Dalawang lingo na mula nang umuwing Batangas si Almira -naging abala sya sa pag-alaga sa apo na anak ni Mhyco na iniwan sa kanya dahil kinailangan ng binata bumalik sa Manila dahil may kompanya itong pinapatakbo
Masaya namang tumulong si Alona sa paghahanda ng pananghalian nila kasama ang mga tauhan sa farm nang biglang tumunog ang celphone ng asawa -iniwan kasi ito ni Brian sa kanya dahil pinapa charge ng huli -nag-atubi pa syang sagutin iyon -pero nung nakita sa caller ID na ang ina nito ang tumawag ay naglakas loob na syang sagutin ito
Oh Alona bakit ikaw ang sumagot nasaan ang asawa mo? -tanong ni Almira sa kabilang linya
Ma pasensya na po -iniwan kasi to ni Brian dahil naka charge -nasa pastulan po sila ng baka
Ah ganoon ba -matatagalan ba iyon anak?
Hindi ko lang po alam ma -kung gusto niyo po ipahatid ko itong phone nya tapos sabihan ko nalang na tawagan ka -suhistyon naman ni Alona
Hindi na Alona -tatawag nalang ulit ako mamayang gabi
Bakit po ma may nangyari po ba? -kinakabahang tanong nito sa ginang
Ano kasi -ahhh -kasi -sige mamaya nalang talaga -sige anak bye -nababahalang sagot naman ni Almira
Hindi mapakali si Alona -kasi parang nahimigan nyang may problema ang ginang sa tono ng pananalita nito -kaya pinuntahan nya na ang asawa sa pastulan -agad naman syang sinalubong ni Brian nang makita sya
Oh mahal bakit ka napasugod dito -sana nagpa utos ka nalang kasi mainit -agad nyang dinala ang asawa sa kubo na pahingahan ng mga trabahante -are you okey? -nababahalang tanong ni Brian ng makitang parang balisa ang asawa
Si mama Almira kasi tumawag sa phone mo tapos sinagot ko -para kasing may problema or something mahal -hindi naman sinabi sa akin ang sadya nya -tawagan mo kaya mahal baka may problema sya doon sa Batangas
Agad namang tumalima si Brian nang iabot ng asawa ang kanyang telepono -ma ayos lang ba kayo dyan -agad na bungan ni Brian nang marinig na pinindot sa kabila ang answer botton
Anak
Ma -putol ni Brian sa ina -tsaka nya inilagay sa loud speaker para marinig din iyon ng asawa
Anak si Alona ba kasama mo ngayon?
Yes ma pinuntahan nya ako dito sa pastulan dahil nag-alala sya sayo -naka loud speaker din po kayo -paalam nya sa ina
Ano kasi anak -may abogadong nagpunta dito kahapon -hinanap si Alona
Abogodo? -bakit daw po ma -singit ni Alona sa usapan
Gusto ka daw nyang maka-usap kaya sabi ko itatanong ko muna sa inyo kung ok lang na ibigay ko ang number nyong mag-asawa -hiningi nya kasi ang number mo Alona pati address -ayaw ko naman basta basta nalang ibigay
Wala ba syang binanggit kung bakit nya hinanap ang asawa ko ma? -tanong naman ni Brian
Wala anak eh -kasi si Alona daw ang gusto nyang maka-usap -sabi niya babalik daw sya bukas -kasi daw ang huling resulta daw dun sa investigation nila dito nga si Alona sa mansion -ano ibibigay ko ba ang number at address nyo dyan
Nagkatinginan naman si Alona at Brian -ikaw ang mag desisyon -ikaw ang hinahanap -kausap ni Brian sa asawa -agad namang niyakap ni Alona si Brian sa bewang
Sige ma pakibigay kapag bumalik sya dyan -baka tungkol kay nanay ang pakay nya sa akin -hindi naman nagtagal ang pag-uusap nila dahil nag paalam na ang ginang -pumalahaw na kasi ng iyak ang anak ni Mhyco
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...