Alona mahal pa rin kita -paulit ulit na nag echo ang mga katagang binitawan ni Mhyco sa utak ni Alona na nanlalaki ang mga mata -muling nag salita si Mhyco na nagpabalik sa kanyang naglalakbay na diwa -Alona alam kong may asawa kana at kapatid ko pa pero totoo ang sinasabi ko -mahal pa rin kita -ikaw pa rin pala -sorry kung
Tama na Mhyco ipagsigawan mo man sa buong mundo kung gaano mo ako kamahal -hindi na magbabago pa ang sitwasyon na niloko mo ako -na may asawa na ako at mahal ko ang asawa ko -kalmadong saad ni Alonang pumutol sa sinasabi ng kausap
Kasinungalingan -hindi totoo yan -ako ang mahal mo -hindi mo pweding kalimutan nalang ang pinagsamahan natin ng matagal -alam ko ako ang mas mahal mo -siguro nabulagan ka lang dahil noong mga panahon na malungkot ka si Brian ang nandyan para dumamay sayo -matalik na kaibigan lang ang tingin mo sa kanya simula noon -kaya alam kong hindi katulad ng pagmamahal mo sa akin ang pagmamahal mo sa kanya
Tama ka -galit na rin ang boses ni Alona dahil sa pamimilit ni Mycho -siguro nga magkaiba ang paraan ko sa pagmamahal sa inyong dalawa -dahil ang nararamdaman ko para kay Brian ang panghabang buhay
Hindi Alona -hindi
Mhyco bakit hindi mo nalang ayusin ang buhay mo -mahinahon na ulit ang paliwanag ni Alona sa kausap -ayusin mo ang pamilya mo -hwag mong hayaang lumaki ang anak mo na wasak ang pamilya -ibigay mo sa kanya ang naranasan mong masayang pamilya -hwag mong ipagkait sa anak mo iyon -patuloy na pangaral ni Alona sa kausap
Pero ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko
Mhyco hlu na at hinding-hindi mangyayari yang sinasabi mo dahil si Brian ang magiging ama ng mga anak ko -putol nya sa kahibangan ng kausap
Babawiin kita sa kanya kahit na anong mangyari -pagbabanta pa nito
Wala kang babawiin Mhyco dahil wala kang pag-aari na nasa iba -galit nyang saad -kung hindi ka naniniwalang mahal ko ang asawa ko -wala na akong magagawa dun -ang importante sa akin mahal ko ang asawa ko at mahal nya din ako at ang magiging anak namin -sabay hawak nya sa kanyang mallit na tyan-at alam kong hinding hindi nya kami bibitawan -katulad ng pagbitaw mo noon sa akin -ngayon pa nga lang mahal na mahal nya ang baby namin kahit nasa sinapupunan ko palang sya -patuloy na saad ni Alona na akala mo nagkwento sa isang kaibigan dahil nangingiti ang kanyang mga mata sa kasiyahan
Alona mahal kita -sansalang ni Mhyco sa kanya -mahal na mahal kita -ako nalang ang mahalin mo -gagastusan ko ang pagpapa-annul ng kasal nyo ni Brian para maka pagpakasal tayo -aakuin ang anak nyo -ibibigay ko sa kanya ang lahat -kaya kong ibigay sa inyo ang lahat ng gusto nyo Alona -kaya sumama ka na sa akin please -pagsusumamo nito
Mhyco makinig ka sa akin -hinarap nya ang binata -mahal ko ang asawa ko -mahal na mahal at hinding hindi mangyayari na iiwan ko sya -hindi ko kailangan ang kahit na ano -si Brian lang ang kailangan ko
Kaya ba nagpakasalan ka sa kanya kaagad dahil mahal mo sya? -o dahil lang sa sinaktan kita kaya ginamit mo ang kapatid ko para gantihan ako? -bagsak balikat na tanong ni Mhyco
Umiling -iling si Alona sa kaharap -hindi totoo yang sinasabi mo -at hinding-hindi ko magagawa kay Brian na gawin sa kanya ang sinasabi mo -napaka buting tao ng kapatid mo kaya hindi mahirap na ibigay ko sa kanya ang buong pagmamahal ko -dahil kahit na sinuman sya lang ang may karapatan na magmamay-ari ng puso ko at buong pagkatao ko -alam mo kung bakit? -dahil sya ang bumuo sa akin
Mahal mo talaga sya -mahinang tanong ni Mhyco
Sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi ni Alona na humarap kay Mhyco -alam kong sandali pa lang ang naging relasyon namin pero sa mga panahong kasama ko sya ni minsan Mhyc hindi nya ako ginalaw hangang sa gabi ng kasal namin -ang laki ng respeto nya sa pagka babae ko -sa pagkatao ko -kahit na gaano ako ka duming babae ni minsan hindi pinaramdam sa akin ni Brian na nandidiri sya sa akin -mahal na mahal ako noon -kaya wala akong rason para hindi sya mahalin ng higit pa sa buhay ko
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...