Hindi alam ni Alona kung papano pa magpapasalamat sa diyos sa lahat na natamong blessings nya -una ang akala nyang matitigil sa pag-aaral ay hindi nangyari -nagtapos sya -pumasa pa sa board exam kahit self review lang ang ginawa at ngayon ay natanggap pa syang bagong teacher ng elementary school sa bayan nila sa San Jose
Buong akala nya lugmok na ang buhay nya at buong akala nya na hindi na sya makaka bangon sa sakit at pait ng kahapon -pero nandyan ang isang Brian na hindi tumigil na tulungan sya sa kahit na anong paraan mapasaya at maging maayos lang sya -kaya naisip nya na tama lang na ibigay sa binata ang matagal na nitong hiling -tingin naman din nya handa na syang sumugal ulit sa isang relasyon -alam naman din nya na kapag masaya ka hindi maiiwasan na may kaakibat itong lungkot at sakit -pero alam nyang kaya nya na itong harapin -matapang at matured na sya ngayon para sa lahat ng bagay
Gusto nyang humingi ng tulong sa mga tao sa farm pero hindi nya alam kung ano ba ang dapat gawin -wala naman kasi syang maisip na paraan para surprisahin ang binata -dahil alam nyang kapag nahalata ni Brian ang kilos ng mga tauhan sa farm hindi ito titigil sa kakatanong -at alam nyang hindi rin magsisinungaling ang mga iyon sa kanya -bahala na
What was that? -tanong ni Brian
Ha? -naguguluhang saad naman ni Alona
You said bahala na -and what happen to you -you seem so space-out
Ha wala naman -napapapikit nalang si Alona -hindi nya napansin na naisatinig na pala nya iyon -sa susunod kailangan nyang mag-ingat kung nasa paligid lang si Brian
You sure -parang hindi ka mapakali dyan -saad pa nito habang abala ito sa pagpipindot sa kanyang laptop -tumango tango naman sya bilang pagsang ayon at ipinagpatuloy ang panonood sa TV
Pwedi bang iadvance ko nalang yung birthday gift ko -napahawak pa si Alona dahil sa gulat -hindi nya napansin na lumapit pala sa kanyang ang binata -dahil tutok sya sa panonood
Ano ka ba -bakit ka ba nanggugulat dyan -piksi nya nito -nang sulyapan nya ito hindi nya mapaigil ang sariling matawa sa itsura nito -alam mo ang cute mo nuh -paano kasi para itong isang maamong tuta sa itsura nya
Alam ko na yun matagal na -ang gusto ko lang malaman eh kung pwedi ko nang iadvance yung gift
Bakit birthday mo na ba?
eh 1 week nalang naman eh -parang bata nitong saad
Oh di matutong maghintay -sabay pingot nito sa kanyang ilong
Ara bago ang kaarawan ni Brian masayang masaya ang binata -oh ba't ang saya mo ata -puna ni Alona dito sa kakaibang sigla nito
You know why -nakangiti nitong saad habang patuloy na nagwawalis -wala itong soot na pang-itaas at pawisan na rin ito
Ako na ang tatapos dyan -pupunta ka pang farm diba -tsaka kailangan mong puntahan si Mang Ramon para daw doon sa leletchonin para bukas
Hindi ka sasama?
Napailing naman ang dalaga -kailangan kong mag report sa school -may mga kailangan daw ayusin bago mag start yung klase -sunod nalang ako doon pag maaga akong matapos
Hatid nalang kita bago ako pumuntang farm -alok ng binata na mahigpit nya namang tinutulan
Naku wag ka na mag abala -marami kayong gagawin sa farm -tsaka kasama ko naman si Belen para tulungan ako doon
Sigurado ka?
Oo naman sige na maligo ka na
Gift ko
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...