Hindi ko alam kung ito na ang tamang pagkakataon para sabihin kina Brian at Mhyco ang totoo kong pagkatao -Alona naghihinatay ako -pukaw ni Brian sa pag-iisip ko
Kung lalayuan mo ako pagkatapos nito hindi kita masisi -umiling lang sya at hinawakan ang kamay ko -nung napunta ako sa poder ni sir Edmond akala ko gaganda na ang buhay ko kasi pinag-aral nya ako -dinamitan at pinakain -pero doon pala magsisimula ang kalbaryo ng buhay ko -sa murag edad ko Brian katawan ko na ang pinambayad sa lahat ng perang kunuha ng nanay ko sa tito mo -sabihan mo na akong malandi pero tinanggap ko yun -ano nga ba ang laban ko diba? -sino nga bang maniniwala sa akin kung magsusumbong ako sa mga pulis kung sasabihin kong ginahasa ako samantalang wala namang makikitang pinwersa ako -hindi lang isang bisis Bray may nangyari sa amin ni sir Edmond -nung umalis sya sobrang natuwa ako dahil matitigil na ang impyerno sa buhay ko -pero nagkakamali ako -dahil ang nanay ko hindi tumitigil -ilang bisis nya akong bininta sa ibat-ibang tao -nagpapasalamat lang ako at nakakatakas ako pero hangang kailan -kinuha ako ni nanay noong isang araw sa mansion sabi nya pupunta kaming Mindoro pero sa barko palang bininta na nya ako -nakakulong na sya ngayon dahil nahulihan syang gumamit ng droga
Tahimik lang si Brian na nakikinig sa akin mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko -Brian mahal ko ang kapatid mo pero hindi ko alam kung matatanggap nya ako kapag nalaman nya ang nakaraan ko -nung may nangyari sa amin wala syang sinabi kahit na alam nyang hindi na ako buo bagkos sinabi nyang mahal nya ako -pero bakit ganun sa twing kailangan ko sya wala sya at lagi syang busy
Kung sinabi sayo ni Mhyco na mahal ka nya at nararamdaman mo naman maniwala ka nalang pero lon hwag mong ibuhos lahat para sa kapatid ko magtira ka ng para sa sarili mo -nagulat ako sa sinabi ni Brian alam ko may gusto syang sabihin pero ayokong alamin dahil sa puso ko mahal ko si Mhyco -Alona kaibigan mo ako kahit na anong gusto mong sabihin oh kahit na anong tulong sabihin mo lang sa akin hindi kita tatalikuran -yun lang ang sinabi nya at mahigpit nya akong niyakap -pagkatapos ng tagpong iyon dinala ako ni Brian sa condo nilang magkapatid -hindi rin kami nagtagal doon dahil pinasyal nya ako -pansamantala nakalimutan ko ang mga problema ko -nag enjoy ako sa lakad namin dahil sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan na maging masaya -sa piling lang ni Brian sa taong hindi ko inaasahan na syang makikinig at magiging shoulder to cry on ko -dahil ang boyfriend ko hindi ko mahagilap
Gabi na ng makauwi kami ni Brian sa condo nila at hangang ngayon hindi pa rin umuuwi si Mhyco pati mga tawag namin hindi nya sinasagot -nag-aaala na ako baka may masamang nangyayari sa kanya -sabi naman ni Brian hwag ko na daw intindihin yun lage naman ganun si Mhyco pag-umaalis ng weekend lunes na ang balik -bago magtanghali hinatid na ako ni Brian sa terminal pabalik ng probensya -hindi naman nagtanong si mam Almira sa lakad ko
Lumipas ang mga panahon naging madalang na ang pag-uwi ni Mhyco sa probensya laging si Brian nalang ang umuuwi -ang lage nyang rason busy na daw dahil graduating na sila -ako naman patuloy na nabubuhay -walang sir Edmond walang Mhyco walang nanay na nanggugulo -si Brian lagi nya akong pinapasaya pati si mam Almira tinutukso nya kami -pero hindi pwedi dahil si Mhyco ang mahal ko -ngayon nga masaya kaming nagkukwentuhan ng biglang dumating si Mhyco
Oh anak akala ko hindi ka uuwi kaya umuwing mag-isa itong kapatid mo
May tinapos lang ako ma -sagot naman nito tsaka hinalikan ang ina -si Brian naman biglang nag iba ang templa sumama daw ang pakiramdam at kailangan nyang magpahinga -si mam Almira naman nagpaalam na ipaghanda ng meryenda ang anak -naiwan kaming dalawa ni Mhyco sa terrace -nang wala ng tao agad nya akong hinalikan -agad ko naman syang sinaway dahil baka bumalik na ang mama nya
Pagkatapos namin maghapunan nagyaya si Mhyco na maglalaro kami pero tumanggi si Brian masama daw talaga ang pakiramdam kaya kami nalang ni Mhyco parang dati nung mga bata pa kami lage nman si Brian hindi sumasali sa amin -hangang sa hindi na namin namalayan ang oras mag-e11pm na pala -Mhyc tama na muna tong laro natin gabi na inaantok na ako
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...