Were getting married -parang hindi na intindihan ni Alona ang sinabi nang binata -naka nga-nga lang sya habang tinitingnan ang binata na alanganin ang ngiti -mahal -ar-are you okey? -hinawakan ni Brian ang kamay ni Alona na hangang ngayon ay hindi pa rin makahuma -palitpat-lipat ang tingin ni Alona sa mga taong nasa loob ng opisina
Bakit nanginginig ang kamay mo? -bagkos tanong ni Alona nang mapansin ang panginginig ni Brian
Mahal galit ka? -balik tanong naman ni Brian dito
Ano ready na ba ang ikakasal -boses ni Mayor ang pumukaw sa kanilang dalawa -mataman syang tiningnan ni Brian kung ano ang sasabihin nito -nang tumango ito
Ready na mayor -umpisahan mo na baka magbago pa ang isip -nagkatawanan naman ang mga tao sa loob ng opisina
Halos wala namang naintindihan si Alona sa mga sinasabi o tamang sabihin na binabasa ng mayor -nagulat nalang sya nang sootan sya ni Brian ng singsing sa kung saan naka soot ang singsing na binigay nito sa kanya kagabi lang -nang inabot ni Brian ang isang singsing tinanggap nya naman ito -nagkatawan pa ang mga tao na naroon ng iguide ni Brian ang katipan para isoot ang singsing sa kanyang daliri -para syang robot na sunod sunoran nalang sa pangyayari -by the power vested in me -I now pronounce you husband and wife -you may now kiss your wife and congratuation Mr. and Mrs. Pantaleon -nagpalakpakan naman ang mga naroon -nang dumampi ang labi ni Brian sa labi nya -doon lang sya parang nagising sa malalim na pag-iisip at sunod sunod na nahulog ang kanyang mga luha
Kasal na talaga tayo? -nakangiti nyang tanong kay Brian ngunit naglandas naman ang masagana nitong mga luha -totoo talaga to? -hindi to biro?
Ah Mrs. Pantaleon if you will sign this marriage contract -oo -totoo na talagang mag-asawa kayo -pero kapag hindi mo to pinirmahan wala kaming maipasa sa office of the civil registrar so hindi valid ang seremonya na to -paliwanag ng mayor -so would you like to sign this or
Sa-signan ko po mayor -agad naman syang niyakap ni Brian -pero saglit lang dahil agad nya itong inassist para pumirma -sumunod naman agad ang katipan -mahigpit na niyakap ni Mang Isko at Aling Berta si Alona ng sabay
Masaya kami para sa inyo anak -masayang masaya kami -naluluhang saad ni Aling Berta -ngayon totoong nanay at tatay nyo na talaga kami -muling nagkayap si Alona at ang mga matatanda ng may humawak sa kanyang braso
Ako naman anak -saad ni Almira -congratulations
Thank you po -salamat sa suporta -ma-mama -nahihiya nyang pang saad bago muli syang niyakap ni Almira ng sobrang higpit
Mahalin mo lang ang anak ko at alagaan mo sya -samahan mo lang sya sa lahat -masaya na ako -at lalong lalo na yang asawa mo -matagal kang hinintay nyan -sige na anak lapitan mo na -medyo tinulak pa sya ng ginang palapit sa asawa na ngayon ay masayang nakipag kamay sa mayor
So paano po Mayor asahan namin kayo sa farm mamaya -imbita ni Brian dito
Oo naman hindi ko papalagpasin ang pagkakataon na makita ang loob ng farm nyo -at syempre makisaya sa bagong kasal
Maraming salamat po Mayor for the short notice -pati po kasi ako gulat na gulat eh -paliwanag ni Alona
Naku iha hindi naman ito short notice -matagal nang umabiso si Mr. Pantaleon -yung proposal lang naman ang hinihintay at nung tumawag sya noong isang araw at sinabi na magpopropose na nga daw -pinahanda na rin nya ang marriage contract nyo
Tiningnan ni Alona ng masama ang asawa -gusto man nyang magtatalon sa tuwa sa isiping asawa na nya ang katipan -pero pinigil nya ang sarili -so ako lang talaga ang walang malay dito -medyo mataray nyang saad -pero wa epek hinapit lang sya ng asawa at hinalikan sa labi sa harap mismo ng mayor -hangang sa nagpaalam na ang mga ito
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...