C-24

8K 140 17
                                    

Kinabukasan nagpumilit si Brian na ihatid ang kasintahan sa paaralan -kahit na sinabi ng dalaga na naiintindihan nya ang binata pero ramdam parin ni Brian ang panlalamig nang pakikitungo nito sa kanya -patunay nito ang pananahik sa buong byahe nila -kahit na noong nagpaalam ang binata na didiritso na itong sa farm tango lang ang tanging sagot ng dalaga -matapos na ihatid ni Brian si Alona sa school dumiritso na sya sa farm -agad namang natahimik ang mga tauhan sa kanilang pagkukwentuhan

Oh bakit bigla kayong napatigil anong meron? -may himing biro pa nitong saad

Ah kuya Brian kumusta po si ate Alona -tanong ni Belen ng makalapit ang binata sa kanila ng tuluyan

Oh Belen wala kang pasok -umiling lang ang dalagita -uhmm -ok naman si Alona bakit mo na tanong

Sigurado ka kuya ok lang si ate Alona? -kasi 

Belen ano ka bang bata ka -hwag ka nga nangingialam dyan -saway sa kanya ng kanyang ina -nahimigan naman ni Brian ang inis sa tono ng pananalita nito

Bakit aling Berta ano ba yun?

Pasensya na Brian pero wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang alam ko -kung okey naman kayo ni Alona sya nalang ang tanungin mo

Wala namang nagawa si Brian nang iwan sya ng matanda at kahit pilitin nya pa ito alam nyang hindi ito magsasalita -kaya dumiritso nalang sya sa mga kalalakihan na gumagawa sa bagong kuprahan -kumusta ang trabaho Mang Isko

Ayos naman iho malapit na rin matapos

Mang Isko may alam ka ba doon sa sinasabi ni Aling Berta at Belen

Halika dito doon tayo sa walang tao -nang maka-upo sila sa ilalim ng puno ng mangga na malayo sa mga tao -saan ka ba nagpunta nung isang araw? -kasi ang alam ko mansa -teka ano nga ba iyon -yun bang tawag nyo ngayon sa anibersayo

Monthsarry po yung sinicelebrate kada buwan -actually po Mang Isko papunta naman talaga ako kaso nakita ko yung kaibigan ko

Anak hindi ka sa akin dapat na magpaliwanag -doon ka dapat sa kasintahan mo -at yung tungol doon sa anibersayo nga -ito kasing si Alona may plinanong surprisa sana para sayo -nandon kami kaya nga niyaya kita na umalis na pero sabi mo susunod ka nalang -may iilan din sa mga kasama ni Alona'ng mga guro -ang sabi nya kasi lage nalang daw ikaw ang nagbibigay sa kanya ng surprisa -pero sabi nga nila Ramon sya pa din ang nasurpresa nang hindi ka sumipot 

Bakit po Mang Isko

Sabi nga ng asawa ko wala kami sa posisyon para sabihin sayo ang alam namin -pero iho hindi lahat ng babae matapang para alukin ng kasal ang kanilang mga kasintahan -pero sa tingin ko hindi na ulit gagawin ni Alona ang ginawa nya sanang pagyaya sayo ng kasal -ang alam ko kasi doon sa kwento ng kasama nyang guro -pinagpuyatan at pinagpaguran daw talaga ni Alona ang pagplano -si Alona daw mismo ang nagpahangin sa lahat ng lobo na ginamit -basta lahat daw ng palamuti doon si Alona ang may gawa -kaya nga daw lage yun puyat at late na kung umuwi -ano bang nangyari at hindi ka sumipot -naghiwalay ba kayo?

Naku Mang Isko hindi ho -at hindi ho mangyayaring maghiwalay kami -ang tanga ko lang talaga Mang Isko na hindi gumawa nang paraan para puntahan sya -ang laki ng sinayang ko

Tinapik tapik ni Mang Isko ang kanyang balikat -siguro hindi pa ngayon ang tamang panahon para dyan -may magandang araw lang siguro na nilaan ang diyos para sa ganyang bagay para sa inyong dalawa ni Alona

Sana nga Mang Isko -sana nga -dahil napaka laki kong tanga sa ginawa ko -hinintay ko sya nang pagkatagal-tagal tapos hindi ko naman napahalagahan ng maayos

Madilim na Kahapon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon