C-36

7.1K 127 4
                                    

Tinahangli na nang gising si Alona ng sumunod na araw dahil sa tindi ng pagod -hindi lang sa paulit ulit nilang pagniniig ng asawa kundi sa pamamalage nila ng dalawang araw sa hospital at higit sa lahat ang mga ikinwento ng ama tungkol sa nakaraan nila ng kanyang ina -pagbangon nya agad na syang pumunta ng banyo para makaligo bago bumaba -nahihiya sya sa mga kasama dahil sya pa man din ang nagsabi kay Manang Lucing na susunduin nila ito ngayong umaga

Nang makita sya ni Brian agad sya nitong nilapitan at niyapos saka binigyan ng isang malutong na halik sa labi -how was your sleep? -tanong nito kapag kuwan

Bakit hindi mo ako ginising? -nakasama ka ba kay tatay sa pagsundo? -nakalabing tanong niya sa asawa

Yes mahal kami ni tatay ang nagsundo kay Manong Cardo -ako nga nag drive eh -patuloy na saad nito na ikinagulat naman ni Alona -kasi hindi naman alam ng asawa ang lugar -tatay guided me naman -paliwanag nya ng mahimigan ang pagdududa ng asawa -inakay na sya ni Brian papuntang kusina para sa kanyang late breakfast

Anak pasensya na at hindi ka na namin nahintay sa almusal -sabi kasi nitong asawa mo hindi ka nakatulog kaagad  -nahihiyang humingi naman sya ng paumanhin sa ama at sa mga kasama -hindi naman din sya iniwan ni Brian sa kusina -sinamahan sya nito hangang sa matapos

Pagkalipas ng isang linggo sa Cebu kinailangan na nang mag-asawa na bumalik sa Bulacan -kaya nagpumilit ang ama ni Alona na ipasyal sila sa buong syudad ng cebu kaso si Alona na ang humindi dahil kagagaling lang ng ama sa hospital at ayaw nya itong mabinat -tay marami pa namang pagkakataon para ipasyal mo kami eh -babalik naman kami ni Brian dito -kailangan lang kasi namin umuwi muna tay kasi may check up ako sa susunod na araw -paliwang ni Alona sa ama 

Tsaka tay kapag wala ka namang ginagawa dito punta ka sa amin -alok naman ni Brian sa byanan -na agad naman sinang-ayunan ni Arthur

Pagkatapos mananghalian agad na gumayak ang mag-asawa para tumungo sa Mactan Airport -isang van ang naghatid sa kanila dahil suamam sa kanyang ama ang mag-anak ni Manong Cardo pati ang pamilya ni Atty. Lagdameo -nangako pa ang abogado na pagnagawi sya sa Manila ay bibisita sya uli sa Bulacan

Pagadating ng Manila nagpalipas ng gabi ang mag-awa sa condo ni Brian sa Manila -kinabukasan na nang umuwi silang Bulacan -agad namang dumulong si Belen nang maiparada ni Brian ang sasakyan dahil may mga inuwi silang pasalubong para sa mga tauhan at kasamahan ni Alona sa school

Ate -Kuya may bisita po kayo -nandyan mo si mam Almira -imporma sa kanila ni Belen -kaya nauna si Alona sa asawa para batiin ang byanan -pero ganon nalang ang kanyang pagka estatuwa nang may makita pang ibang tao maliban kay Almira

Oh mahal bakit hindi ka pa pumasok -walang alam na tanong ni Brian kaya sinundan nya ang tinitingnan ng asawa -ganon nalang din ang pagkabigla nya at nag galawan ang kanyang mga pangga -ma what anong ginagawa nyo dito? -matigas na saad ni Brian ng makahuma sya sa bigla -alam kung sinabi naming welcome ka anytime dito -pero anong ginagawa ni Mhyco dito? -wala pa ring emosyon na saad nito sa ina

Hinatid ko lang si mama kasi kasama nya ang anak ko -paliwanag naman ni Mhyco sa kapatid

Bakit hindi ka pa umalis nahatid mo na sila 

Brian I need to talk to Alona

Para saan? -galit na tanong ni Brian sa kapatid

Brian anak I think kailangan nila mag-usap -putol ng kanilang ina sa palitan nila ng salita at titigan na matatalim

Hindi pagod ang asawa ko at kailangan nyang magpahinga -pinakadidiinan nya talaga ang salitang asawa para ipaalam sa kapatid ang relasyon nila -agad nyang niyakag ang asawa na hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan nito 

Nang makapasok sa kanilang kwarto agad nya itong pinaupo sa ibabaw ng kama -are you okey? -gusto mo sa farm muna tayo tutuloy? -patuloy na tanong nya sa asawa

Bakit sya nandito? -mahinang tanong ni Alona sa asawa 

Hindi ko alam mahal -ang sabi nya gusto ka nyang maka-usap -ayoko -hindi ako papayag na mag-usap kayo -natatakot ako mahal baka totohanin nyang bawiin ka -hindi ko yun kaya -namumula ang mata ng lalaki habang naka luhod sa harap ng asawa

Hinawakan ni Alona ang magkabilang pisngi ni Brian at kinantilan ng halik ang labi nito -hindi mangyayaring makipagbalikan ako sa kanya Brian -mahal kita at mahal ko ang anak natin ikaw ang asawa ko at ikaw ang ama ng anak ko kaya walang rason para si Mhyco ang piliin ko kung sakaling totoo man na bawiin nya ako sa iyo -dahil una palang hindi na ako sa kanya kaya wala syang babawiin sayo -madamadamin nyang pahayag sa asawa -agad naman syang niyakap nito ng mahigpit

Salamat mahal -umangat ang ulo nito para tingnan ang asawa -maya-maya ay umayos sya ng upo katabi nito -gusto mo bang makipag-usap sa kanya? -ilang saglit pay kinakabahang tanong niya sa asawa

Sa totoo lang hindi ko alam -ano naman ang pag-usapan namin -tapos na ang lahat sa amin -pero kung hindi ko rin sya kausapin baka magtagal pa sya dito -hindi naman sa ipinagdamot ko sa kanya ang manatili dito -awkward lang kasi sa parti ko dahil magkapatid kayo at may nakaraan ako sa kanya 

Pinisil ni Brian ang kamay ng asawa -ikaw ang bahala kung ano ang gusto mo -may tiwala ako sayo -at hawak ko ang pagmamahalan natin -kaya kampante ako kung mag-uusap kayo ng kapatid ko -nakangiti na nitong saad

Matapos mag-usap nag desisyon na ang mag-asawa na bumaba -naabotan nila ang ina na nilalaro ang apo nito -kaya agad namang lumapit sila dito -kinuha ni Brian ang pamangkin at kinandong ito -pinaghahalikan nya ito na tuwang-tuwa naman ang bata dahil malamang nakikiliti ito sa tumutubong balbas nya -mahal baka magka allergy si baby dyan sa balbas mo o kaya magka rushes yan mag-ahit ka kaya muna -awat ni Alona sa asawa -kaya siya naman ang hinapit ni Brian at pinopog ng halik ang kanyang leeg dahilan para mapatawa sya ng makalas at iyon ang naabutang eskina ni Mhyco

Ehem -pag pike nya ng ubo para makuha ang atensyon ng mga naroon sa sala -napalingon naman naman sila sa pinang galingan ng boses -nakakainggit naman -nakangiting saad ni Mhyco sabay kuha sa anak at sya ang kumandong nito -natahimik sila nang ilang minuto bago pinutol ni Almira ang nakaka ilang na katahimikan

Mga anak meron pala kaming niluto na bilo-bilo nila Maring Berta at Belen ihahanda ko lang para maka pag meryenda na tayo -nang maiwan sila ng ginang muling namutawi ang katahimikan bago nag salita si Mhyco

Brian pwedi ko bang maka-usap si Alona -mahinang saad ni Mhyco sa kapatid -tumingin naman sila ng sabay kay Alona na halatang nagulat din -kahit na alam naman nila na hihilingin ito ni Mhyco

Pakiramdam ni Alona para syang kakapusin ng hininga nang muling marinig ang boses ng dating kasintahin -isang tipid na ngiti ang binigay ni Brian sa kanya sabay pisil sa kanyang palad -bago ito tumango

Anong pag-uusapan natin -matapang na sinalubong ni Alona ang tingin sa kanya ni Mhyco

Pwedi ba tayo doon sa garden nyo

Bakit hindi nalang dito -total naman nandito ang asawa ko -pinagdidiinan din nya na may asawa syang kasama nila

Sige na mahal sa garden na kayo mag-usap -tugon ni Brian -wala nang nagawa si Alona kung tumayo at naunang lumabas ng bahay -inabot naman ni Mhyco ang anak sa kapatid -please don't stress her -she'd been into a lot -hwag muna na sanang dagdagan dahil hindi pa lubos na nakakabangon -paalala nya sa kapatid -tipid naman itong tumango at sinundan si Alona na nakaupo na sa ilalim ng makupa -ang paboritong tambayan ng mag-asawa lalo tuwing maliwanag ang buwan

Ilang saglit nang naka-upo si Mhyco pero hindi pa rin ito nagsalita kaya si Alona na ang bumasag sa katahimikan nila -anong pag-uusapan natin?

Alona mahal pa rin kita -diritsong saad ni Mhyco....


A/N:- alam kung bitin at maiksi lang ito pero sinandya ko talaga kasi wala na akong oras mag type pa kaya kahit maiksi at bitin sya pinost ko pa rin kasi ilang araw na rin akong di nakapag update bawi nalang ako sa next chapter

Madilim na Kahapon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon