C-39

8K 122 2
                                    

Tay -agad na sigaw ni Alona sa ama -bakit hindi naman po kayo tumawag na darating pala kayo para nasundo sana namin kayo -saad nya sabay yakap sa ama na malapad ang ngiti nang makita ang anak -buti naman po at hindi kayo nahirapan hanapin ang lugar namin -patuloy na saad ni Alona sa ama -habang yapos nito ang bisig ng ama papasok sa kanilang bahay

Gusto ko kasing isurpresa kayo mga anak -sa awa naman ng diyos madali lang hanapin ang lugar nyo -kilala pala dito ang farm ninyo eh -pahayag ng bagong dating -teka saan ba kayo galing na dalawa? -tanong ni Arthur habang kinuha naman ni Brian ang dalang gamit ng ama ng asawa

Sa doctor po tay nahilo kasi si Alona kanina pag gising natakot ako kaya isunugod ko sa hospital -kwento naman ni Brian habang binubuksan ang bahay

Kumusta naman ang pakiramdam mo anak? -baling nitong tanong sa anak na nakakapit sa kanyang braso

Okey naman po ako tay nag panic lang po si Brian kaya ayun -sumbong naman nya sa ama na nakalabi pa

Anak hindi mo naman masisi ang asawa mo -unang besis ka magbuntis at hindi nyo pareho alam ang pwedi mong pagdaanan pa -kaya tama lang na dalhin ka ng asawa mo sa doctor kaagad para maka siguro na ayos kayong dalawa ng apo ko -teka wala ba kayong ibang kasama dito?

Nandito po tay ang mama at pamangkin ko -nasa farm sila ngayon tsaka malapit lang naman po ang mga kapitbahay dito -mababait po lahat ang mga iyan tay

Dahil mababait din kayong dalawa -balita ko pa nga dahil sa farm ninyo eh marami ang guminhawa ang buhay dito sa lugar ninyo -ngumiti lang ang mag-asawa sa tinuran ni Arthur

Tay bakit ka nga pala napasugod dito sa amin -okey ka na ba talaga? -balik tanong ni Alona sa ama

Anak okey na ang tatay -itinaas pa nito ang dalawang braso sabay pakita sa muscle nito na ikinatawa ni Brian sabay high five ng dalawa 

Tatay naman eh -naka ingos na saad ni Alona -seryoso kasi -hindi biro yung aksidente mo ha

Anak okey na nga si tatay -malakas pa sa kalabaw -yinakap nya ang anak at hinalikan ito sa ulo -sana noon pa kita nahanap -ang sarap lang kasi sa pakiramdam na inaalala ka ng nag-iisa mong anak -sumisinghot na saad ni Arthur -tiningala naman sya ni Alona at agad na pinunasan ang mga luha sa mata -kaya nga pala narito ang tatay dahil gusto ko sanang malaman kung may balak ba kayong magpakasal sa simbahan -gusto ko sana kasi anak na maihatid ka sa altar -mahinang dugtong nito

Tay baka pagka panganak ko nalang namin pag-usapan ni Brian ang tungkol sa kasal -total po kasal na naman kami sa huwes

Pero anak iba pa rin iyong may bas-bas kayo sa simbahan -alam kong malakas ang pananampalataya nyo sa taas -pero gusto lang kasi ni tatay na maipag mayabang ang kanyang prinsesa 

Hayaan nyo tay -agaw ni Brian sa usapan ng dalawa -maihahatid mo ang iyong prinsesa sa altar kung saan naghihintay ang kanyang napaka gwapong prinsepe -diba mahal -sabay kindat nito sa asawa

At dahil hapon na naman hindi na tumuloy ang tatlo sa farm bagkos tinawagan nalang ni Brian ang ina na magpahatid na kay Patrick dahil naroon ang kanyang balae -ilang saglit pay may humintong sasakyan sa labas ng kanilang bahay -agad naman sinalubong ni Brian ang ina at kinuha mula rito ang pamangking natutulog

Anak kumusta ang pakiramdam mo -agad na saad ni Almira ng makapasok sa kabahayan -hinawakan nito ang dalawang kamay ni Alona at mataman itong tiningnan

Okey na po ako ma nahilo lang ako -ma ito pala ang tatay ko si Arthur -tay si mama Almira po mama ni Brian -pakilala nya sa dalawa

Ikinagagalak kitang makilala kumadre -saad ni Arthur sabay abot ng kanyang kamay sa ginang na agad naman nitong tinanggap

Madilim na Kahapon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon