Lutang ang isip ni Alona habang lulan ng bus papuntang Maynila -hindi nya alam kung nasabi na ni Almira ang nakita nya kay Mhyco -hindi rin nya alam kung papakinggan pa niya ang kanyang paliwanag -pero gusto lang talaga niyang makita at maka-usap si Mhyco -kung ano man ang kalalabasan nito tatanggapin nya ng buo -yan ang tinatak ni Alona sa kanyang isip
Makalipas ang mahigit pitong oras na byahe binabaybay na rin ang kahabaan ng Edsa papuntang Makiti sa condo ni Mhyco -akyat baba ang kamay ng dalaga -nagdadalawang isip kung itutuloy pa ang pag do-doorbell -pero sa huli nilakasan nalang nito ang kanyang loob at buong tapang na pinindot ang door bell
Hindi naman din nagtagal at bumukas iyon -Alona anong ginagawa mo dito -manghang tanong ni Mhyco
Mhyc -alanganin nyang banggit sa pangalan ng binata -tinatanya kung meron na ba itong alam -hindi ba tumawag sayo ang Mama mo? -kinakabahan nitong tanong
HIndi naman bakit?
Pwedi ba akong tumuloy -mahina pa rin nyang saad dahil ilang minuto na itong nakatayo sa labas ng kanyang condo at mukhang wala syang balak na patuluyin nito
Alona ----kasi
Honey sino yan -boses nang isang babae ang biglang sumulpot sa likuran ni Mhyco ang pumutol sa kanya sanang sasabihin
Parang binuhusan ng malamig na tubig sa Alona sa kanyang kinatatayuan -kaya pala ayaw akong papasukin dahil may kasama syang iba -at ang masakit pa ay naka tapi lang ng kumot ang babae nasabi ng isip ni Alona -tinitigan nya itong mabuti -maganda -maputi -mahaba ang buhok na medyo magulo -ngumiti syang mapait sa dalawa -patawarin mo akong Mhyco at sana maging masaya ka -kayo binalingan din nito ang babae na nasa likuran nya -masakit para kay Alona pero kailangan nya nang umalis sa lugar na iyon
Alona sandali -habol sa kanya ni Mhyco bago pa man nya mapindot ang button ng elevator -Alona let me explain -mahinahon nyang sabi
Sige -ang tanging nasabi lang ni Alona -mabilis namang bumalik sa Mhyco sa loob ng condo nito at ilang saglit pay lumabas na rin ito na nakabihis na -sa isang cafe sila humantong sa ibaba lang nang building
Nakayuko lang si Alona dahil hindi nya matingnan ng diritso si Mhyco -aminim man nya o hindi -hindi ganito ang inaasahan nya -dahil ang tanging taong inaakala nyang kakapit sa kamay nya para ipangon sya ang parang bula na naglaho -hindi rin nya makuhang magalit sa lalaki dahil sigurado syang hindi rin magugustohan nito pagnalaman nya ang nangyari sa kanya -pero ang kaibihan nila hindi nya ginusto ang nangyari sa kanya samantalang sa lalaki ang ginusto -ang hindi nya lang matanggap ay ang mga katanungan sa kanyang isip -kung kilan pa nagsimula syang lukihin ni Mhyco
Alam nya sa kanyang sarili na wala na silang patutunguhan -kaya siguro kahit sa ilang besis syang nagsabi dito kung gaano nya kamahal ang lalaki ni isang besis hindi nya na na rinig na nag i love you din ito sa kanya pabalik
Ipinikit nya ng mariin ang kanyang mga mata at doon kumuha ng lakas -bago dahan-dahang inangat ang kanyang ulo -Mhyc kilan pa? -maluha-luha nyang tanong na pilit nyang pinipigilan
Alona I'm sorry
So matagal na?
