Halos hindi na maramdaman ni Brian ang takbo ng kanyang sasakyan sa sobrang bilis -ilang bisis nya nang tinawagan si Alona pero walang sumasagot -kinakabahan sya sa kung anong maaring mangyari dito at kung nasaan na ito ngayon -walang saktong direksyon ang kanyang tinatahak basta lang sya nag drive -panay pa rin ang kanyang usal ng dasal na sana ligtas ito at sana hindi ito gumawa ng hindi maganda
Simula ang komprontasyon nila ng kanyang ina at tiyuhin mabilis na itong umalis ng mansion para hanapin si Alona -malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang ginawa nyang pagsuntok sa uncle Edmond nya -pagkarinig nya sa sinabi ng kanyang ina na naabutan nya ito kasama si Alona sa isang tagpo sa loob mismo ng kwarto nito -lakad takbo ang ginawa nyang pag-akyat sa hagdan upang sugurin ang kanyang tiyuhin at binigyan ng magkasunod na suntok
Kung hindi pa sya napigil nang kanyang ina baka mapatay nya ang tiyuhin -simula maikwento ni Alona ang pambababoy ng uncle Edmond nya sa dalaga simula bata pa ito -nawala na parang bula ang respito nya dito na kahit katiting ay walang natira -kaya ginusto nyang mamalagi sa rancho dahil hindi nya maatim na tumira sa isang magarang bahay -pero may demonyo naman palang nakatira
Brian ano bang nangyayari at sinuntok mo ang uncle Edmond mo ha? -bulyaw sa kanya ng kanyang ina habang hinihila ito palayo sa kapatid -ginawa mo ba to dahil doon sa babaing haliparot na yun ha?
Hindi haliparot si Alona Ma -bakit hindi mo tanungin ang magaling mong kapatid kung paano nya binaboy si Alona simula palang -shocked naman ang namutawi sa buong mukha ni Almira sa narinig
What do you mean son? -mahina nitong saad at unti unting napa-upo sa kama -habang ang kapatid ay walang imik na akala mo isang batang paslit na nahuli na gumawa ng kasalanan
Sya ang tanungin mo ma -bulyaw ni Brian dahil kahit anong pigil nya sa kanyang sarili nangingibabaw pa rin ang kanyang galit
Kuya totoo ba? -mahinang saad ni Almira -nang walang makuhang sagot mula sa kapatid -nag unahan nalang ang kanyang mga luha sa pagpagsak mula sa kanyang mga mata -paano mo nagawa yun kuya -ang buong akala ko nagmamalasakit ka dun sa bata -yun pala ikaw ang sumira sa kanya -kaya ba pinagbawal mo syang makipag relasyon ha -panunumbat ni Almira kay Edmond
Gusto ko si Alona -mahinang sagot ni Edmond
Gusto mo sya -gusto mo si Alona na kung tutuosin pupwedi nang maging anak mo -ang sama mo kuya -ang baboy mo -paano mo nasikmura ang kahayopan mo na iyon -wala kang awa
Papakasalan ko si Alona -muling saad ni Edmond
Baliw kana kuya -nafu-frustrate na saad ni Almira -dahil parang wala na sa tamang pag-iisip ang kapatid -papano mo magagawa yun kung may asawa ka sabi mo masaya ka na nagka-ayos na kayo ng asawa mo -sabi mo kaya mong talikuran lahat dito sa pinas makasama mo lang ang asawa mo -at ito ka nagbabakasyon pero nanira ka pa ng buhay -ang hayok mo -matapos masumbatan ni Amira ang kapatid marahas nyang nilisan ang kwarto nito
Mabilis ding sumunod si Brian pagkatapos bigyan ulit na isang suntok ang tiyuhin at mabilis na pinasibad ang sasakyan palayo sa mansion -habang nang dadrive naaalala ni Brian kung paano nya kinaya ang sakit na nararamdan noong malaman nyang may relasyon ang dalaga sa kapatid -nadurog ang kanyang puso dahil noon paman may nararamdaman na sya para dito -at dahil hindi nya masabi ang totoong nararamdaman kaya sa pang-aasar nya dinadaan lahat nang pagpapansin dito -gusto nyang agawin si Alona noon mula sa kapatid na si Mhyco pero noong nakita nya kung gaano kasaya ang dalaga hinayaan na lamang nya ito
Hindi namalayan ni Brian na binabaybay na pala nya ang daan papuntang Manila ng biglang tumunog ang kanyang celphone kaya itinabi nya muna ang kanyang sasakyan sa pag-aakalang si Alona ang nag return call -pero unregistered ang number pero sinagot nya pa rin ito
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...