C-22

8K 127 8
                                    

Sa loob ng anim na buwan na relasyon bilang magkasintahan nina Alona at Brian -wala silang naging problema -sinunod ni Alona ang advice ni Patricia na maging bukas sa lahat at ang constant communication -ganon din naman si Brian sa kanya -lahat ng galaw nito ay sinasabi nya sa kasintahan -pati ang takbo sa kanilang farm 

Natutuwa din si Alona sa control na meron ang kasintahan -dahil sa loob ng anim na buwan nilang magkasama sa isang kwarto ni minsan wala pang nangyayari sa kanila -dahil nga sa binitawang pangako ng binata na hangat hindi siya nagiging Mrs. Brian Pantaleon hindi nya gagalawin ang dalaga -pero ilang besis na rin na muntikan na silang maka limot -or more na sya ang nawawala sa sarili at nadadala kapag nagiging intimate sila sa loob -pero laging si Brian ang nakakabawi at umaalis sa pagkaka kubabaw sa kanya -at sabay silang mapapangiti nalang

Wala nang mahihiling pa si Alona -pero hindi mawala ang pangaba sa kanyang puso dahil sa mala perfect nilang love story -hindi kasi sya naniniwala na may may perfect -at yun ang kinakatakot nya na baka may kapalit lahat ng saya at tagumpay na tinatamasa nya -oo at na una ang dagok sa kanyang buhay bago ito naging payapa pero di nya maiwasan na mag-isip ng negatibo 

Ipiniling nalang ni Alona ang kanyang ulo para mawala sa kanyang isip ang gumugulo niyon -ang dapat nyang pagtuunan ng pansin ay ang surprisang binabalak nya sa 7th monthsary nila ng kanyang kasintahan -lage nalang kasing ito ang nagbibigay sa kanya ng surprise sa nakalipas na anim na buwan

Nagtataka na si Brian dahil nitong mga nakaraang araw ay parang laging balisa ang kasintahan -lage din itong ginagabi sa pag-uwi -pinagtataka din nya kung bakit ayaw din itong magpasundo sa kanya -pero malaki ang tiwala ni Brian sa kasintahan kaya hinayaan niya ito -total naman lahat sinasabi nito sa kanya -naging busy lang din sya sa farm dahil halos nagkasabay sabay ang anihin nilang mangga at palay

Nabalik ang atensyon ni Brian sa tunog nang humihintong tricycle sa labas ng bahay -mabilis syang lumabas at sinalubong ang kasintahan -tinulungan nya ito sa mga bitbit nitong paper bag -hindi pa ba tapos yang ginagawa nyo sa school at lage ka nang ginagabi sa pag-uwi -tanong nito sa dalaga ng maglakad na sila papasok ng bahay -matapos ni Alona makapagpa salamat sa driver ng sinasakyan -bakit kasi ayaw mong magpasundo nalang sa akin

Mahal ayoko ko lang na mas mapagod ka pa -yung ipaghihintay mo sa akin doon sa school na hindi ako sigurado kung kilan talaga ako matatapos eh ipagpahinga mo nalang -malumanay na saad ni Alona matapos ilapag sa center table ang mga bitbit -samantalang sa mahabang sofa naman nilagay ni Brian ang kanyang bitbit

Kumain ka na ba? -tanong sa kanyang ng binata na agad syang niyapos at binigyan ng isang magaan na hali -iling lang ang naisagot ng dalaga dahil nakalapat pa sa bibig nya ang bibig ng binata -agad naman din syang hinila nito papuntang dinning -matapos sya nitong paupuin ay nagsimula na ang binata na maglagay sa hapag -lage ka nalang nagpapalipas ng pagkain mo ayan oh namapayat ka na -sabay pisil nito sa kanyang bewang na nagpaigtad sa dalaga

Hindi naman ah -yung timbang ko ganon pa din naman -tsaka nag meryenda naman din ako -nakalabi nitong saad -ikaw nga dyan bakit hindi ka pa kaya kumain -bakit hinintay pa ako -patuloy nitong saad

Kasi nga po hindi masarap ang pagkain kung hindi ka kasalo -nakangiti nitong saad -piningot pa ang ilong nya -bago ito umupo sa kanyang pwesto -tahimik naman silang kumakain halata sa kanilang dawala ang gutom at pagod -nang matapos nagtulong na rin sila sa paglilinis ng kanilang pinagkainan

Naunang umakyat si Brian sa kanya at nauna na rin itong maligo -pagpasok ni Alona nakahiga na ang kasintahan naawa naman sya dito dahil halata talaga ang pagod nito -kaya nagmadali na din syang naligo para mamasahe ang katipan

Nailimpungatan si Brian ng parang may malaming na bagay ang lumapat sa kanyang likuran -nakataob kasi sya sa paghiga -nakunsensya sya at tinulugan una ang kasintahan -sshhh matulog ka nalang dyan imamasahe lang kita para mahimbing yang tulog mo

Madilim na Kahapon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon