Parang natulos na kandila si Alona sa kanyang kinatatayu-an na para bang isa syang kandila na unti-unting nalulusaw -akala ko ok na -naisaloob ni Alona at mabagal na naglakad palapit sa kabahayan
Alona kumusta ka na? - mabining tanong ni Edmond sa dalaga
Ok naman po ako sir -nakayukong sagot naman nito
By the way may mga pasalubong pala ako para sa inyo nandun sa kwarto ko kuhanin nyo nalang ok -nakangiting turan pa ni Edmond -si Bryan pala nasaan?
Naku kuya nasa farm 2 weeks na ngang hindi umuuwi ang batang yun -pero tinawagan ko na sabi nya baka mamayang hapon pa sya uuwi
Nagmana yata kay daddy yung isang yun Almira ah
Sinabi mo pa kuya
Excuse me lang po -paalam ni Alona sa kanila at diri-diritso na itong pumunta sa kwartong inuukupa nya simula manirahan sya sa mansyon
Matapos mananghalian nagpaalam na si Mhyco sa kanyang ina at uncle pati na rin kay Alona -na matamlay -na pati si Manang Linda ay napapansin iyon
Iha ok ka lang ba? -masama ba ang pakiramdam mo?
Hindi naman po Manang -siguro napagod lang ako sa byahe hindi kasi ako naka-idlip baka makatulog din si Mhyco habang nagmamaneho
Sa bagay iha -sige lang magpahinga ka lang muna wala naman yatang iuutos pa ang mga amo -ipatawag nalang kita kung meron man
Hindi pa man naka idlip si Alona nang may kumatok sa kanyang kwarto -at napagbuksan nya nga si Manang Linda -iha pasensya na pero pinapaakyat ka ni sir Edmond sa kwarto mo -ipapakuha yata yung pasalubong nya -sa amin kasi naibigay nya na kaninang umaga
Gusto manlumo ni Alona pero hindi naman nya pweding sabihin sa kasama na ayaw nyang umakyat sa kwarto ng amo -abot abot ang kaba ni Alona habang mabagal na umaakyat sa ikalawang palapag -upang tunguhin ang kwarto ang amo -mahinang katok ang ginawa ni Alona -hindi naman naglaon narinig nya ang sigaw mula sa loob -bukas yan pasok -dahan dahang binuksan ni Alona ang pinto -oh Alona ikaw pala yan -ito yung para sa'yo -sabay turo nya sa ilang perasong paper bag na nakapatong sa kanyang kama
Maraming salamat sir -sana hindi na po kayo nag abala pa -ang dami po kasi nito eh -nahihiyang pahayag nito
Lumapit ka nga sa akin -ang ganda ganda mo na -maupo ka dito -tapik nya sa espasyo sa kanyang kama
Dito nalang po ako sir -nahihiyang saad naman ni Alona
Natatakot ka ba sa akin Alona?
Hindi naman po sir -pagkakaila nya pero sa totoo lang nangangatog na yung mga kalamnan nya -at dahil hindi nga sya gumalaw sa kanyang kinatatayuan si Edmond na lumapit sa kanya -napapikit nalang ng mariin si Alona nang umpisahang himasin ni Edmond ang balikat nito pababa sa kanyang mga braso at pabalik
Mas lalo ka talagang gumanda sa pagdaan ng mga taon Alona -malamyos na saad ni Edmond habang inaamoy nito ang mahaba nyang buhok -sabihin mo nga sa akin -may boyfriend ka na ba? -hindi pa rin gumagalaw si Alona -nanatiling nakapikit lang ang kanyang mga mata at naka kuyom ang mga kamay
Naramdaman ni Alona na umalis sa likuran nya sa Edmond nang bitawan nito ang kanyang balikat -kaya huminga sya ng malalim dahil kanina nya pa pinipigil ang kanyang paghinga -pero ganun nalang ang kanyang takot nang bigla itong sumigaw -so ano may boyfriend ka na ba ha? -hindi mawari ni Alona ang klase ng boses ng pagtatanong nito sa kanya -kaya dahan dahan syang tumango -lintek naman Alona di ba sinabi ko sayo na bawal kang mag boyfriend -ano pinapapasok mo ba sya ha -ilang beses nyong ginawa yun -mahina ngunit matigas na tanong ni Edmond -sino yang boyfriend mo -makipag hiwalay kana sa kanya dahil akin ka lang Alona -akin ka lang naiintindihan mo?
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...