C-18

8.7K 172 4
                                    

Pagkatapos ng bakasyon tumulong na rin si Alona sa mga gawain sa farm -kaya araw araw syang sumasama kay Brian kahit na ang gusto ng binata eh magpahinga sya -pero hindi sya pumayag -ito na nga lang daw ang pwedi nyang maitulong

Araw-araw syang tumulong kay Aling Berta sa paghahanda ng meryenda at pananghalian ng mga kasamahan -at pagkatapos ay dumudulong din sya kay Brian para tulungan ang binata sa kung ano man ang ginagawa nito -maliban nalang sa kung magbubuhat ito ng sako sako

Busy ngayon ang lahat ng tao sa farm dahil naghaharvest sila ng manga -aliw na aliw si Alona sa panonood nya sa mga taong kanya-kanyang akyat sa mga puno at may dala dalang basket sa likuran -sila naman ni Belen ay nasa kubo habang kumakain ng mga hinog na nahulog at hindi na maisasali sa pagbenta

Hinay hinay lang kayong dalawa sa pagkain ng manga -sita sa kanila ni Aling Berta ng tinawanan lang nilang dalawa ng Belen

Ang tamis po kasi Aling Berta eh -saad ni Alona na panay ang subo -kahit na noong umaga na hindi pa luto ang suman na ginawa ng matanda ang panay na ang kain nya

Halos alas dyes na nang gabi ng magyaya si Brian na umuwi na sila -uuwi na tayo eh hindi pa naman tapos?

Sila na Mang Isko ang bahala dito -maaga nalang tayong babalik bukas para tulugan sila -kailangan mo nang magpahinga -tuloy tuloy na saad ni Brian habang nagpapalit ng damit

Bry dito nalang din tayo -hwag na tayong umuwi -sila Belen oh sa kubo lang natulog -sabay turo nya sa mga anak ng mga trabahador na doon na rin nagpapalipas ng gabi dahil buong mag-anak na kasi ang nagtatrabaho para kay Brian

Hindi pa man nakasagot ang binata ay tumatakbong lumapit si Chris sa kanila -kuya Brian pinapapunta ka ni tatay sa kwadro po -hingal na saad ng bata

Bakit Chris anong nangyari? -kinakabahang tanong naman ni Alona

Si kulay po ate manganganak na yata

Nakakunot ang noo ni Alona kung sino si kulay -inalalayan naman sya ni Brian patayo sa papag -gusto mong sumama? -tanong ni Brian sa kanya -marahan naman syang tumango -si kulay ay isang baka -marami kasi syang kulay kaya pinangalanan sya ni Chris ng kulay -sya at ang tatay nya kasi ang naka focus sa bakahan natin -napatango-tango nalang si Alona -hawak nito ang kanyang kamay -hindi naman ganon ka dilim ang paligid dahil maraming namang  poste ng ilaw -idagdag pa ang maliwanag na tanglaw ng buwan

Pinapanood lang ni Alona ang ginawa ng mga taong naroon -namamaha sya sa husay ni Brian sa pag-alalay sa malaking baka -alam nyang expose ang binata sa ganitong klase dahil sa sya ang nagpapatakbo ng kanilang rancho sa Batangas pero hind pa rin lubos maisip na hands on ito sa mga ganitong klase ng trabaho -isang mayaman at lumaki sa America ay walang kaarte arte sa katawan

Napapangiti nalang sya ng makita na karga karga ng binata ang sangol na baka habang pinupunsan nya ito -nang masiguro na okey na ang lahat binalikan nya ang dalaga kung saan ito naka pwesto -ang galing mo -agad na saad ni Alona tsaka isinuksok ang celphone sa bulsa -binigay ito ng binata sa kanya bilang regalo 

Anong ginawa mo? -hapong tanong ng binata

Vinideo kita habang nagpapa anak kay kulay -naka ngiti nyang saad -tsaka tinulungan ito sa paglinis ng dugaang balat

Uwi na muna tayo kailangan kong maligo eh -tumango naman ang dalaga at magka hawak kamay na bumalik sa kubo -mabilis na nagpaalam si Brian sa mga kasamahang gising -kumaway naman ang mga nasa itaas pa ng puno 

Pagkarating nila sa bahay agad na umkyat si Brian at dumiritso sa banyo -hinanda naman ni Alona ang sosootin ng binata bago sya pumasok sa sariling kwarto para maglinis din ng katawan ang magpalit ng pantulog -nang matapos sya bumalik sya sa kwarto ng binata naabutan nya itong naka dapa sa kama -kaya sumampa din sya tsaka sinimulang masahiin ito

Madilim na Kahapon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon