Parang bomba ng kaligayan ang sumabog sa pandinig ni Alona sa tanong na iyon ni Brian -pakiramdam nya napuno ng kumikinang na bituin ang kanyang paligid kahit pa hilam na sa luha ang kanyang mga mata -mahigpit pa rin ang hawak ni Brian sa isang kamay nya habang ang isa naman ay mahigpit ding kumawak sa singsing -mahal -untag pa ng binata sa kanya ng hindi na maampat ang iyak -what do you say then? -naluluha na rin nyang saad -sunod-sunod ang naging pagtango ni Alona -habang ang isang kamay ay nakatakip sa kanyang bibig
Agad naman na isinoot ni Brian ang hawak na singsing sa daliri ng kasintahan -thank you -at mabilis nya itong niyakap -nagulat nalang si Alona nang makarinig ng malakas na palakpakan -paglingon nya sa paligid naroon ang mga taong malalapit sa kanila -ang mga tauhan sa farm -mga kasamahan sa paaralan at sina Patricia at ang asawa't anak nito -mas lalong nagulat si Alona nang lumabas mula sa kumpol ng mga naroon ang ina ni Brian
Alona -iha -nakangiting ibinuka ni Almira ang kanyang mga kamay para yakapin ang dalaga -hindi naman sya nabigo dahil mahigpit naman syang niyakap nito -congratulation at salamat sa pagtanggap sa alok ng anak ko -welcome to the family iha -natawa pa ito nang maghiwalay sila na parehong basa ang mga pisngi -noon pa man pamilya ka na -sorry din dun sa nangyari ha
Ma -awat ni Brian sa ina -hindi na kailangan pag-usapan ang bagay na nakaraan na okey -nandito tayo para magsaya diba
I'm sorry anak -congrats -sa wakas -masayang bati naman ng ina nito -mahigpit ring niyakap ni Brian ang ina
Si Alona naman ay masaya sa pagbati ng mga kaibigan at kasama -naku kung hindi ka pa umuo hindi ka talaga makakalabas dito -saad ni Patricia at iniumang pa ang kamay para kurutin ito sa singit -nagtawanan naman ang mga kasama nyang guro
Ate -masiglang lumapit si Belen dito at niyakap sya -brides maid ako ate ha -dagdag pa nito
Habang panay ang bati ng mga naroon sa kanilang dalawa -hinila naman sya uli ni Brian at pinaupo sa pinagkakaupuan nya kanina at pinagpatuloy ang pagkain -hindi napansin ni Alona na meroon nang mga mesa at upuan sa paligid -kanya kanyang pwesto naman ang mga bisita -nang tingnan ang kasintahan nagkibit balikat lang ito
Paano pala nalaman ng Mama mo to? -kapag kuwan ay tanong nya sa kasintahan
Tumawag kasi ako kay mama nung nagka problema tayo -humungi ako ng tulong -ayun nga sabi nya ayain na daw kitang magpakasal para ma secure na yung feelings mo at hindi ka na mangamba pa na mawala ako sa buhay mo -napangiti naman ang binata ng sumimangot ang nobya sa huli nyang tinuran -totoo kaya nga lagi kitang tinatanong diba
Paano pala kung hindi ako umoo ngayon?
Eh di tatanungin kita nang paulit ulit hangang sa makulitan ka na sa akin at umoo na -nakangiting tinanggap ni Alona ang isinubo ng kasintahan
Ganon mo talaga ako kamahal? -hindi ka ba natatakot ma baka hindi to totoo -na
Ang nega naman ng mahal ko -nakangiting turan ni Brian pero halata naman ang pigil na pagka-inis -hinwakan nito ang kamay ng kasintahan at mahigpit itong pinisil -at hindi ako papayag na walang tayo sa dulo -kahit kamatayan harangan ko -mahal na mahal kita -natahimik nalang si Alona habang marahang tumango -dumako naman ang kamay ng binata sa kanyang mga pisngi para tuyuin ang kanyang mga luha
Halos buong oras silang nakatayo habang magkayap -sinasabayan ang mga kasamahang nakikisaya at nakikisayaw sa kanila -pero nakatayo lang naman sila doon sa gitna na magkayakap
Halos maghahahting gabi na nang isa-isang nagpaalam ang mga bisita -di naman magkamayaw sina Alona at Brian sa pasasalamat sa pagdalo nila para sumaksi sa ginawang proposal -mga anak -lapit sa kanila ni Almira ng sila nalang ang naiwan kasama nila Mang Isko -Aling Berta at Belen -akoy magpapa-alam na rin medyo malayo-layo pa ang bibyahiin ko
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...