Nagising si Brian na wala nang katabi -nang tingnan nya ang oras alas nwebe ng nang umaga -what? -gulat nyang sambit sa sarili -paano ako nakatulog ng ganon -hindi sya makapaniwala na inabot sya ng ganong oras -at ang ipinagtataka nya hindi man lang sya ginising ng kasintahan -gayong sya naman ang naghahatid dito sa eskwelahang pinagtuturuan
Mabilis syang kumilos -pagbaba nya nakita nyang may nakahandang pagkain sa mesa -pero wala syang panahon para kumain kailangan nyang makausap ang kasintahan -baka kung ano na ang iniisip nito kahapon na hindi nya nasagot ang mga tawag at text nito -mas lalong ang hindi nya pagsundo dito -at naabotan pang may babaeng bisita na kung tutuusin ay siya naman ang sadya
Mabilis ang naging pagpapatakbo ni Brian sa sasakyan papuntang school -pero ganon nalang ang kanyang panlulumo ng may faculty meeting ang mga ito -at walang makapagsabi kung anong oras ito matatapos -papasok na ulit sana sya sa kanyang kotse nang may biglang kumapit sa kanyang braso -Bea? -gulat nyang saad sa kaharap
Oh bakit para kang nakakita ng multo -pumunta ako sa bahay nyo pero wala namang tao - akala ko nasa farm ka -kaya dito nalang ako dumiritso para makausap si Alona -ang dami ko kasing ikukuwento sa kanya eh -kagabi sana kaso mukhang pagod
Oo pag-akyat ko nga tulog na eh
Ganon ba -para tuloy ayoko na lang itutuloy ang plano kong mag take ulit ng exam -ayokong maging ganon ka haggard
Hindi namalayan ni Brian na ganon na pala sila katagal nag uusap ni Bea -kung hindi pa nag-aya ang dalaga na kumain sila at kung hindi nag alburuto ang kanyang sikmura hindi nya mapansin ang oras -nilingon nya ang loob ng school at ganon pa din katahimik ang paligid -maliban dun sa mangilan-ngilang mga kabataan na naglalaro sa labas
Hindi sya mapakali kaya binilisan nya ang pagkain dahil gusto nyang bumalik sa paaralan -ngunit bago pa man sya matapos tumunog na ang kanyang celphone -agad naman syang nagpasintabi sa kasama -nang bumalik nagmamali syang nagpaalam dito
But you're not done eating yet -sagot ng dalaga
Ok na ako may emergency lang sa farm -hindi na hinintay ni Brian na makasagot ang dalaga -nagmadali na itong umalis -ngunit ganon nalang ang gulat nya nag bumukas din ang kabilang pintuan ng kanyang sasakyan -what are you doing? -nakakunot noong tanong nya dito
Sasamahan kita baka kung anong emergency yan -I want to help
No Bea hindi na kailangan -kaya ko na to -hindi naman nagpumilit pa ang dalaga dahil parang natakot din sya sa talim ng titig ni Brian -pagdating sa farm agad nyang inusisa kung anong nangyari
Yung kuprahan Brian bigla nalang nagliyab -sagot ni Mang Isko
Wala bang nasaktan?
Wala naman -tapos na kasing ilagay sa truck yung mga kopra -baka hindi lang napatay ng tuluyan yung apoy -kaya lumuyab -ang kaso natupok talaga yung kuprahan -pasensya na po
Mang Isko ano ka ba -bakit ka ba humihingi ng pasensya -aksidente ang nangyari -walang may gusto -itatayo nalang ulit natin yung kuprahan
Sige kami nang bahala nila Ramon -tumango naman ang binata sa matanda
Mang Isko kailangan kong umalis pupuntahan ko pa si Alona sa school nya -pagkabangit nya sa pangalan ng dalaga tumunog naman ang kanyang celphone -kaya agad nya itong kinuha sa likod ng kanyang pantalon -nagpaalam muna sya kay Mang Isko bago naglakad papunta sa kanyang sasakyan
Mahal tapos na ba ang meeting nyo -agad nyang bungad pagkasagot nito
Paano mo nalaman -parang gulat pa na tanong ni Alona
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...