Pagka alis ni Brian -ilang saglit lang din ang nagpaalam na si Aling Berta dahil susunod pa ito sa bukid sa kanyang asawa -naiwan si Alona kasama ni Belen -magana naman nag kwento ang dalagita dito -matagal na ba ninyong kakilala si Brian Belen?
Opo ate siguro mga 5 year na rin po -college pa yata si kuya Brian noon eh -nung nabili nya itong lupain tyempo naman na naghahanap sya na pweding maging katiwala tapos ayun si tatay ang napagtanungan nya -kaya inoffer na ni tatay ang sarili nya -natatawang kwento pa ni Belen -habang tumutulong kay Alona sa pag gawa ng meryendang plano nilang dalhin sa manggahan -may mga nag-iispray kasi doon para mamunga ito
Tapos alam mo ba ate si kuya Brian din ang gumastos para ipagamot si nanay -na diagnose din kasi si nanay na may cyst sa dibdib -buti na nga lang nakilala namin si kuya Brian kung hindi baka naging cancer na yun or worst baka wala na si nanay -bigla naman naawa si Alona sa kwento ng bata kaya agad niya itong niyakap -manghihiram lang sana si tatay ng pera kay kuya Brian noon eh kahit bago palang kaming katiwala nya noon -patuloy na kwento ni Belen -tapos dinala kami ni kuya Brian sa Manila tapos sya na gumastos lahat -pati doon nya kami pinatira sa condo nya -ang bait bait ni kuya Brian ate Alona sobra -kahit sa pag-aaral ko sya ang gumastos kahit na kumikita na naman sila nanay at tatay -sabi nya isipin nalang daw namin na scholar nya kami -hindi lang kasi ako ate ang pinapag-aral nya dito tatlo kami mga anak ng nagtatrabaho kay kuya Brian -patuloy na kwento ni Belen
Alam ko yun kasi ako din lage akong tinutungan nyang ni Brian -sa narinig nya mula kay Belen mas lalong humanga sya sa binata dahil sa taglay nitong kabaitan
Ate boyfriend nyo po ba si kuya Brian? -nakangiting tanong ni Belen -bagay po kasi eh -wari pay ginikilig nitong saad
Ikaw na bata ka kung anu-ano yang tanong mo -magkaibigan lang kami ng kuya Brian mo
Ate bakit ngayon ka lang napunta dito? saan ka nakatira dati?
Sa mansion din nila Brian -hindi nya pinahalata sa kausap na ayaw na nya sanang balikan sa isip ang lugar na iyon
Bakit ngayon ka lang sinama ni kuya dito -eh lage naman pumupunta yan dito -sabi nga ni tatay swerte daw ang babaing mamahalin ni kuya kasi bukod sa gwapo at mayaman super bait daw po -kaya maswerte ka ate
Paano naman ako nasali dyan? -natatawang saad ni Alona
Kasi po ikaw ang future girlfriend ni kuya Brian
Loko kang bata ka ha -ayusin na nga natin itong ginagawa natin para maka alis na tayo
Oy si ate namumula -crush mo si kuya nuh -oy si ate crush nya si kuya -patuloy na panunudyo ng dalagita sa kanya -kaya napapangiti nalang talaga sya sa kakulitan ng kasama -don't worry ate your secret is safe with me -at nag sign ma ito na isini seal ang kanyang bibig -napapailing nakang si Alona habang nilalagay sa basket ang kanyang ginawang meryenda
Magana namang nagsalo salo ang mga tauhan na naroon -nang mag ring ang kanyang celphone -kaya nag excuse sya sa mga naroon upang sagutin ang tawag -naka rating kana? -agad na tanong nya sa tumawag na si Brian
Hello there too -sagot naman ni brian na sinundan pa nang tawa -di naman halatang excited kang maka balik agad ako ano?
Hey tumigil ka nga dyan -saan ka na ba -baka naman nag di-drive ka ha-angil nya sa lalaki
Hindi -nagpapa gas ako kaya ako nakatawag sayo -kumusta ka naman dyan?
Okey lang ako hwag mo ako alalahanin -nandito nga ako sa farm manggahan eh -nagdala kami ni Belen ng meryenda para sa mga tauhan dito -masayang kwento nya sa binata
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...