanap ko sa kanya -dahan dahan namang umangat ang ulo ni Brian para tingnan ako -bakit? -nag-alalang tanong ko sa kanya

Sa kwarto mo ba natulog si Mhyco kagabi?- walang emosyon na tanong nya -may nangyari ba ulit sa inyo? -napatigil ako sa tangang pag higop ng gatas ko ng sunod sunod nya akong tinanong -mahal mo ba talaga si Mhyco Alona?

Bry saan papunta ang usapan nating ito?

Wala pasensya kana -at wala man lang paalam na umalis -ni hindi nga tinapos ang almusal nya -naguguluhan man ako sa inakto ni Brian pero hinayaan ko nalang

Buong hapon syang nagkulong sa kanyang kwarto at buong maghapon ko din hindi nakita si Mhyco -akmang pupunta na sana ako sa likod ng bahay para doon maglinis nang marinig ko ang usapan ni Louisa at Aling Minda -grabe din tong si senyorito Mhyco aling Minda no hindi napapagod bumyahe isipin mo dumating ng gabi tapos umalis ng madaling araw -ang sweet lang talaga ng mga batang iyan sa nanay nila -patuloy na kwento ni Louisa

Oo nga eh -pero mas gusto ko si Brian sa dalawang batang iyan -kasi nagbibigay talaga sya ng oras at panahon sa nanay nya

Sa bagay simula nang mamatay ang asawa ni Mam Almira si Brian talaga itong hindi nawawala sa tabi ng ina -sa tagal ko nang nakatira kasama ang mga Pantaleon ngayon ko lang nalaman na patay na pala ang asawa ni Mam Almira

Eh si Sir Edmond po aling Minda kilan ang balik nun?- dahil sa tanong na iyon ni Louisa bigla nalang tumahip ng pagkalakas lakas ang akong dibdib -kaya nagmadali akong bumalik sa kusina at uminom ng tubig

Dumaan ang ilang lingo parehong nagtapos sina Mhyco at Brian sa college -at simula noon madalang nalang ang pagkikita namin ni Mhyco dahil siya na ang namamahala ng kanilang kompanya sa Manila -samantalang si Brian ay pinili na pamahalaan ang kanilang farm dito Batangas

Alona -tawag sa akin ni Mam Almira -iha may ipapakiusap sana ako sa iyo kung mamaari -total bakasyon mo naman -ikaw sana ang pumalit sa secretary ni Mhyco doon sa Manila kahit dalawang linggo lang may emergency kasi yung sectrary nya -napaka pihikan naman kasi nitong anak ko -pwedi na rin iyong training mo -dahil isang semester nalang magtatapos ka na -mahabang saad ni Mam Almira

Mabilis naman akong tumango sa hiling ni Mam Almira -dahil makikita at makaka sama ko na rin ng medyo matagal tagal si Mhyco -oo naman po mam -wala  pong kaso sa akin yun -pero paano po si Brian wala po syang makakatulog sa farm

Ako na ang bahala munang tumulong kay Brian iha total wala naman akong ginagawa dito

Agad ko namang inimpake ang mga gamit na dadalhin ko sa Manila -nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko -oh Bry may kailangan ka? -tanong ko nang mapagbuksan si Brian sa labas 

So tinanggap mo talaga ang alok ni Mama na pansamantala kang magiging secretary ni Mhyco ha? -hindi ko alam kung nang-uuyam ang tanong nya o  nalulungkot -ni di mo man lang nga ako kinausap

Brian sorry pero sabi kasi ni Mam Almira sya na daw muna bahalang tumulong sayo -mahina kung saad -kasi nga naman sa sobrang excited ko naka limutan ko nang magpa-alam kay Brian

Saan ka daw titira? -basag nya sa katahimikang namamagitan sa amin kanina-kanina lang

Kay Mhyco -nakatungo kong sagot

Madilim na Kahapon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon