Isang lingo na simula manirahan si Alona kasama si Brian sa Bulacan -masasabi naman nyang masaya sya at komportable -ang hindi lang sya komportable ay sa mga nakaw na tingin ni Brian sa kanya -what? -tanong ng binata sa kanya nang sumimangot ang dalaga -nasa hapag kainan sila at kasalukuyang naghahapunan
Stop staring me like that -nakaka-ilang eh
Eh kung ayaw ko may magagawa ka?
Brian naman eh -nakaka inis ka -napapadyak pa ang dalaga at pulang pula na ang kanyang mukha
Fine titigil na -come on lets continue eating -at sumubo na nga ito
Habang naglilinis si Alona sa pinagkainan nila si Brian naman nagpahangin sa labas -hindi naman mainit sa loob pero mas sariwa ang hangin sa labas at amoy na amoy nya ang kakaibang aroma na mula sa halimuyak ng mga samot' saring mga dahon at halaman -simula palang bata sya gusto nya na talagang mamuhay sa mga ganitong klaseng lugar -kaya noong nasa US sila bagot na bagot ang binata dahil sa ciudad sila nakatira -ang New York ang pinaka busy na lugar sa buong mundo na yata
Bakit nandyan ka -napukaw ang pagmuni muni ni Brian ng marinig ang tanong ni Alona
Nagpahangin lang -halika dito -sabay tapik nya sa space sa kinauupoang lantay na si Brian pa mismo ang gumawa at nilagay nya ito sa ilalim ng puno ng makupa -hindi ka pa inaantok? -tanong nya sa dalaga ng makaupo ito sa tabi nya pero may distansya ang pagitan nila
Tumingala si Alona sa kalangitan at nakita nya ang liwanag ng buwan -hindi pa busog pa ako eh -maya mayay saad nya -ngunit nanatiling nakatoon ang paningin sa kalangitan
Anong iniisip mo?
Dahan dahang binaba ni Alona ang kanyang paningin sa gawi ni Brian -Bry okey lang ba talaga sayo na nandito ako
Alona kung may tao man akong gustong makasama dito -ikaw yun at alam nang diyos kung gaano ko kagusto na makasama ka
Brian
Alona hayaan mo lang ako -masaya na ako sa ganito -alam kong hindi mo pa kaya -at pinapangako ko tutulungan kitang makalimot -kasi mahal kita -mahal na mahal -sabay kuha ni Brian sa kamay ni Alona at dinala ito sa kanyang dibdib -nararamdaman mo ba ang tibok ng puso ko -marahan namang tumango si Alona -tumitibok yan para sa'yo
Pinigil ni Alona ang mapangiti dahil nakokornihan sya sa binata pero deep inside her kinikilig sya -pero hindi pala iyon naka ligtas sa paningin ni Brian -anong nakakatuwa why are you smiling -nakasimangot nitong tanong
Kasi ikaw e -di ko alam may tinatago ka palang kakornihan
Hindi mo kasi inalam -malungkot na saad ni Brian pero hindi pa rin binitawan ang kamay ng dalaga
Brian paano kung matagalan bago ako maka bangon ulit?
Kaya kung maghintay kahit gaano katagal Alona -ngayon pa ba ako susuko na abot kamay nalang kita
Pero Brian paano kung malaman ng mga taong nakakakilala sayo na pinagpasa-pasa
Sssshhh-putol ni Brian sa sasabihin sana ni Alona -Alona kahit ilang lalaki pa ang dumaan sa'yo maghihintay pa rin ako -maghihintay parin ako at aasa na sana ako ang huli -na ako ang makakasama mo hangang sa dulo
Brian bakit ako?
Kasi ikaw ang sinisigaw nito -ikaw ang ginusto nito
Kilan pa? -halos bulong nalang ang tanong ni Alona na yun
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
No FicciónLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...