Huling araw na nang mag-asawa sa kanilang honeymoon at hiniling ni Alona na mamasyal sila sa buong isla ng Maldives na agad namang sinang-ayunan ni Brian at laking tuwa ni Alona dahil hindi lang sa isla sya nito pinasyal kundi pati sa syudad kaya nagkaroon ng pagkakataon si Alona na mamili para pasalubong sa lahat ng tauhan sa farm at para sa mga kasamahan sa school at syempre sa byanan nya
Hindi magkanda ugaga si Alona sa pagsalansan ng kanyang mga pinamili sa maletang dala nilang dalawa ng asawa -do you think wala na tayong nakalimutan mahal? -tanong ni Alona sa asawa sabay pasada ng tingin sa laman ng maleta
Mahal I'm sure wala na -kaya pwedi mo na yang isara -maaga pa tayo bukas baka hindi tayo magising ng maaga maiwan pa tayo ng flight natin -pananakot nya pa sa asawa na akmang bubulatlatin na naman ang laman niyon -agad na inigaw ni Brian ang maleta at sya na mismo ang nag sara
Tuwang tuwa naman ang mga tauhan sa farm nang isa-isang abutan nila Alona at Brian ng kanilang mga pasalubong -hangang sa hinila sya ng kanyang byanan papunta sa lilim ng puno ng makupa -pina upo sya nito sa upuang gawa sa kawayan -anak kumusta naman ang honeymoon nyo? -nakangiting tanong ng ginang sa kanya
Okey naman po ma -masaya kaso nagkasakit ako ng 2 days -imporma nya sa ginang
Oh bakit? -hindi ka ba inaalagaan ng asawa mo -naku lagot sa akin ang batang to -nanggigil na saad naman ng ginang
Hindi naman po ma -napasobra ako sa pagsu swimming eh kaya ayon nilagnat po ako -pero hindi naman nag kulang nag paalala sa akin si Brian ako lang po ang matigas ang ulo
Ah ganun ba -so hindi nyo pala na enjoy ang honeymoon nyo -sayang naman ini-expect ko pa naman na meron na akong bagong apo
Po -nanlalaki ang mata na saad ni Alona -buti nalang at dumating ang asawa nya at inakbayan sya agad nito
Anong pinag-usapan ng mga mahal ko -nakangiting saad ni Brian sa dalawang babae
Anak nagkasakit pala itong asawa mo while you were on your honeymoon -so wala pa akong aasahan na apo?
Who knows ma -malay mo sharp shooter pala ako -sabay kindat nito sa asawa na pulang pula na ang mukha -mabilis naman syang nasiko na Alona pero tinawanan lang nya ang asawa
By the way mga anak -gustohin ko mang mamalagi dito kasama nyo pero kailangan ko munang umuwi sa mansion -nandoon ngayon si Mhyco dala ang anak
Bakit ma nasaan si Elaine? -tanong ni Brian sa ina -naging curious naman si Alona sa kung ano na ang nangyari sa dating katipan -simula kasi umalis sila ni Brian at tumira sa Bulacan wala na syang balita sa mga ito at iniiwasan nya rin ang makasagap ng ano mang balita tungkol sa kanila -at alam nyang ganon din ang ginawa ni Brian kaya never nilang napag-usapan kahit minsan lang
As what your brother said hiwalay na daw sila
Tsk tsk -napapailing nalang si Brian -kunting problema lang aayawan kaagad nila -hindi na nila inisip ang anak nila
Son baka pwedi mong kausapin yung kapatid mo
Sige ma tatawagan ko sya -pero ipapabukas mo na ang pag-uwi -kakausapin ko nalang sila Patrick na ipag drive ka -pwedi sya magpasama sa ibang tauhan
Sa farm na rin sila naghapunan -namalagi pa sila ng hangang alas dyes bago napag desisyonang umuwi na -agad namang pumasok sa kwartong inuokupa si Almira para magpahinga -samantalang ang mag asawa ay naiwan sa kusina dahil gustong magkape ni Brian kaya sinamahan niya na muna ito
Habang nagtetempla ng kape tinanong nya si Brian -mahal natawagan mo na ba ang kapatid mo? -para namang naistatuwa si Brian sa narinig -okey lang naman sa akin eh -kung ako ang iniisip mo -okey lang ako -sobrang okey na ako -nakangiti nya pang saad
BINABASA MO ANG
Madilim na Kahapon (Completed)
Non-FictionLahat ng tao may pangit na nakaraan -may sekretong pilit kinukubli -at lahat sila hangad ay ang maintindihan na kahit isang tao lang -yung hindi ka huhusgahan at tatanggapin ka kahit na sino at ano ka man. Sa sitwasyon ni Alona may tao kayang handan...