Alona kasi
Sagutin mo nalang ako Mhyco
Oo matagal na 2 years na kami ni Elaine
Bakit hindi mo sinabi sa akin? -mahinahon pa ring saad ni Alona -hindi nya alam kung saan nya nakuha ang lakas at tapang para manatiling matatag ang kanyang boses at patuloy na naging mahinahon -dahil kung siguro sa ibang pagkakataon ito nangyari baka nagwala na sya -ang tagal mo na pala akong niloloka Mhyc -paano mo nagawa sa akin yun -sa tuwing ba kasama mo ako -hindi mo naisip na may isa ka pang girlfriend na nasasaktan -o ginawa mo lang akong parausan
Alona alam nating pareho na hindi ako ang naka-una sayo -hindi ko inalam kasi akala ko tanggap ko pero hindi pala
Parang bombang sumabog sa harap ni Alona ang sinabi ni Mhyco na iyon -all this time pala yun ang issue nila -na hindi man lang din nya inalam kung okey lang ba ito sa lalaki -parang nanlumo si Alona sa napag alaman -kaya mas lalo nyang nilakasan ang kanyang loob na itananong sa lalaki ang pinaka importanting tanong sa buong buhay nya -huminga muna sya ng malalim bago nag salitang muli -Mhyco minahal mo ba talaga ako? -yung totoo please
Lon sa maniwala ka o sa hindi pero totoong minahal kita -siguro kung hindi tayo nangkalayo hindi magbabago ang pagtingin ko sayo -pero habang nandito ako at ikaw sa Mindoro -unti-unting nawawala yun -lalo pa nung nakilala ko si Elaine -saad ni Mhyco habang hawak nya ang mga kamay ni Alona
Mahal mo sya? -marahan namang tumango si Mhyco -bakit hindi mo nagawang sabihin sa akin to? -mahinahon pa ring saad ni Alona pero sa pagkaka taong iyon hindi nya na napigil ang kanyang mga luha -paano mo yung 2 weeks na nandito ako bilang secretary mo?
Wala sya dito noon -nasa US sya -nung araw na dumating tayo sa mansion -naka tanggap ako ng message mula sa kanya at sinabi na magpapasundo sa airport -kaya nag madali na akong bumalik na Manila -Alona i'm sorry
Alam mo ba Mhyc kung ano ang nangyari sa akin nang araw na umuwi tayong mansion? -lalong bumaha ang mga luha ni Alona nang maalala ang nangyari -pagtataka naman ang namutawi sa mukha ni Mhyco -umayos pa ito ng upo para mapunasan ang mga luhang walang tigil na naglandas sa mukha ni Alona
Ano?
Mhyco ni -ni r -rape ako ng uncle Edmond mo? -putol putol na saad ni Alona at dahan dahang iniyuko ang ulo -hindi nya inasahan ang sunod na ginawa ni Mhyco -kinulong sya nito sa kanyang mga bisig
I'm sorry -i'm sorry Alona -hindi ko alam -sana hindi nalang kita inuwi -sorry
Kumalas naman si Alona mula sa yakap ni Mhyco at marahang pinunasan ang kanyang mukha -sya din yung naka una sa akin Mhyc -paulit ulit -dahil ako daw ang kabayaran sa lahat nang perang kinuha ng nanay ko sa kanya -patuloy na kwento ni Alona kay Mhyco
Bakit hindi mo sinabi sa akin lahat ng to?
Dahil gusto ko na syang kalimutan -dahil akala ko ikaw yung sagot sa lahat ng dasal ko -akala ko ikaw yung maglalayo sa akin sa impyerno ko -akala ko -hindi na naipagpatuloy ni Alona ang mga sasabihin nya pa sana dahil mahigpit na syang niyakap ni Mhyco
Alona gustuhin ko man pero may responsibilidad na kasi ako kay Elaine -buntis sya 2 months -mahinang saad ni Mhyco habang yakap nya ang dalaga
Nasa ganon lang silang position hangang sa medyo tumahan na si Alona sa pag-iyak -hindi ko rin ipagpilitan ang sarili ko sayo Mhyc at hindi ko hihilingin na sana ako nalang -dahil alam kong mas kailangan ka ngayon ni Elaine at ng anak nyo -pero aaminin ko masama ang loob ko sayo dahil niloko mo sa mahabang panahon
Alona pwedi kitang tulungan naman e -mag trabaho ka dito sa Manila -sa kompanya ipasok kita
Hindi na Mhyc gusto kong lumayo -yung malayong malayo -yung walang nakaka alam ng madilim kong kahapon -bubuo-in ko muna yung sarili ko ulit -ayoko nang iasa sa iba yung buhay at kapalaran ko -dumukot naman si Mhyco sa kanyang wallet ang inabot kay Alona ang iilang libong peso -gusto ko man sanang tanggihan to Mhyc pero kailangan ko rin to eh baka kasi hindi kasya yung kunti kung ipon -salamat dito ha -at marahan na syang tumayo kahit pa nangangatog ang kanyang mga tuhod -muling nagyakap ang dalawa bago pinanood nalang ni Mhyco ang palayong bulto ni Alona
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
No FicciónLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...